-DAWN'S POV-
NANG MAIMULAT KO ang aking mga mata, ang tanawin kaagad ng syudad ang bumungad sakin. Nakalimutan kong siraduhin kanina ang ceiling to floor window ng aking bathroom dahil tinamad na rin akong tumayo dahil sa sarap ng tubig at sa pagod.
Napatingin ako saking relos at nakitang meron pang 30 minuto bago ang aking scheduled therapy sessions ngayon kaya agad akong nagbihis at nag ayos. Hindi na ako masyadong nag abalang magtago sa mga tao sa pamamagitan ng pag disguise dahil alam kong alam na naman nila na lumalabas na ako simula nung maibalita na nakita akong lumabas pasok sa isang kilalang therapist sa buong bansa.
Nang makababa na ay naabutan kong nag luluto si mommy ng banana cake at biglang napatingin sakin.
"Ba't ganyan ang ayos mo? Pupunta ka lang naman ng therapy?" Nagugulohang aniya habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng nakakunot nuo.
Napatingin naman ako saking sarili. I'm just wearing my to-go-outfit. A white sneakers, high-waist pants, a tank top and a cute backpack. Not to forget the baseball cap!
"Uhm, therapy sessions?" Tugon ko na may halong tanong.
Tinaas naman ni mommy ang kanyang kilay dahil alam niyang meron akong di sinasabi. "And?" Then folded her arms into her chest as she waits for me to continue.
Well, I usually go to therapy sessions looking unpresentable cause why not?
"And, uhm, shopping? Yey?" Trying to build good vibes with her so she'll let me! Damn.
"You sure?" And half-eyed me. I nodded.
"Okay. But be home before 4P.M okay?" Mauturidad na sabi ni mommy. Bumagsak naman ang aking balikat sa sinabi niya.
"But mommy, 1P.M na oh, 6PM nalang please?" Pagmamakaawa ko.
"5:30PM. Magagalit yung dad mo pag umuwi yun ng wala ka rito." Sagot ni mommy pabalik.
"Okay. 5:30 P.M. I'll bring some pasalubong, deal?" At nagsimulang maglakad ngunit nakaharap parin sa kanya.
"Pasalubong ka dyan." Natatawa niyang tugon. "Just be careful. Before 5P.M. Okay? 5." BEFORE 5?! OKAY SELF. Kahit kokoreksyonan ko si mommy ay hinayaan ko nalang ito, Mahirap na baka mag subtract ng wala sa oras at gawing 4P.M eh, okay na yun.
"Okay bye!" At agad na nagtungo sa kotse ko at nag drive paalis ng bahay.
Hmm. Saan kaya muna tayo?
Starbucks?
Starbucks drive thru it is! Agad akong lumiko sa unang Starbucks na aking nakita at agad na nag order ng favorite iced coffee bago dumeritso ng therapy session namin.
At pagkatapos ng halos dalawang oras na pag t-therapy ay agad akong pumunta sa mall upang magwaldas ng pera.
Cause again, why not diba.
"How about this ma'am. This piece is very rare and limited edition. Konting stores lang po ang meron nito sa Philippines, at saktong sakto lamang sa iyong pagpunta rito." Sambit nung babae ng isang branch ng Cartier jewelry store at ipinakita yung kwentas na sobrang ganda at kumi-kinang kinang pa.
"How much is that?" Intresadong tanong ko sa kanya.
"Php 786k po ma'am." Sagot nung babae sakin at inabut yung kwentas para mahawakan ko ito.
Sinuri ko ito ng mabuti. Sobrang ganda na maagaw ang atensyon mo pero di siya sobra kung tignan, parang normal lang na kwentas. And lucky for me, ako ang makakakuha nito ngayon.
YOU ARE READING
STUCK IN PAIN (UNEDITED)
Teen Fiction____________~*~__________ "Minahal mo nga ba ako? Mahal ko?" Biglang tanong niya sakin habang di mapigilan ang sarili na hindi humikbi. You can tell in his eyes the pain and trauma I inflicted on him. I don't deserve you, my love. You're too good t...