Chapter 34: Home

34 3 0
                                    

-THIRD PERSON'S POV-

NANG MAKAALIS ANG PAMILYA ni Calvin sa suite ay narinig ni Dawn na isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang ama.

"Do you think they'll find the suspect?" May bahid na pag aalala ang boses ng kanyang ama. Hinay hinay namang napalayo si Dawn sa pinto habang nakatitig lang sa tiles.

Mukhang matatagalan pa bago ko makamit ang hustisya?

Ngunit bago pa man si Dawn lumayo sa pinto ay narinig niyang bumukas ang pinto ng salas rason para idikit niya ulit ang tenga sa pinto at makinig sa usapan nila sa labas.

"Oh! Khalil, anong ginagawa mo rito?" Narinig ni Dawn na tanong ng ina niya.

Si Khalil?

Dawn couldn't deny it, somehow she forgot Khalil's existence since the thing happened. Nawala kasi si Khalil sa paningin ni Dawn and she also is, curious kung nasaan ba si Khalil nung mga panahong yun? Knowing Khalil na walang pinapalampas..

"Hello Tita and Tito! I'm just curious, what happened to Dawn!?" Hinihingal ni Khalil na tanong. Nagtagal naman bago magsalita ang ama't ina.

"Uhm, Khalil hijo.." May pag alinlangan na wika ng ina.

"Something happened to our daughter. She's not feeling well, so she's taking a rest right now. Sa sunod ka nalang pumunta rito. Ha?" Tugon ng ina at narinig na sinara kaagad ang pinto bago pa man matapos ni Khalil ang sunod na sasabihin.

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Dawn at hinay hinay na nag lakad pabalik sa shower ngunit huminto saglit nung nakita ulit ang sarili sa salamin. Di niya mapigilang di mapangiti ng mapait dahil sa sariling repleksyon.

"Mukhang maalala kita sa tuwing nakikita ko yung repleksyon ko." Ani Dawn sa kanyang sarili.

All she could see is the mark that her rapist left. The bruises of her, trying to fight back. While staring at her bruises, everything flashes back and just like the scent of him started spreading around the room making Dawn feel alarmed kaya napag-isipan niyang tapusin na agad ang pagligo bago pa man siya atakihin ng takot at masuffocate sa loob.

Nang matapos mag bihis ay agad na lumabas si Dawn rason para mapatingin ang kanyang mga magulang sa kanya.

"Oh I didn't realize na nakaligo ka na pala!" Anang kanyang ina. Hinay hinay namang tumingin sa kanya ang kanyang ama na kulay pula ang mga mata at kita roon ang sakit at pagod.

Tipid namang ngumiti si Dawn bago maglakad ngunit napahinto nung nagsalita ang ama sa unang pagkakataon.

"Mija, hindi mo ba nakikilala ang mukha nung putang*nang yun?" May halong galit na tanong ng kanya ama sa kanya. Agad namang hinawakan ni Agnes ang braso ng kanyang asawa nung nagsalita ito ng di maganda sa unahan ng kanilang anak.

Nagtaas naman ng tingin si Dawn at umiling bago humakbang. "Uhm, are we gonna go home na later?" Walang ganang wika niya at agad na yumuko.

Lumapit naman sa kanya ang kanyang ina at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Uh, yes Mija dahil sa tingin namin mas ikabubuti kun—"

"Oh okay, I'll just pack my things." Dawn interjected then looked away.

Tumango nalang kahit na nabigla ang mag asawa sa inaktong pagputol ni Dawn sa kanyang ina at di mapigilang di ipakita ang pag aalala.

Nang makaalis na sa unahan ng mag asawa ang kanilang anak ay di maiwasan ni Agnes na di maluha para sa kanyang anak na nahihirapan ng patago, kaya agad na niyakap ni David ang asawa.

STUCK IN PAIN (UNEDITED)Where stories live. Discover now