"Pare, penge namang juice dyan. Kanina pa ako nauuhaw." Sabi ni Blake kay Drake. Nasa bahay sila ng mag-asawang Princess and Drake dahil nga kabuwanan na si Princess ee kailangang may kasama ang dalwa para hindi na mahirapan pa.
"Oh sige teka lang." Sabi ni Drake at tumayo para pumunta sa kusina at kumuha ng maiinom ni Blake.
"Excited na ako, babae ang anak nyo diba?" Tanong ni Celestine kay Princess na nakaupo lang habang kumakain ng mangga.
"Oo, at dapat handa na din ang pangalan na ibibigay nyo sa anak ko." Sabi ni Princess. Remember? Ang barkada ang mag-iisip ng mga pangalan ng mga anak nila simula noon. Kaya sinasabi na nila agad kung magiging babae ba o lalaki ang anak nila.
"Nung sinabi nyo samin, ready na agad!" Natatawang sabi ni Blake.
"Ee ang tanong, handa na ba si Baby na lumabas? Haha" Sabi naman ni Celestine at natawa nalang silang tatlo.
"What did I miss?" Tanong ng kadadating lang na si Drake dala ang juice ni Blake na agad naman nyang inabot kay Blake.
"Wala, nag bibiruan lang." Sagot ni Blake bago pa ito uminom ng juice.
"OMYGHAD!" Sigaw ni Celestine ng makita nyang Princess' water just broke. Napatingin dun ang dalwa at nanlaki din ang mata, at si Blake naman ay naibuga ang juice na iniinom kay Drake at dun lang nagising si Drake. Agad nyang binuhat si Princess papunta sa kotse habang si Celestine ay kinuha ang gamit nila Princess. Nakaready na naman iyon kaya agad din syang lumabas ng bahay. Sumakay sya sa shotgun seat habang si Blake ay sa driver seat. Nasa passenger seat ang dalwang mag asawa.
"B-blake pakibilisan---OOWW!!" Ginawa naman ni Blake ang sinabi ni Princess. Si Celestine naman atpy tinext na ang buong barkada para papuntahin sa hospital.
"Huminga ka Princess, wag kakalimutan yun. Relax, relax." Sabi ni Celestine at tinignan si Princess na kanina pa sigaw ng sigaw at si Drake na mangiyak-ngiyak na ang itsura dahil sa todong magpisil ng kamay nya ni Princess.
"We are here!" Sabi ni Drake na mapark na nya ang kotse sa tapat ng hospital, agad na bumaba si Celestine para tulungan si Drake at Princess papasok sa hospital, may mga nurse naman na nag-aantay sa kanila dun kaya agad nilang hiniga si Princess sa stretcher.
"Drake.. Wag mo akong iiwan." Sabi ni Princess, hinigpitan nalang ni Drake ang pagkakahawak nya sa kamay ni Princess, na nag-sasabing hindi nya ito iiwan.
"Hon, magdahan-dahan ka nga. Buntis ka! Baka nakakalimutan mo?" Sermon ni Rick kay Jenni.
"Oo na, sorry na po." Naka-pout na sabi ni Jenni at sumakay na sa kotse. Agad namang nag-drive si Rick papunta sa hospital. Iniwan na muna nila ang kambal sa mga katulong dahil uuwi din naman din sila agad at may tiwala naman sila sa mga katulong nila.
BINABASA MO ANG
My Husband, My Professor (KathNiel)
FanfictionThere is no such thing as a PERFECT RELATIONSHIP. Story by @ImACrazyGirl24