''No amount of guilt can change the past and no amount of worrying can change the future.''
--------------------------------------------------------
''How will I remember it if you won't help me?'' Bulong ni Celestine habang nakatingin sya sa labas. Simula ng pumunta si Blake sa bahay nila at sinabi ang totoo, nagulo na ang utak nya, ang puso nya, ang buhay nya. Ang buong pagkatao nya ngayon ay isang malaking tanong sa kanya ngayon. Pinipilit nyang alalahanin kung ano man yung nakalimutan nya, pero walang nagyayari. Kulang nalang ay iuntog nya ang sarili sa pader, makaalala lang sya.
''Tine..'' Napatingin sya sa tumwag sa kanya. Sila Betty lang pala ito.
''Oh, anong ginagaw nyo dito?'' Tanong ni Tine, pumunta sya sa kama at nahiga.
''Ilang araw ka na kasing hindi pumapasok. Nag-aalala na kami sayo.'' Sabi ni Meg. Ngumiti ng pilit si Tine sa kanila tsaka nag-salita.
''Ayos lang ako girls, I just need some time to breath.'' Malumanay na sabi ni Tine.
''We know you're not okay.'' Umupo si Riley sa kama ni Tine, napatingin sa kanya si Tine. Mata sa mata at bigla nalang itong umiyak.
''Ang gulo.. ang gulo-gulo na.'' Iyak nya.
****
''Ian, pwede ba?! Lubayan mo na ako.'' Inis na sabi ni Madi habang mabilis na nag-lalakad.
''Madi naman, kausapin mo na kasi ako?'' Pagmamakaawa ni Ian habang pilit na sinasabayan si Madi sa pag-lalakad.
''Ano pa bang pag-uusapan natin Ian? Tapos na naman tayo diba? Matagal na! Tinapos mo!'' May diin na sabi ni Madi. Tumigil sya at hinarap si Ian. ''Ikaw naman ang nag-iwan diba? So bakit na-hahabol ka ngayon na parang isang aso?'' Tanong ni Madi natahimik si Ian at nanatiling nakatingin kay Madi.
''Kasi.. may mga bagay na pinagsisisihan natin pero huli na. May mga bagay na kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik. May mga bagay na makikita mo lang ang rason pag-wala na sila. And hurting and leaving you was the biggest mistake I've ever done Madi.'' Madamdaming pahayag ni Ian. Binaba na nya ang lahat ng pride na meron sya, para lang kay Madi.
''Oo, at may mga bagay na pag-nasira at humingi ka ng sorry, hindi na muling mabubuo.'' Pagkatapos sabihin iyon sabihin ni Madi ay nag.lakad na ulit sya. Pero makulit si Ian at sinundan pa din nya si Madi.
''Madi, please naman oh. Give me another chance.'' Pagmamakaawa na naman ni Ian. Napuno na si Madi kaya tumigil sya at nang-gigigil na humarap dito.

BINABASA MO ANG
My Husband, My Professor (KathNiel)
FanfictionThere is no such thing as a PERFECT RELATIONSHIP. Story by @ImACrazyGirl24