MHMP 18 Needing someone

22.2K 363 10
                                    

  ''I need someone to ease my mind, but sometimes a someone is hard to find.''

-----------------------------------------

 ''I need you..'' Sabi ni Madisson kaya napakunot ang noo ni Rick.

''Ha?'' Naguguluhan nyang tanong, napatingin pa sya kay Jenni na ang sama ng tingin sa kanya.

''.. Ian.. I need you.'' Sabi pa nito, lalong naguluhan si Rick sa sinasabi nito lalo na sa binanggit nitong pangalan.

''Teka nga Madisson! Tumigil ka na!'' Narinig ni Rick na parang may nag-aaway dun at pinag-aagawan telepono.

''Hello? Sorry po ha? Wrong number!'' At bigla nalang nawala ang linya.

''Anong sabi?'' Nakataas ang kilay na tanong ni Jenni.

''Wrong number daw ee.'' Kibit balikat na sabi ni Rick.

''Si Ms. Madi ba yun?'' Tanong ni Rain.

''Yeah. Sabi nya she needs me daw. Tas may sinabi syang pangalan ee. Yan? Ian? Ah yun Ian.'' Pag-kwekwento ni Rick.

''Sino ba yang Madi na yan?'' Tanong ni Peach.

''The Mistress.'' Natatawang sabi ni Eriyan.

''Heh! Tumigil nga kayo.'' Sabi ni Jenni na naiinis.

''Ay sus! Nag.seselos lang yan.'' Pang-aasar pa ni Rick.

************

''What is wrong with you? Kung sino-sinong tinatawagan mo!'' Sermon ni Hanna kay Madisson.

''I want him back. Dapat 7 years na kami ngayon. If it wasn't for that girl, edi dapat masaya kami ngayon at hindi ako miserable ngayon.'' Sabi ni Madisson at deretsahang ininom ang alak nya.

''Madi, it's been 2 years na. Hindi ka pa din ba nakaka-move on?'' Tanong ni Hanna, naawa sya sa kaibigan nya dahil mukhang nasasaktan pa din ito hanggang ngayon.

''Two years Hanna. TWO FREAKING YEARS! I've tried to move on but I just can't remember to forget him. I can't forget him because he has leaved a big mark in my heart, a big wound that no one can heal but him. It still hurt so bad.'' Hindi na napigilan ni Madisson ang maiyak ng maalala nya ang lahat.

''Akala ko naka-move on ka na dahil may Rick ka na.'' Sabi ni Hanna kaya napatawa si Madisson ng mapakla.

My Husband, My Professor (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon