“Just when you think it can't get any worse, it can. And just when you think it can't get any better, it can.”
''Not every scene of your life there will be that perfect quote nor perfect lyrics of a song but a friend that will never be out of the scene.''
-----------------------------------------------
Naglakad si Blake papasok sa loob ng bahay nila, ng makarinig sya ng parag may nabasag. Tumakbo sya kung saan nanggaling ang tunog.
''Ma. Tama na.'' Pigil ni Blake sa Mama nya na nagwawala na naman.
''Lumayo ka sakin!!'' Sigaw ng Mama nya sa kanya, sa takot nya napaatras sya habang nakatingin sa Mama nya.
''Bakit nandito ka pa din?'' Tanong nito kay Blake. Hindi maiwasang masaktan ni Blake sa tanong ng Mama nya.
''Bakit kasi hindi nalang ikaw ang namatay? Bakit ikaw pa na wala ng ibang ginawa kundi ang maging kahihiyan sa pamilyang 'to! Kasalanan mo kung bakit wala na ang Papa mo! KASALANAN MO!'' Sigaw nito. Sobra-sobra ng nasasaktan si Blake sa mga naririnig nya mula sa mismong ina nya.
''Ma akala mo ba hindi ako nasaktan nung nawala si Papa? Akala mo ba hindi ko sinisi ang sarili ko? Na hanggang ngayon I keep on blaming myself. Akala mo ba ikaw lang ang nag-dudusa? Ma ako din! AKO! Nasasaktan ako kasi Papa ko sya. Hindi porket hindi nyo ako nakikitang nasasaktan doesn't mean I'm not hurt. Tao lang din ako, may pakiramdam, nasasaktan. Pero bakit parang sinisisi nyong lahat sakin Ma? Alam nyo ba yung nararamdaman ko ngayon? Na sana nga talaga ako nalang yung nawala, ako nalang yung namatay kasi ngayon sa mga sinasabi nyo sakin para nyo na din akong pinapatay sa sobrang sakit.'' Tuloy-tuloy na sabi ni Blake. At duon naman natauhan ang Mama nya.
''Blake..''
''Ang sakit ma! Sobrang sakit pero tiniis ko kasi ayaw kitang iwan. Tiniis ko kasi mahal kita Ma.'' Umiiyak na sabi ni Blake.
''Ako ba Ma? Mahal mo ba ako?'' Tanong ni Blake.
''Oo anak, mahal kita. Mahal na mahal kita.'' Sabi nito na umiiyak na din.
''Well it doesn't show.'' Huling sabi ni Blake at umalis na dun. Tinatawag sya ng Mama nya pero hindi man lang ito lumingon. Dere-deretso lang ito pagpasok sa kotse nya at agad na pinaharurot paalis dun.
**********************
''Jenni? Sinong kausap mo?'' Gulat na humarap si Jenni kay Rick. At mas nagulat sya dahil sa pag-kagulat nya na-end nya ang call.
''Rick naman eeh! Ayan tuloy na-end. Wag ka kasing mang-gugulat.'' Sabi ni Jenni at pumasok na sa loob ng kwarto nila.
BINABASA MO ANG
My Husband, My Professor (KathNiel)
FanfictionThere is no such thing as a PERFECT RELATIONSHIP. Story by @ImACrazyGirl24