Napapansin ko lang nitong mga nakaraang araw, 'yong tingin ni Kana na gusto-akong-patayin-sa-tingin-niya- look e napapadalas lalo na kung magkasama kami ni Liam. At ang nakakapagtaka kapag nakita niya akong nakatingin na sa kaniya bigla siyang ngingisi o di kaya'y tatawa ng sarcastic na nang-iinsulto 'yong ganun. Seriously, nababaliw na ba siya? Di na siya gumagawa ng mga prank para sa akin pero 'yong pamatay niyang tingin, nakakangilabot. Mas gugustuhin ko pang i-prank niya ako kaysa sa mga tingin niyang gusto-akong-patayin-sa-tingin-niya-look. My ghad!
"Hoy Skylet!" - Ali
"Problema?" - Tere
Umiling lang ako. Ayaw ko namang problemahin pa nila 'yon. Atsaka napakabitter ni Rica kay Kana kaya dapat wag na lang nilang malaman iyon. Hindi naman siguro ako mamamatay sa tingin niya,di ba.
"Ano ka ba, wag mong isipin si Liam lumabas lang siya 'teh" - Rica
"Hahahaha loka"
"Kelan mo ba balak sagutin si Liam?" tanong ni Ali
"Mahigit isang buwan pa lang nanliligaw si Liam kaya hindi pa sa ngayon" sagot ko
"Pero may balak kang sagutin siya?" tanong ni Tere
"Oo naman, I'm just waiting for the right time"
"Mamaya sa kakahintay mo sa right time na 'yan, magsawa na siya"
"Oy grabe ka naman Rica. Hindi mangyayari 'yon nuh. Imposible"
"Posible 'yon Skylet" saad ni Ali
Di ako nakaimik sa sinasabi niya. Posible kaya ang sinasabi nila? Pero nangako sa akin si Liam na maghihintay siya kahit gaano pa katagal iyon, kaya imposible ang sinasabi nila.
"Oh ayan na si Liam, sagutin mo na" - Ali
"Huh?"
"I'm just kidding" saad niya at nagpeace sign
"Skylet, sasagutin mo na ba-"
"Huh?" sabay naming tanong kay Liam
"Sabi ko kung sasagutin mo na ba-"
"Ano ba kasi 'yon? Sagutin ang alin? Ikaw?"
"Patapusin mo kasi ako.... pero sige ba, sagutin mo na ako. Gusto ko 'yon" nakangiti niyang sagot
"Ayiiieee" kinikilig na tugon ng tatlo
"Ha.. ha.. ha ayaw ko pa nga. E... ano ba kasi 'yong sinasabi mo?" nahihiya kong tanong
"Aww. Kawawa ka naman Liam" saad ni Rica at tinapik si Liam sa braso
"Better luck next time" saad nila Ali at Tere tinapik rin si Liam sa braso
Natawa naman kami ni Liam sa kalokohan nila. Nagsi-upo naman na sila dahil sa disappointment na sagot ko kanina. E... aba malay ko ba kasi king ano 'yong sasagutin ko atsaka kanina pa yang word na sagutin. Tsk tsk.
"Ano ba kasi 'yong sinasabi mo?"
"Ah... 'yong seatwork na pinapasagutan sa atin ni Ma'am" saad niya at nagkamot sa batok
"Ah... 'yon ba? Oo tapos ko na kanina pa. Bakit?"
"Wala naman akala ko-"
"Tinapos ko na bago umalis si Ma'am"
"Buti naman" saad niya at ginulo ang buhok ko
Antae! Kinikilig ako sa ginawa niya. Ano ba 'yam. Grabe ang epekto ng ginawa niya sa akin. Naku Liam, mas lalo mo kong pinapakilig. Di ko na tuloy alam kung saan ko ilalagay ang kilig ko. Punong puno na kasi ang tiyan ko ng mga butterfly.
***
Hinatid ako ni Liam sa bahay kaya tumambay pa siya dito kanina. Nakipagkwentuhan lang siya kina Mama at Angel. Wala kasi si Papa, nasa trabaho pa. Hinayaan ko lang silang magkwentuhan dahil wala ako sa mood para maki-join sa kanila. Humiga lang ako sa kama at natulog.Nalaman ko na lang kay Mama na umuwi na si Liam. Ang sweet ni Liam dahil sabi ni Mama, di na daw niya ko pinagising kasi alam niyang pagod ako kaya pinasabi niya kay Mama na paggising ko sabihin na lang sa akin na umuwi na siya. How so sweet, right? (^____^)
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................