HININTAY kong makalapit sakin si Calvin dahil naglalakad sila ni Kevin sa deriksyon ko ngunit para bang nabuhosan ako ng malamig na tubig nung nilampasan niya lang ako at umakto na para bang wala ako roon.
Hinabol ko siya ng tingin, di alam kung hahabulin ko ba siya o hindi.
"Argh fvck that" I cussed to myself then run after him.
Ano ba naman kasi yan Dawn! Sana di mo hinayaan magalit sayo si Calvin!
"Calvin wait!" Ani ko at binilasan ang paglakad, narito na kami ngayon sa labas ng pool area ngunit patuloy pa ring naglalakad si Calvin habang nakapamulsa.
"Cal—"
"Tara na sa beach!" Si Kaye sabay hila ng kamay ko papuntang dagat.
"W-wai--" Di na ako nakapagsalita ulit nung bigla nalang nila akong pagtulongan ni Lexia na sumama sa kanila maligo sa dagat.
***
NAGSISIMULA nang dumilim ngunit di ko parin nakikita si Calvin ni anino niya, di mahagilap ng aking mga mata kaya di ko maiwasang mag alala. Hinanap ko siya, kulang nalang libutin yung buong resort kaso bigo parin akong makita siya.
"Oi, sa'n ka pupunta?" napatingin naman ako don sa humawak ng braso ko, si Marie na nakaupo sa kahoy na nakalatag sa buhangin. Nandito kasi kami ngayon sa may dalampasigan na magkakaklase nakaupo ng palibot sa bonfire na pampainit na ginawa nung mga boys na busy nang kumanta at magpatugtog ng gitara.
"May hahanapin lang." Tumango naman ito at tuloyang binitawan yung kamay ko para makatayo.
Naglakad ako kung saan saan. Umaasang magkikita ko siya sa isang gilid manlang. At dahil sa paglakad lakad ko ng walang destinasyon, narating ko ang isang bahagi ng resort kung saan maraming kahoy at halaman na sa palagay ko ay di na ito parte ng resort, nakarinig naman ako ng isang tinig di kalayuan sa aking kinatatayuan. Hinawi ko ang mga halaman na tinatakpan ang tatahakin kong daan— papunta sa pinagmulan ng tinig na yun.
At habang palapit ng palapit ako, mas lumilinaw yung boses nung kumakanta. Nagtago naman ako sa likod ng puno na di kalayuan sa kanila upang tingnan kung sino iyon. Nakikita ko parang merong nakatalikod na isang babae at sa unahan nito ay isang maliit na bonfire na nagsisilbing pinaka ilaw nila di magtatagal ay lulubog na ng lubusan ang araw at sa kabila naman nung babae ay isang lalaking nag gigitara, hinaharangan siya.
Maya maya naman ay nagsimula nang kumanta ulit yung lalaki at sinimulang kalabitin ang strings ng gitara.
'Hindi na muling luluha,
'di na pipilitin pang
Ikaw ay aking ibigin
hanggang sa walang hangganHindi na makikinig,
ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko
At kung hindi man para sa akinAng inalay mong pag-ibig
Ay 'di na rin aasa pa
Na muling mahahagkanDahan-dahan mong bitawan
Puso kong 'di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan'Wait, I know that voice! I heard it before! When I was in the hospital!
I-is that C-calvin???
-3rd Person's POV-
HINDI nakagalaw si Dawn sa kanyang kinatatayuan habang sapo ang bibig. She's shocked not because of who was singing, but because, it was Calvin who's with Rubie.
Maraming katanungan ang bumubuo sa kanyang isipan, di niya masabi kung sinasadya bang paselosin siya ni Calvin? Di ba niya alam na ayaw niya kay Rubie? At heto siya, sinasadyang gawin to sa kanya? Ito ba ang paraan niya para iparamdam ni Calvin sa kanya ang selos na naramdaman niya nung nakita nilang magkalapit ang katawan nila Dawn at Ivan sa swimming pool kanina kahit na wala namang namamagitan sa kanilang dalawa?
YOU ARE READING
STUCK IN PAIN (UNEDITED)
Teen Fiction____________~*~__________ "Minahal mo nga ba ako? Mahal ko?" Biglang tanong niya sakin habang di mapigilan ang sarili na hindi humikbi. You can tell in his eyes the pain and trauma I inflicted on him. I don't deserve you, my love. You're too good t...