Pagkatapos ng pangyayaring iyon, kinausap ko siya na magdinner muli sa bahay namin upang sabihin sa aking mga mgaulang na official na magboyfriend/girlfriend na kami.
Ilang beses kong ipinaalala kay Mama na maghanda siya ng masasarap na specialty niya at kinukulit ko rin si Papa na agahan niya ang pag-uwi. At ang makulit ko namang kapatid, aba'y di ako tinantanan na umamin na daw ako sa kaniya na kami na ni Liam. Sa sobrang pangungulit niya, pinagsabihan siya ni Mama na tigilan na niya ako sa pangungulit kaya ayon nagpunta na siya kwarto niya ng nakasimangot.
Gusto ko mang sabihin sa kaniya di pwede dahil nais ko sanang sabay silang tatlo nila Mama't Papa na makaalam. Hindi na ako makapaghintay na sabihin sa kanila ang relationship status namin ni Liam. Alam kong magiging masaya sila para sa akin, para sa amin ni Liam.
Ilang minuto pa ang lumipas ng may nagdoorbell. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa harap ng pinto. Huminga muna ako ng malalim at ngumiti bago buksan ang pinto.
Isang gwapong nilalang ang nakita kong may hawak ng bouquet of flowers.
"Good evening Skylet. Flowers for you" saad niya at ini-abot ang bouquet
"Thanks. Tara pasok ka" aya ko
Lalakad na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nafreeze naman ako sa kinatatayuan ko. My heart beat was so fast. Tumingin ako sa kaniya, nginitian niya lang ako at naglakad na kami.
Pagdating namin sa sala, andoon na sila Mama't Papa at Angel na napatingin sa amin at binaba ang tingin sa................... magkahawak naming kamay.
"Good evening po" bati ni Liam
"Good evening rin iho" bati rin ni Papa
Ngumiti lang naman sina Mama at Angel sa amin. Kinakabahan ako.
"May dapat ba kaming malaman Skylet?" nakangiting tanong ni Mama
"Ah.. e.. Ma-"
"Tito, Tita, me and Skylet are officially in a relationship" nakangiting sagot ni Liam
Tumayo sina Mama't Papa at naglakad papalapit sa amin. Oh my gosh! Kinakabahan ako. Di ko alam kung natuwa ba sila o hindi. Ano ba 'to!
Nakalapit na sila sa amin at mukhang..... shemay. Nakipagkamay si Papa kay Liam.. My ghad! Akala ko kung ano ng mangyayari. Hahaha ang praning ko.
"Congrats" bati ni Papa
"Masaya ako para sa inyong dalaw-"
"KYAAA.... oh my gosh! As in kayo na?"
"Angel" saad ni Mama
Naku! Itong kapatid ko pinaglihi 'ata sa alarm clock, ang sakit sa teinga ang tili. Nakakabingi. Akalain niyong sumingit at nagtitili-tili habang may sinasabi si Mama. Baliw talaga si Angel.
"Pero Ate, as in? Trueness? Official?" sunod-sunod pa ring tanong ni Angel
Nagkatinginan kami ni Liam at sabay tumango.
"KYAAA......." tili niya
"Angel" saad ni Mama na may banta sa tono niya
"I'm sorry Ma, natuwa lang ako" sagot niya at nagpeace sign
After ng announcement namin ni Liam, kumain na kami. Nagkwentuhan lang kami at si Papa naman ay todo payo at bilin kay Liam na alagaan at respetuhin daw ako. Natatawa na lang ako sa tuwing paulit-ulit na ang sinasabi ni Papa.
Di ko akalain na magiging masaya ako ng ganito. Sobrang saya palang mainlab. Lalo na kung legal kayo at tanggap siya ng magulang mo. Sana wala ng katapusan 'to.
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................