Busy ang lahat dahil sa preparation nila sa isang malaking okasyon... Ang first birthday ng kambal. Yes! Bukas na ang birthday ng kambal kaya ngayon pa lang ay busy na sila sa pag-aayos. Isasabay na din nila bukas ang binyag ng dalwa para daw tipid sa handaan.Wala pa ding pinagbago ang dalwang mag-asawa, iwas pa din ng iwas si Jenni kay Rick. Ginagawan na ng paraan ng barkada para magkaayos na ang dalwa pero wala pa rin talagang nangyayari.
"Eriyan! Pakilagay naman to sa mga lamesa." Utos ni Jenni. Kinuha naman ni eriyan ang mga rosas para lagyan ang kada mesa. Sa bahay nalang din naman nila ito gaganapin, kesa mag-arkila pa sila ng venue. Pwede namang daw sa bahay nalang nila dahil hindi din naman ganun kadami ang bisita, pamilya nila at malalapit na kaibigan lang ang pupunta bukas.
"Ate! Ang sakit na ng kamay ko." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Rain. Siya kasi ang nag-tatali ng mga give aways para sa mga bata na puro candy ang laman.
"Oh, palit naman kayo ni Willard." Sabi ni Jenni at napatingin siya kay Willard na walang ginagawa ngayon dahil nagpahinga ito at ngayon ay tapos na ang break nya.
"Huy! Maupo ka nga muna. Hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Rianne na inaalagaan si Vanessa. Silang tatlong buntis ay taga bantay lang ng kambal since hindi sila pwedeng gumalaw ng gumalaw at mapagod. Buntis nga kasi..
"Ayos lang ako. Kumain ka nalang dyan." Sabi ni Jenni na busy sa kaka-check kung may kulang pa ba. Napailing nalnag sila dahil parang walang kapagudan si Jenni. Pero ang totoo, ginagawa nyang busy ang sarili dahil ayaw nyang maramdaman ang sakit... Ang sakit na hindi mawala-wala.
"Guys! Meryenda muna kayo!" Tawag si rick sa mga kaibigan. Agad naman silang lumapit kay Rick at kumuha ng sandwich, pero si Jenni ay hindi lumalapit.
"Ako na mag-bibigay. Alam ko namang kahit gusto mong lapitan hindi mo magawa." Sabi ni Celestine at kumuha ng sandwich para ibigay kay Jenni.
"Salamat." Nakangiting sabi ni Rick, tumango nalang si Celestine at pinuntahan na si Jenni.
"Oh, kain ka muna. Bitawan mo muna yang hawak mo." Sabi ni Celestine, kinuha nya ang hawak ni Jenni at binigay sa kanya ang sandwich.
"Hindi ako nagugutom." Sabi ni Jenni at binalik kay Celestine ang sandwich.
"Gusto mo bang mamatay ng maaga?" Sinamaan ni Celestine ng tingin si Jenni kaya wala ng nagawa si Jenni kundi ang kunin ang sandwich. "Para ka ding baliw no?" Napatingin sa kanya si Jenni na naguguluhan. "Alam ko namang masakit ee, pero hindi mo ba pwedeng patawarin si Rick? Wala naman syang kasalanan ee."
"Meron syang kasalanan... Hindi nya agad sakin sinabi nung simula pa lang." Sabi ni Jenni at napatingin sila kay Rick na nilalaro ang kambal. "Oo masakit.. kasi mahal na mahal ko sya." May pumatak na luha sa mata ni Jenni pero agad nya ding pinunasan. Hindi naman yun nakaligtas sa paningin ni Celestine.
"Mas sasakit yan, kung nagbabaon ka ng galit at puot dyan sa puso mo." Seryosong sabi nito habang nakatingin kay Jenni.
![](https://img.wattpad.com/cover/11313441-288-k415944.jpg)
BINABASA MO ANG
My Husband, My Professor (KathNiel)
FanfictionThere is no such thing as a PERFECT RELATIONSHIP. Story by @ImACrazyGirl24