-Dawn's POV-
"GIRL!!!"
"Oh? Anong nangyari sayo? Para kang uod na nilagyan ng asin"
"Ooo, you're gonna like this!"
"Sinabi sakin ni kuya June yung pangalan ng kaibigan nila na tawag ng tawag sayo! Yung crush mo diba!? HAHA"
"Really? Yung chinito?"
"Yes! His name is Khalil Reyes"
Khalil Reyes
Khalil Reyes
Khalil Reyes
Khalil Reyes
Khalil Reyes
Khalil Reyes
~*~*~
"AHHH!!" Napasigaw sabay sapo ng aking ulo nung biglang pumintig sa sakit ang ulo ko. Simula kasi nung nagising ako, nakakaranas na ako ng pagsakit ng ulo dahil sa aksidente.
What the hell was that? Am I slowly recovering na ba? Mga alaala ko ba yun dati bago ang insidente?
"K-khalil R-Reyes?" Mahinang sambit ko saking sarili habang gulat pa rin sa biglaang pagdalaw ng aking memorya.
"... siya yung nakasagasa sayo" Malungkot na sabi ni Mommy. Nanlaki naman yung mga mata ko dahil di ko siya napansin.
Di ako makagalaw sa sinabi ni mommy, Seriously? Tumingin naman ako kay dad na kakarating palang sa kwarto ko.
"Are you okay Mija?" Tanong ni daddy sabay hawak ng aking kamay at pinisil pisil ito.
Tumango naman ako at pilit na nginitian siya. "I'm okay dad"
"Nga pala, bibisita rito ang godparents mo. Do you remember them? Sil—" and as if on cue, merong pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Pumasok na kami kasi nakabukas na naman ang pinto" ani nung lalaking merong edad na pero masasabi mo pa ring may itsura ito nung kabataan pa niya.
"Oh Dawn!" The woman at her early 40's gasped when she saw me then approaches me.
"Dawn! Im really sorry for what my son just did to you, I hope na mapatawad mo siya." Naiiyak na tugon nito while caressing my face. Tumango naman ako at lumingon kay mommy na nakatingin samin.
Wait, let me refresh my mind a bit... Siya ba ang sinasabi ni mommy na bibisita rito na godparents ko?
So it means, it's Khalil's parents I'm talking to right now?!
Nung walang nagkibuan samin, nakita kong lumapit si Khalil papunta sa higaan ko at pinisil ang kamay ko nung magshake hands kami. "I want to say, I'm really really sorry K, because of me nandito ka ngayon." Malungkot nitong sabi with english accent.
"K-khalil right?" Nahihiyang tanong ko sa kanya habang napakamot sa batok ko. Napansin ko namang umawang ang bibig niya dahil sa pagkabigla ngunit agad yun napalitan ng isang tipid na ngiti but his eyes were still cold.
"Yes"
I just gave him a smile in return. After all it's just an accident and kasalanan ko rin bakit nandito ako ngayon sa hospital. Kung ginamit ko lang yung utak ko bago tumawid ng kalsada edi sana okay ako ngayon.
YOU ARE READING
STUCK IN PAIN (UNEDITED)
Teen Fiction____________~*~__________ "Minahal mo nga ba ako? Mahal ko?" Biglang tanong niya sakin habang di mapigilan ang sarili na hindi humikbi. You can tell in his eyes the pain and trauma I inflicted on him. I don't deserve you, my love. You're too good t...