-Dawn's POV
NAKA balik na kami galing airport, medyo puyat pa kami sa totoo lang kasi 3A.M palang gising na kami kanina para mag ready sa paghatid kay kuya. Kaya nung makarating kami ng bahay, agad akong pumunta ng 2nd floor.
"Manang!?" Sigaw ko nung ayaw magbukas ng pinto ng aking kwarto nung pihitin ko ang door knob.
"Ano yung problema, nak?" malambing na tanong ni Manang.
"Pumasok po ba kayo dito? Bat nakalock?" Ngumiti naman ito kaya mas lalo akong nacurios.
"Uhm, i-open mo nalang, ito yung susi. Sige 'nak" nakangiting sabi ni manang at tinalikuran ako.
Imbis na magtanong pa, ginawa ko nalang ang sinabi niya, pagpasok ko naman may malaking maletang bumungad sakin n nakabukas tapos yung mga damit, kahit saan makikita— nasa sahig tapos yung iba nasa sofa, akala mo naman binagyohan ang loob ng kwarto ko.
"What the hell?" Di ko makapaniwalang sambit, habang palapit ng palapit sa kama kung saan parang merong nakahigang tao, di ko malaman kung tao ba o unan lang dahil natatakpan ito ng aking comforter. Kaya agad akong kumuha ng walis at hinawakan itong mahigpit.
At akmang papaluin ko na sana ang parteng merong nakahiga nung biglang merong bumangon sa pagkakahiga.
"Sur-- AHHH!!!" The person shouted when she saw I was going to hit her with the broom I'm holding.
"Wait! A-Andrea?!" shock kong tanong, kinuha naman nito yung comforter sa mukha nito.
"It's me!!"
"Oh my goodness!!" I exclaimed while hugging each other.
"Oh look at them" napalingon naman kami ni Andrea nung kinalas na namin ang pagyakapan at nakita sila mommy at daddy na nasa pinto ng kwarto ko, tinitingnan kami.
"Surprise!" Natatawang sabi ni daddy.
"Kailan pa?" Nakangiting tanong ko at tumingin kay Andrea.
"Ask him." Tipid na sambit ni mommy at umalis na ng pinto sabay ni daddy na nakangiti na para bang nanunudyo.
Hinarap ko naman si Andrea habang naka kunot nuo sakaling alam niya ang ibigsabihin nila daddy. Pero tinuro lang nito ang pinto kaya napatingin ako roon at nakitang pumasok doon si Calvin.
"Calvin?!" Shock kong sambit. Tumawa naman siya.
"Well, I know you missed your little sis" aniya, nilapitan ko naman siya at niyakap ng mahigpit.
"Thank you! Thank you so much!" Narinig naman naming tumikhim si Andrea sa gilid nung nagtagal tagal nang di ko pa nakakalas ang yakap kay Calvin.
"Halika nga dito" paglambing ko sa kanya at niyakap si Andrea ulit. I missed her, its been months— well more like a year now since last kong nakapiling ang bunso kong kapatid. She's in Cavite with tita for the passed months. Nag evacuate siya roon dahil dumating ang time noon na napakaraming death threats kaming natatanggap dahil sa mga kalaban nila mommy at daddy sa business, and since Andrea was still a toddler that time, my mom was afraid na baka pati siya madamay kaya napilitan itong i-tago muna.
YOU ARE READING
STUCK IN PAIN (UNEDITED)
Teen Fiction____________~*~__________ "Minahal mo nga ba ako? Mahal ko?" Biglang tanong niya sakin habang di mapigilan ang sarili na hindi humikbi. You can tell in his eyes the pain and trauma I inflicted on him. I don't deserve you, my love. You're too good t...