Chapter 6: Mega Best Friends

31 3 0
                                    

-Dawn's POV-

"NGA PALA-" napahinto ako sa pagsasalita nung lumapit sa table namin si Mara. Isang cheerleader.

"Dawn, sabi ni coach mamaya nalang daw yung practice dahil may seminar sila." Pag inform niya sakin na kinangiti ko.

"Oh really? Sige salamat!" Tugon ko at saka siya tumalikod sa table namin.

"Tara mag shopping nalang tayo" Pag anyaya ko sa dalawa nung mapagtantong wala naman na kaming gagawin ngayon.

"Okay" Ani Lexia at pinasok lahat ng gamit sa kanyang bag bago tumayo.

"Ay! Tara tara I've been thinking of spending some money lately" Excited na sabi ni Kaye. Umiling iling naman ako dahil sa reaksyon ni Kaye, pagdating talaga sa shopping, nangunguna talaga tong kaibigan ko eh.

Sumunod naman kami sa kotse at tumungo papunta sa paboritong mall namin. Yes, we have our favorite one but of course they're all the same pero kasi yung paboritong mall namin ay kakaiba. Yung mga tao roon ay sobrang chill lang, like you'll have privacy, di ka dudumogin ng grabe ng mga tao pag makakita ng artista o celebrity pero syempre, di maiiwasan na meron paring magpapicture.


"ANO BA YUNG maganda ito or itong nude color?" Tanong ko habang pinapapili sila kung ano yung magandang color na lipstick. Narito kasi kami ngayon sa Max factor pumipili ng bagong mga makeups.

"Nude! para same tayo" Kaye said in a singing tone habang busy rin maghanap ng iba pang makeup.

"Ito sakin! Isabay mo nalang!" Paghabul ni Lexia nung nakapila na ako sa counter upang mabayaran na para makapunta na kami sa next store.

"Saan tayo next?" Tanong ko nung makalabas na.

"Plain and Prints!" Suggest ni Lexia. Sumunod naman kami ni Kaye at agad na namili ng mga damit na nagustohan namin. Minsan talaga stress reliever namin ang pag shoshopping na kami lang tatlo talaga. And there's nothing wrong with it dahil sariling pera naman namin ang ginagamit panggasto ng mga luho namin.

Pagkatapos namin mamili ng mga makeup at damit, marami pa kaming ibang pinuntahang store hanggang sa kami na mismo ang sumuko dahil sa pagud kakalibut sa buong mall, mapasukan lang ang lahat na pwedeng mapasukan.

"Ayoko na" hinihingal na sambit ni Kaye habang napaupo sa gilid ng bench.

"Ako rin. Nagugutom na ako paksyet." Pagmumura nung isa.

"Hali na kayo. Libre ko nalang." Aniko, agad namang umaliwalas ang kanilang mga mukha.

"Damn! Yes! Let's go to our favorite restaurant!!" Sabay takbo.

See, no one wants free stuffs like rich people. Hays, basta talaga libre ang bilis nila as if walang mga pera.

Sinundan naman namin ni Lexia si Kaye na nauna nang maglakad papasok nung paborito naming kainan dito.

"As usual ba?" Biglang tanong samin ni Lexia. Tumango naman ako. Siya na kasi ang nagpresentang mag pila.

"Ikaw rin Kaye?"

"Yeah" sambit ni Kaye at tumungo na kaming dalawa sa upuan habang nandoon si Lexia omoorder ng pagkain namin.

Habang naghihintay, bumaling sakin si Kaye kaya napa angat ako ng tingin.

"Girl. Question lang" Panimulang aniya, nilapag ko naman yung temporary phone ko dahil di ko parin nakikita yung iphone ko simula nung gumawa ng gulo yung pusa ko.

STUCK IN PAIN (UNEDITED)Where stories live. Discover now