------------------------------------------------
"Bey, gusto ko ng mangga." Sabi ni Rick sa asawa. Napasimangot naman si Jennifer dahil kanina pa 'to kain ng kain. Siya ang buntis pero si Rick ang naglilihi.
Nalaman nila yun nung nagpacheck-up si Rick dahil madalas itong may morning sickness kaya naman naisipan nilang pumunta na sa Doctor, at nalaman nilang naglilihi si Rick for Jennifer. Its possible daw kung mas malakas ang ano ng lalaki. And I guess alam nyo na kung ano ang lalabas.
(Pag bigyan nyo ko. Hindi ko alam kung posible ba talaga yun perp sa imagination ko ay Oo. Haha.)
"Rick, hindi ka ba nabubusog? Kanina ka pa kain ng kain eh." Tanong ni Jenni na nilalapag ang binalatang mangga sa mesa.
"Hindi." Simpleng sagot ni Rick at inumpisahan ng lantakan ang mangga. Napailing nalang si Jenni dahil imbis na sya ang tumaba ay ang asawa nya ang tataba. Hindi naman sa hindi sya kumakain, in fact healthy ang kanyang pagbubuntis, pero kahit ganun ay Sexy pa rin kaya lalong ayaw palabasin ni Rick ng bahay dahil kahit may umbok na ang tyan ay sexy pa din itong tignan.
At dahil nga naglilihi si Rick ay madalas itong magtampo dahil akala nya ang nanlalaki si Jenni. Kalokohan, diba? Magagawa ba naman yun ni Jenni ee buntis na nga.
Katulad na lang last time ng umuwi ito galing school.
*FlashBack*
Nanunuod si Jenni ng TV ng marinig nya ang tunog ng sasakyan, tumayo sya dahil alam nyang asawa na nya iyon.
"Hi Bey--" Hahalik sana ito pero sa gulat nya ay umiwas si Rick.
"Saan ka galing? Lumabas ka no?" Sunod-sunod nitong tanong.
"Hindi, nandito lang ako sa bahay buong araw."
"Sinungaling ka!! Gusto mo na akong palitan, kaya habang wala ako ee nakikipagkita ka sa lalaki mo. Hindi mo na ako mahal!?" Tumakbo si Rick pataas ng kwarto nila, napabuntong hininga nalamang si Jenni. Naiintindihan naman nya si Rick, dahil ang iniisip nya ay ganun din siguro sya kung sya ang naglilihi.
Naisip nya na papalipasin nya muna, at mamaya na nya ito kakausapin. Naghanda nalang sya ng hapunan nila, yun ang lagi nyang ginagawa. Ang magluto.. naisip pa nya na baka maging isang Chef ang magiging anak nila dahil suddenly ee naging interesado sya sa pagluluto.
"Bey..." May nagsalita sa likod nya. Hindi sya nag-abalang lumingon dahil inaayos nya ang mga plato sa mesa.
"Galit ka ba?" Tanong nito at yumapos mula sa likod ni Jenni.
"I'm not mad." Simpleng sagot ni Jenni, pero dahil sa may pagka-kulit ang kanyang asawa ay hindi ito kumbinsado na hindi ito galit sa kanya.
"Pwede mo namang sabihin kung galit ka ee. Na hindi mo ko patatabihin pagtulog mamaya. Na sa labas ka matutulog." Agad na napakunot ang noo ni Jenni sa mga sinasabi ni Rick. So ano sya na ang paalisin at patutulugin sa labas? Sya ba ang lalaki? Malakas ata ang saltik nitong si Rick sa ulo.
"Baka ikaw ang matutulog sa labas, hindi ako." Natatawang sabi ni Jenni.
"Uy tumatawa na sya, hindi na sya galit sakin." Sabi naman ni Rick at humigpit ang yakap kay Jenni.
"Hindi nga sabi ako nagalit ee, ang kulit mo talaga." Maglalandian pa sana sila kaso ay dumating si Manang at sinita sila dahil lumalamig na daw ang pagkain.
*End of Flashback*
"Pupunta daw dito sila mama.." Biglang sabi ni Rick kaya napatingin si Jenni dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/11313441-288-k415944.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband, My Professor (KathNiel)
FanfictionThere is no such thing as a PERFECT RELATIONSHIP. Story by @ImACrazyGirl24