MHMP 37

18.8K 318 18
                                    


Simula ng usapan ni Blake at Rick ay hindi kinakausap ni Blake si rick dahil sa hindi nya malamang dahilan basta ang alam nya ay kating-kati na syang sabihin kay Jenni ang sinabi ni Rick sa kanya. Pero at the same time ayaw nyang pangunahan si Rick na magsabi kay Jenni. Kaya ang ginawa nya ay as possible as it can, iniiwasan nya si Rick at pati na din si Jenni dahil baka hindi nya mapigilang sabihin kay Jenni ang totoo.

Pero sa kabilang dako naman ay medyo ayos na si Jenni at Rick. Medyo pa lang dahil hindi pa din nasasabi ni Rick kay Jenni ang bumabagabag sa kanya. Naghahanap daw sya ng tamang panahon para sabihin kay Jenni yun. Kahit na nababahala na si Jenni dahil minsan ay iba pa din ang pakikitungo nito sa kanya.

"Ayos na ba kayo ni Rick?" Tanong ni Krissa sa kaibigan. Sila lang dalwa ang magkasama ngayon dahil may sari-sariling lakad ang iba.

"Oo? I think? Hindi ko alam, dahil ang alam ko may bumabagabag sa kanya. Ayaw nya lang sabihin sakin." Sabi ni Jenni at umupo na sa tabi ni. Krissa.

"Ee bat hindi mo itanong sa kanya?"

"Pag tinanong ko alam kong iiwas sya o kaya iibahin nya ang topic. I tried that pero ganun lagi ang nangyayari ee." Sabi ni Jenni at huminga ng malalim. Nai-stress na kasi sya sa kakaisip kung ano ba ang problema ni Rick na ayaw nitong sabihin sa kanya.

"Gusto mo ako nalang magtanong?" Sabi ni Krissa at tinignan sya ni Jenni.

"Kung hindi ka lang buntis kanina oa kita nabatukan." Sabi ni Jenni kaya napa irap nalang si Krissa. "Hay. Buhay nga naman oo." Nasabi nalang ni Jenni.

"Alam mo Bes, kung gusto naman kasi talaga nyang sabihin sayo ay sinabi na nya pero ayaw ee. Kaya wag mo ng pilitin, bibigay din yang si Rick at sya na mismo ang magsasabi sayo. Hintay ka lang." Payo ni Krissa at napatango nalang si Jenni sa sinabi nito.





************

"BLAAAAAAKKKEEE!!" Malakas na sigaw ni Jenni ng makita nyang umiba ng daan si Blake ng makita sya nitong makakasalubong.Tumakbo sya ng makita nyang tumakbo si Blake.

"Walanghiya ka! Wag kang tumakbo." Sigaw pa ni Jenni. Hindi pa din tumitigil si Blake pero pagod na si Jenni, kaya ang ginawa nya ay kinuha nya ang sapatos na suot at binato ng pagkalakas-lakas kay Blake.

Ayun! Sapul sa ulo, bukol pa ata ee. Sa lakas ng bato ni Jenni ay napadapa si Blake.

"Bakit mo ba ako iniiwasan ha? Ang sama mo! Kaasar ka!" Maktol ni Jenni ng makalapit na sya kay Blake at tinutulungan itong makatayo.

"Grabe kang mambato, ang lakas!" Hinimas ni Blake ang ulo nya dahil naalog ata ang utak nya dahil sa sapatos na lumipad kanina.

"Ikaw kasi ee! Bakit ka nga umiiwas sakin?" Tanong ni Jenni agad naman napa-iwas ng tingin si Blake at napakamot sa ulo nya.

"Wala lang." Mahina nitong sabi pero sapat lang para marinig ni Jenni.

My Husband, My Professor (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon