Hey bijjes! Don't forget to refresh chapters!!
Mhua!!
~*~*~
-DAWN'S POV-
"WE'RE HOME!" Masiglang wika ni mommy at tumingin saming tatlo nila daddy at Andrea. Nagtinginan naman kami ni Andrea sa isat-isa na nakaupo sa likod ng kotse.
"Yehey?" Ani Andrea habang nakangiwi. Di sure kung makikisabay sa trip ni mommy.
"Hay, kayo naman. Ang seseryoso niyo sa buhay." Ani mommy at lumabas na ng kotse nung nabuksan na ni dad ang pinto ng passenger seat. And speaking of dad. We haven't talked to each other after our fight at the hospital. Which I totally understand why.
Nakita ko namang binigay ni dad ang kotse sa driver namin. Maybe he sensed na magtatagal pa kami rito sa kotse ni Andrea kaya binigay nalang niya kay Manong ang susi upang siya nalang ang magsirado pag makuha na nila lahat ng gamit sa trunk.
"So?" Panimula ni Andrea. Sinabihan ko kasi siya kanina na mag uusap kami sa kotse pag makarating kami sa bahay.
Humarap naman ako sa kanya bago nagsalita. "Did you?" Deritsahan kong tanong sa kanya.
Di naman siya nakagalaw dahil sa tanong ko.
"Andrea.." pagbabala ko.
Huminga naman ito ng malalim bago nagsalita. "Ate, I only did what's right. At ayokong dumagdag pa siya sa sitwasyon niyo. He laid a finger on you!" Aniya at nag iwas ng tingin.
Napasandal naman ako sa sandalan habang nakatitig sa unahan.
"You know, you're right and it's funny cause ikaw pa yung mas marunong sa dapat na gawin imbis na ako kasi ate mo ako." Panimula ko.
"Bat di mo sinabi kaagad?" Andrea said with full of sincerity.
"Wala ehh" sabi ko.
"Mas nangibabaw yung takot ko, ngayon, nadamay pa tuloy yung iba dahil sakin." at umiling iling.
"Don't blame yourself." Ani Andrea at hinawakan ang braso ko.
"By the way, may tanong ako." Tumingin naman ako kay Andrea sa sinabi niya at tinaas ang dalawang kilay.
"Well.. if you don't mind me asking." Panimula nito. "Ganon din ba noon si kuya Calvin?" Nakangiwing wika niya.
"Anong ganon?" Kunot nuong tanong ko.
"You know, like violent?" Napa iwas naman ako ng tingin sa kanya dahil napa isip ako.
Oo nga. He's not like that, dati. Bat ngayon ganon? Parang hindi siya. Pati nga si Kaye na pinsan niya ay nabigla dahil parang nag iba raw si Calvin, naging violent bigla.
"ARE YOU SURE, okay ka na?" pag assure sakin nila Faith. Narito na kasi ako ngayon sa skwelahan kahit na kakadischarge ko palang kahapon.
My mom wouldn't let me, actually but matigas ulo ko kaya ganon. Atsaka marami na rin akong namiss na lessons kaya sinigurado kong makapasok ngayon sa klase kahit na paika-ika pa akong naglalakad."Oo nga at di naman pwedeng absent nalang ako. Marami na akong namiss na mga lesson kaya." Tugon ko habang naglalakad papuntang cafeteria.
"Hmm, speaking about it" mataray na sabi ni Chloe at siniko si Kaye rason para ituon niya ang kanyang tingin sakin banda. Pumintig naman agad ang aking puso dahil don.
"Kaye! Your time to shine!" Ani Chloe at nagsiupo na kami.
Huminga naman ng malalim si Kaye at lumapit sa table upang mas magkarinigan kami.
YOU ARE READING
STUCK IN PAIN (UNEDITED)
Teen Fiction____________~*~__________ "Minahal mo nga ba ako? Mahal ko?" Biglang tanong niya sakin habang di mapigilan ang sarili na hindi humikbi. You can tell in his eyes the pain and trauma I inflicted on him. I don't deserve you, my love. You're too good t...