Chapter 20: School Papers

14 1 0
                                    

"BASTA DITO ko lang po tinatambak mga bigay po ng fans niyo." Sagot nung Yaya nila Dawn habang iginiya siya sa isang kwarto kung saan niya dinidisplay ang mga stuffs na binibigay ng mga fans niya.

"Oh okay salamat" Ani Dawn at agad na hinalungkat ang mga kagamitan na na natanggap niya simula nung mga unang linggo. Hindi pa kasi niya ito nabuksan o nasilip manlang dahil sa sobrang busy nito sa school works kaya dito niya tinatambak ang mga ito.

Habang hinahalungkat niya ang mga bagay bagay may nakakuha ng kanyang atensyon at kinuha ito upang matingnan ng maigi.

A teddy bear with sticky note at ang nakasulat doon ay "-Lil". Kumunot nuo naman niya habang hinalungkat pa ang ibang container kung saan nakalagay doon ang stuffs.

A plastic rose, stuff toys, a comforter, pillow, at marami pang iba na may sticky note na may nakasulat na "-Lil"

"Why does it feel so familiar?" Sabi ni Dawn sa kanyang sarili habang hawak hawak ang mga gamit.

So that means, hindi pala yun yung first niyang nakareceive na galing kay sender na si -Lil, referring to one morning where she received some sweet potato.

And it seems like that person really knows Dawn dahil wala pang nakakapagtanong kay Dawn— ang tungkol sa paborito niyang root crops, even her fans don't know that, but this sender somewhat knows her that well.

So this means, kilalalang kilala siya ito. But, who the hell is -Lil?

Napatayo naman si Dawn sa pagkakaluhod at agad agad na bumaba para pumunta sa kanilang refrigerator sa dirty kitchen ngunit naabutan niyang may nilalabas na mga panis na pagkain  na nakalagay sa karton ang yaya kaya agad niya itong nilapitan.

"Ah yaya, ako nalang po magtatapon sa labas." Pakiusap ni Dawn at agad na hiwakan ang tray na hawak hawak ng Yaya.

"Ho? Talaga?" Kahit na nagugulohan sa biglaang pagka interest sa pag tapon ng mga panis na pagkain, ay ibinigay nalang niya ito kay Dawn.

Agad namang naglakad palabas si Dawn ng kanilang dirty kitchen at agad na isinuri ang mga nakalagay na panis na pagkain. Tiningnan isa isa kung meron bang pagkakapareha siyang makikita.

"-Lil"

"-Lil"

"-Lil" sunod sunod na sabi ni Dawn sa mga sticky note na nakastapler sa karton na nilagyan ng pagkain.

"-Lil"

"-Lil"

"Khalil"

"-Lil"

"Khalil"

"Kh—" wait!? Matiim namang tinitigan ni Dawn ang mga sticky notes na kanyang kinuha. Sinuri nito ang mga to pero napahinto nung biglang merong nagsalita sa kanyang likod.

"Alam mo bang masama na paghintayin ang grasya" puno ng autoridad ang boses nung nagsalita, napaharap naman si Dawn sa taong yun.

"M-manang..." Nabiglaang sambit niya at nakitang bahagyang sumilip ito sa bagay na nasa likod ni Dawn.

"Matagal na yan na nandon sa kusina. Pagsinasabihan ka na may nagpapadala, sabi mo naman na kakainin mo pero umaabot nalang ng dalawang araw, nandon pa yan, pinapaso nalang namin hanggang sa mapanis nalang yan don sa lamesa." Paliwanag ni Manang na tinutukoy ang mga pinadalang pagkain nila -Lil at iba pang fans niya ngunit di naman nagagalaw ni Dawn dahil nakakalimutan na niyang kumain minsan dahil sa pagiging busy.

STUCK IN PAIN (UNEDITED)Where stories live. Discover now