Chapter 15

6 0 0
                                    

            Tinulungan ko muna si Mama bago mag ayos ng aking sarili. Habang nag aayos ako sa harap ng salamin naalala ko ang kwentuhan namin ni Mama ng tulungan ko siya.

Flashback...

"Buti anak at sinunod mo ang payo ko sayo na ipakilala mo muna ang lalaking papasok sa buhay at sa puso mo"

"Syempre naman po Ma. Ayaw ko naman po na naglilihim ako sa inyo"

"Mabuti kung ganun. Siguradong matutuwa ang Papa mo at ang mga tito mo sa ginawa mo. Maraming salamat" saad ni Mama at niyakap ako

"Sabi niyo nga po sa amin ni Angel, kung mahal ka ng lalaki dapat irespeto ka niya pati na rin ang magulang mo. Kaya 'yon po ang ginawa ko. Atsaka Ma, ang pangit tignan 'yong nililigawan ka kung saan-saan" paliwanag ko at sinuklian ang yakap niya

"Tama. Buti naman at naalala mo ang mga payo ko sa inyong dalawa ni Angel"

"Ofcourse Ma. Gusto kong maging legal kami if ever man na maging kami man sa huli."

"Pero anak, kahit pinakilala mo na siya sa amin hindi ibig sabihin no'n ay boto na kami. At anak, wag mong basta basta sasagutin ang lalaking ipapakilala mo haa... Kilalanin mo muna siya bago mo sabihin ang matamis mong oo" payo ni Mama

"

Yes Ma, I will. Promise" saad ko at hinalikan si Mama sa pisngi

"Panghahawakan ko 'yan Skylet" saad ni Mama at hinalikan ako sa noo

"I love you Ma"

End of Flashback...

         Tama naman si Mama, dapat ipakilala muna ng babae sa kaniyang pamilya ang nais pumasok sa buhay niya. Di naman porket pinayuhan na kami ni Mama ng ganun ay dapat naming sundin, sadyang iyon rin naman ang nais kong mangyari.

          Sa ganung sitwasyon, masusukat mo ang katatagan at katapatan ng lalaki. At doon mo rin makikita kung nirerespeto ka ba niya pati na rin ang pamilya mo.

          Habang nalulunod na ako sa mga iniisip ko, nagvibrate ang phone ko. Napangiti naman ako.

From: Liam

I'm on my way. See you 😊

          Grabe kinakabahan na ako na super sobrang na-e-excite.  Hahaha. Gusto ko siyang replyan pero wag na lang. Alam kong makikita ko rin naman siya.

          Hmpft. Ano kayang suot niya? Nakakacurious naman. Kinakabahan rin ba siya tulad ko o hindi? Hmpft. I hope magustuhan siya ng parents ko 'cause I think he's the one.

Tok! tok ! tok!

"Yes?"

"Ate, andito na si Kuya Liam"

"Oh my gosh!" bulong ko

"Ate, labas ka na dyan"

"Ah... eh... oo palabas na"

          Tumayo ako at huminga muna ng malalim bago lumabas. Pagkakita niya sa akin, tumayo siya hawak ang isang bouquet of flowers.

"Oh Skylet, buti naman at lumabas ka na" saad ni Papa na nakaupo

"Good evening Skylet. Flowers for you" saad niya at iniabot sa akin ang flowers

"Good evening rin. Thank you. Have a sit"

"Pa, sila Mama at Angel?" tanong ko

"Iniaayos sa kusina 'yong mga dalang pagkain ni Liam" sagot ni Papa

          Magkatabi kaming nakaupo ni Papa at si Liam naman naupo sa kabilang couch.

          Dumating naman na sila Mama at naupo na rin sila sa tabi namin ni Papa. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Ah Pa, Ma, let me introduce to you si Liam kahit na nakapagkwentuhan na kayo" saad ko at natawa naman ang pamilya ko pati na rin si Liam

"This is Liam Aquino and Liam this is my dad Ignacio Montero and my mom Carmina Montero..."

           Bigla akong napatingin kay Angel na ngiting ngiti at hinihintay ang pag introduce ko sa pangalan niya.

"... and of course my prettiest younger sister, Angel Montero"

          Tumayo at nakipagshakehands siya sa bawat miyembro ng aking pamilya (para namang buong angkan ko ang ipinakilala sa kaniya dahil sa paggamit ko ng mga salitang 'bawat miyembro ng aking pamilya' hahaha).

"Nice meeting you po" saad niya sa tuwing nakikipagshakehands siya

"Nice meeting you rin iho" saad ni Mama at nginitian si Liam

"Ah... Ma, pwede po bang kumain na tayo? Di ko na kasi kaya e, gutom na po ako" - Angel

          Natawa naman kami sa reaction ni Angel. Kaya niyaya na kami ni Mama sa kusina para magdinner.

          Nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain. Tumatawa kami sa mga kwento ni Angel tungkol sa kagandahan niya kuno. Lakas talaga ng tama ng kapatid ko.

"Ahmm... Ma'am, Sir... " panimula ni Liam

          Napatingin naman sina Mama't Papa sa kaniya. At ganun rin kami ni Angel. Napakaseryoso niya at ako naman ay sobrang kinakabahan.

"May nais po akong itanong sa inyo. Kung inyong mararapatin, nais ko po sanang ligawan ang inyong anak na si Skylet Montero. Kung ako po ay inyong papayagan, ipinapangako ko po sa inyo na aking aalagaan, iingatan at hinding hindi ko sasaktan ang inyong anak. Gagawin ko po siyang prinsesa ng aking buhay. Kaya kung maaari po sanang payagan niyo po ako na iparamdam kay Skylet ang aking nadaramang pagmamahal sa kaniya" seryosong tugon niya

           Tahimik ang buong paligid. Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi niya pero may isa akong nararamdaman ngayon at iyon ay super sobrang kilig. Tumingin ako kina Mama at Papa na nakatingin lang kay Liam. Nakakakaba naman nag ganitong sitwasyon.

"Kung maganda naman ang nais mo sa aking anak, sige papayag ako na ligawan mo ang anak ko pero gusto ko na dito mo siya sa bahay liligawan" seryosong tugon ni Papa
"Salamat po Sir. Pangako po na dito po ako sa bahay niyo aakyat ng ligaw upang makita niyo na aking nirerespeto ang inyong anak at kayo rin po"

          Napangiti naman si Papa sa sagot ni Liam kaya napangiti rin ako.

"Liam, panghahawakan ko ang mga pangako mo, sana wag mong sasaktan ang anak namin. Atsaka wag mo na kaming tawaging Sir at Ma'am, masyado naman iyong formal. Tita at Tito na lang" nakangiting sabi ni Mama

"Sige po Tita. Salamat po" nakangiti ring sagot ni Liam

           Napatingin ako kay Liam at ganun rin siya. Nagngitian lang kaming dalawa. Pagkatapos ng usapan na iyon, kumain na kami muli. Ang sarap ng mga hinanda ni Mama sa dinner namin ngayon.

BiroWhere stories live. Discover now