MHMP 36

17.8K 325 10
                                    

Sinalubong ni Jenni si Rick ng isang napakahigpit na yakap tsaka ito pinuno ng halik ang mukha. Pero napatigil sya na parang wala sa sarili si Rick, tinignan nya ito at lumayo ng kaunti kay Rick.

''Hon, are you okay?'' Nag-aalalang tanong ni Jenni sa asawa. Tinignan naman sya nito bago ngumiti at hinalikan sya sa noo.

''I love you.'' Lalong napakunot ang noo ni Jenni ng sabihin yun ni Rick, ang layo kasi ng sagot nito sa sagot nya.

''Hon, ang tanong ko, are you okay? Tas sagot mo I love you? Ayos ka lang ba talaga ha?'' Tanong ni Jenni. Umiling naman si Rick.

''I'm fine, napagod lang ako sa byahe. Gusto kong magpahinga.'' Sabi ni Rick tsaka sya nito nilagpasan at dere-deretsong pumasok sa bahay nila. Napatingin naman si Jenni kung saan pumasok si Rick, nagtataka ito kung bakit ganun ang pakikitungo sa kanya nito. Pero agad nyang inalis ang mga pumapasok sa isip nya at kiunha ang gamit ni Rick at inakyat sa taas.

Napatigil sya ng maabutan nyang nakaupo si Rick sa kama nakapatong ang dalwang siko nya sa tuhod nya at nakatakit naman ang mga kamay nya sa mukha nya.

''Hon, may problema ba?'' Nag-aalalang tanong ni Jenni kaya napatayo bigla si Rick at tinignan si Jenni pero agad ding iniwas.

''Wala. Maliligo lang ako.'' At bago pa makalapit si Jenni dito ay nagmamadali na itong pumasok ng banyo. Napabuntong hininga nalang si Jenni at inalis ang mga gamit ni Rick sa dala nitong bag.

''Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo!'' Paulit-ulit na pinopok-pok ni Rick ang noo gamit ang kamay nya. Nasa banyo sya pero hindi sya nliligo, binuksan nya lang ang shower para kunyare ay naliligo sya. Pero nakatingin lang sya sa sarili nya sa harap ng salamin.

Hindi maalis sa isip nya na wala syang saplot ng gumising sya kinabukasan after the party with co-teachers. HIndi nya alam ang nangyari, wala syang maalala sa nangyari after nyang uminom ng wine na binigay sa kanya ni Madisson. Hindi nya din matanong kay Madisson kung ano ang nangyari dahil hindi na nya ito nakita, kahit na ang iba pang teachers ay hindi din alam kung nasaan sya.

Nababahala sya sa mga pumapasok sa isip nya kung ano ang mga nangyari ng kabing iyon pero ang isang tumatak sa isip nya ang pano kung may naikama sya?

Kaya naman ganun nalang ang pag-iwas nya kay Jenni pagdating palamang nya dahil feeling nya ay nagtaksil sya sa asawa, kahit hindi nya sinasadya. Kahit na wala syang alam, pero yung ang pakiramdam nya.

''Hon, tapos ka na ba? Pupunta kasi dito ang barkada ee.'' Nabalik sa reyalidad si Rick ng kumatok si Jenni.

''S-sandali na lang.'' Sagot nya at ang ginawa nya ay naligo na talaga sya.

********

''Asan si Rick?'' Tanong ni Vince kay Jenni.

''Nasa taas pa.'' Maikli nitong sagot ay ngumiti kay Vince.

My Husband, My Professor (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon