Chapter 30: Pico de loro

22 1 0
                                    

-THIRD PERSON'S POV-

ILANG BUWAN NA ang nakalipas simula nung para bang nagkaroon ng meet and greet sila Dawn at ng media. Di maitatangging lubos na natakot talaga si Dawn dahil sa presensya nila, hindi niya alam kung ano ba dapat ang kanyang mararamdaman o magiging reaksyon maliban nalang sa pagkabigla at takot.

Nakarating iyon sa mga magulang ni Dawn, ayaw naman niya na palaging merong umaaligid sa kanya na mga bantay kaya napag desisyonang mas higpitan nalang ang sekyuridad ng kampanya lalo na kapag nandyan sila.

Gabi bago ang byahe nila Dawn at ng company ng GomEstate at RY company ay nagpprepare na ang pamilya sa gaganaping business trip ng ilang araw sa isang kilalang 5-star hotel sa Batangas, ang Pico de loro.

At habang nagtutupi ng mga damit si Dawn nagagamitin niya sa kanilang trip doon ay bigla siyang pinatawag ng kanyang ama sa opisina nito.

"Mija, your dad wants to talk to you." Nagtaas naman ang tingin si Dawn at nakitang ang kanyang ina ang nagsalita na nakasilip lang mula sa labas ng kanyang walk-in closet.

Kahit na may pag alinlangan dahil di pa talaga sila nagkakausap ng ama simula nung nangyari sa hospital ay naglakas loob itong humarap sa kanya.

Huminga muna ito habang nasa labas ng kwarto bago pihitin ang doorknob ng pinto.

"What is it dad?" Tanong ni Dawn ng makapasok sa loob at nakita ang kanyang ama na merong binabasang papeles.

Dinapuan siya nito ng tingin bago ibinaba ang hawak hawak na papel.

"As you can see, there will be a ball at the trip." Panimula ng kanyang ama at tinanggal ang suot na salamin.

"And I already told you about the partnership we had with RY company right? So obviously aattend din kayo ng ball to observe." Kinabahan naman si Dawn nung maramdaman niya kung saan na ito papunta.

"Hmm, so Khalil is going. It's okay! Di naman ibigsabihin non ay palagi kayong magkasama na.

You'll survive, Dawn.

But what about...

Calvin? Is he going too? Balita ko nasa amerika sila ngayon eh." Dawn said mentally.

Dawn sigh to get rid of the thoughts. "Okay? So.. That's it?" Tanong niya. Pero sa kasulok-sulokan ng ulo ni Dawn ay nagdadasal na siyang sana yun lang at wala nang iba.

Tumango naman ang kanyang ama kaya nakahinga at hinay hinay na si Dawn na humakbang papalayo nung biglang bumungad sa kanya ang kanyang ina na papasok palang ng opisinahan.

"Aren't you gonna ask who will be your partner, slash buddy while we stay there?" Ani ng kanyang mommy na naglalakad palapit sa mag ama at para bang invested sa usapan.

Nagkunot nuo naman si Dawn sa sinabi ng kanyang ina at nagpabaling-baling ng titig sa mga magulang niya.

"W-what do you mean? I can take care of myself." Depensa ni Dawn dahil sa totoo lang ay ayaw niyang mapalapit kay Khalil, not even 5 feet. Ngumiti naman ang kanyang ina.

"I don't need someone mom, napakarami na akong pinuntahan na events without chaperone and I'm sure same with Khalil." Aniya dahil meron siyang nararamdaman na dinadasal niyang di tama ang kanyang hinala.

"You are not listening my dear." Wika nito at umayos ng upo.

"Khalil. He's your partner when it comes to business. So basically, magiging hmm.. what do we call that." At nag isip ang kanyang ina ng mas magandang termeno sa gusto nitong sabihin.

STUCK IN PAIN (UNEDITED)Where stories live. Discover now