Dedicated 'to sa inyong lahat! Sa lahat ng sumuporta sa MHMP.
Basahin nyo ang A/N sa pinakang-baba. May important message ako sa inyo :)
------------------------------------
"Mommy.." Tawag ng umiiyak na si Vanessa habang papasok ito sa kwarto ng mommy at daddy nya. Naalipungatan naman si Jenni dahil dun, bumangon sya at pinalapit ang anak nya.
"What's wrong baby?" Tanong ni Jenni at pasimpleng hinampas si Rick para magising ito, agad namang napabangon si Rick at napalingon-lingon ng makita nyang umiiyak si Vanessa habang kalong-kalong ni Jenni.
"I had a nightmare mommy.." Sumisinghot-singhot na sabi ni Vanessa.
"What is it about this time baby?" Tanong ni Rick at lumapit sa mag-ina nya.
"Zombies.." Sinamaan ni Jenni si Rick ng tingin dahil alam nyang kasalanan iyon ni Rick, well, yes and no.
"What? Wala akong ginawa, sila yung may gustong maglaro nun. Nakisali sila ee." Pagtatanggol ni Rick sa sarili.
"Baby, next time, don't play with your dad and kuya ha?" Sabi ni Jenni dito at binuhat si Vanessa para dalhin sa kwarto ng kambal.
"Sama ako." Pa-cute na sabi ni Rick kaya napailing nalang si Jenni at hindi sumagot.
"Mom? What's wrong?'' Tanong ni Jerrick na nagising bigla.
"Your sister is having a nightmare again." Sagot ni Jenni at binaba si Vanessa sa kama nito.
"I'll comfort her mom, don't worry." Sabi ni Jerrick at tumayo para tabihan ang kakambal.
"Are you sure?" Napatango nalang si Jerrick bilang sagot. "Okay. Good night." Sabi ni Jenni at hinalikan ang dalwa sa noo tsaka lumabas ng kwarto ng kambal pero pinakinggan nya muna ang pag-uusap ng dalwa.
"Don't be scared Van, I'm here to protect you okay?" Narinig ni Jenni na sabi ni Jerrick kaya napangiti sya bigla.
"But they want to eat me Kuya.." Narinig ni Jenni ang pag-hikbi ni Vanessa kaya naman sinilip nya ito, nakita nyang nakayakap si Jerrick sa kakambal.
"I will protect you, me and Dad will protect you and Mom from everything. Go to sleep, I'll watch you." Sabi ni Jerrick. Umalis na dun si Jenini at bumalik sa kwarto nila habang ang laki-laki ng ngiti nya.
"What's up with the smile?" Tanong ni Rick kay Jenni.
"Nothing.. Let's go back to sleep." Sabi ni Jenni at tumabi na ulit kay Rick.
BINABASA MO ANG
My Husband, My Professor (KathNiel)
FanfictionThere is no such thing as a PERFECT RELATIONSHIP. Story by @ImACrazyGirl24