One week na simula ng pagtripan ako ni Kuya Liam. Alam niyo bang last week eh araw-araw niya akong binibiro. Grabe ayaw niya akong tigilan, jusme! Di ko alam ang gagawin ko sa mga sinasabi niya, basta tawa lang ako ng tawa.
"Skylet"
Bigla na lang akong natawa ng marinig ko ang nagsalita. My ghad! Ito na naman kami. Kelan ba ako titigilan ni Kuya Liam sa biro niyang iyon. Di ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, kung sarili ko ba na nagsasabing biro lang ang lahat na ito o sila Joshua at ang mga kaibigan ko na nagsasabing seryoso raw kuno siya.
"Skylet yun haa..." saad niya at ngumiti ng nakakaloko
"Huh?" pagtataka ko
"Basta alam mo na 'yon" saad niya at ngumiti muli
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Hay naku! Kelan ba matatapos ang biruan na 'to. Marami ng tumatakbo sa isip ko na hindi ko alam kung bakit gumugulo ang mga ito pero isa lang ang alam kong maliwanag at 'yon ay biro lamang ang lahat ng ito.
"Ikaw, lagi mo na lang akong tinatawanan"
"Hmpft. kasi naman Kuya"
"Di ka ba naniniwala sa akin?"
"Di ko alam"
Napatingin ako sa mga mata niya. My ghad! Bakit parang nakikita ko sa mga ito na seryoso talaga siya. Ano ba talaga? Naguguluhan na ako.
"Binibiro mo na naman ako Kuya eh"
"Di nga kita binibiro"
Di ko alam pero natawa na lang ako. Nababaliw na yata ako sa mga sinasabi ni Kuya Liam. Jusme naman!
"Oy si Skylet nagblablush" saad ni Joshua at ngumiti ng nakakaloko
"Hmpft. tae mo"
"Seryoso nga kasi siya" saad muli ni Joshua
"Ewan ko sayo" saad ko
Magdamag na ganun ang nangyari sa buong araw ko. Pati sila Ali, Rica at Tere eh nakikisali na rin aa pagtrip sa akin. Kelan ba kasi matatapos 'to? Mukhang ako 'yong kawawa sa kanilang lima. Wala naman lang akong kakampi. Hmpft.
***
Di ako makatulog sa kakaisip kung paano nga ba naopen 'yong tungkol kay Jay-ar at paano nagsimula ang biruan thingy ni Kuya Liam. Kanina pang tanghali ko 'to iniisip at hinahanap or let say gustong sagutan pero di ko maisip ang sagot.Kumuha ako ng notebook at ballpen sa thingy box ko. At isinulat ang unang tanong ko sa aking sarili.
1. Paano ba na-open ang topic na iyon ('yong tungkol kay Jay-ar)?
Inisip kong mabuti kung paano nga ba nag-umpisa ang birong iyon.
"Paano nga ba?" tanong ko sa sarili ko
"Ah.... alam ko na"
> Dahil sa akin, na-open ko sa kaniya (ang daldal ko kasi)
"Hmpft. Ako naman pala ang may kasalanan. Ay tae! Ang shunga ko rin"
Siguro naman makakatulog na ako nito dahil nasagot ko na ang una kong tanong. Nabawasan na ang gumugulo sa utak ko. Haist.
![](https://img.wattpad.com/cover/109950238-288-k402038.jpg)
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................