''I never wanted to be your whole life-- just your favourite part.''
------------------------------------------
''Hon..'' Bulong ni Rick sa tenga ng asawa. ''Hon.. gising ka na.'' Bulong ulit nito ng hindi sya nito pansinin.
''Hon naman! It's just 6 am in the morning! Patulugin mo pa ako.'' Reklamo ni Jenni. Natawa naman si Rick kaya ang ginawa nya ay pinuno nya ng halik ang mukha ng asawa.
''Come on! Wake up already, our babies are already awake too.'' Sabi ni Rick at tinignan ang kambal na nasa pwesto nya kanina. Nakaupo habang nakasandal sa mga unan.
''Oo na!'' Pagsuko ni Jenni. Kinusot nya ang mata nya at nag-unat.
''Good morning!'' Bati ni Jenni at hinalikan sa labi si Rick pagkatpos ay ang kambal naman ang hinalikan nya. ''Bakit ang aga nyong gising?'' Tanong agad ni Jenni.
''Let's run away!'' Napatingin si Jenni sa asawa na ang laki ng ngiti ngayon.
''Anong run away? Nababaliw ka na ba?'' Napakamot naman sa ulo si Rick dahil nasira yung sweet moment dahil sa tanong ni Jenni.
''Hon naman ee! Dapat ang sagot mo dun, 'Okay! I will!'' Sabi ni Rick. Napailing nalang si Jenni sa mga pinag-sasasabi ng asawa nya.
''Seryoso ka ba? Anong run away ang pinag-sasasabi mo ee kasal na nga tayo, may mga anak pa oh!'' Sabi ni Jenni. Nagbuntong hininga si Rick at nilapitan ang asawa.
''Tutal hindi mo magets. Let's have a family vacation!'' Deretsahang sabi ni Rick. Napangiti naman si Jenni sa narinig.
''Saan?'' Tanong ni Jenni.
''Tara sa may Tagaytay, sa resthouse nila Mama.'' Sabi ni Rick. Tumango naman si Jenni at nilapitan ang dalwa na hindi alam kung naglalaro o nag-aaway.
''Magbabaksyon tayo Babies!'' Excited na sigaw ni Jenni kaya nagulat ang dalwa at umiyak. ''Ay sorry! Shh! Shh!'' Natatarantang pinapatahan ni Jenni ang kambal habang si Rick ay natatawa nalamang sa isang tabi.
Bumaba na din sila para mag-breakfast. Pagkatpos ay agad nilang pinaliguan ang kambal at niready ang gamit ng kambal. Pagkatapos asikasuhin ang kambal naligo na din sila at maya-maya pa ay nag-umpisa na silang bumyahe.. Ang kambal nasa likod at nag-iingay dahil parang sumisigaw ang dalwa.
*******
''Hon, papasok ko lang ang kambal sa kwarto ha?'' Paalam ni Jenni kay Rick na dala ang mga gamit nila. Ilang araw kasi silang magi-stay dun since sem-break naman nila, so why not diba?
BINABASA MO ANG
My Husband, My Professor (KathNiel)
FanficThere is no such thing as a PERFECT RELATIONSHIP. Story by @ImACrazyGirl24