Late na akong nagising kasi naman di ako makatulog. Ewan ko ba kung bakit, basta di ako makatulog. Hmpft. Nagiging weird na ako this past few days, pansin ko. In-ayos ko 'yong mga gamit ko bago ako naligo.
After kong gawin ang everyday routine ko dali-dali akong pumasok na. Pagkarating ko sa room, pinagtitinginan nila ako. Ang weird nila. Nakita ko agad siya na nakatingin sa akin habang nakangiti. Lumapit ako sa mga bestfriends ko at nakibeso sa kanila.
"Oy maaga siyang pumasok" saad ni Rica
"Ay tae!" saad ko
"Lagot ka Skylet" saad ni Ali
"Hindi, late na kasi akong nagising" saad ko
"Ay iba,nice outfit" puri ni Tere
"Hahaha thanks"
"Oy Skylet, ilang ibon ang pinatay mo para sa ipit mo?" birong tanong ng isa kong kaklase
"Hahaha sampo" pabiro kong sagot
Loko 'tong classmate ko, pinagtritripan niya 'yong ipit ko na may feathers. Ito kasi yung usong headbun ngayon. Nauso ito dahil kay Kathryn Bernardo sa isang commercial niyang shampoo.
"Skylet"
"Bakit?" tanong ko at humarap kay Anna (isa sa mga classmate ko)
"'Yong pananaliksik natin?"
"Di pa tapos"
"Paano na 'yan? Ngayon ipapass, last submission na ngayon"
"Tara gawin na natin para matapos tayo agad"
"Sige pero wait lang may kukunin muna ako sa bag ko"
"Sige" sagot ko
Bigla namang lumapit si...... Ugh! Damn it! Di ko alam kung anong itatawag ko na sa kaniya simula ng masagot ko kagabi yung pangatlong tanong. Di ko alam kung Kuya Liam pa rin ba o Liam na lang. Tae naman, bahala na si superman.
"Good morning" bati niya
"Good morning rin" bati ko sa kaniya at ngumiti ng malapad
"Ang ganda mo haa" puri niya
"Hahaha salamat"
"Skylet tara na" saad ni Anna
"Ah... sige punta na kami ng ICT room" paalam ko aky Liam
"Sige"
Di ko mapigilang mapangiti kahit nagrarush kami para sa pananaliksik namin. Pinuri niya kasi ako. Di naman masyadong maganda 'yong damit ko ah, naka long sleeve crop top lang ako na color gray, black pants at white shoes lang naman. Anong maganda sa suot ko? or baka ako talaga ang maganda? hahaha
Stress na stress ako sa pag iisip kung ano ang itatype ko para sa pananaliksik namin ng may makita akong may nagtutukaan. Langya! As in dito sa ICT room. Ay tae! Di ba sila nahihiya? Ang dami kayang estudyante dito na gumagawa rin ng thesis at pananaliksik. Hay naku! Mga kabataan nga naman ngayon. Tsk. Tsk.
Matapos ang pahirapang pag-i-encode at pagpapaprint namin, haist sa wakas natapos rin kami. Bumalik kami ng room at nadatnan ko pa siya kasama sina Ali, Rica at Tere. Ito na naman ako sa pagngiti.
"Ba't di ka pa umuuwi?" tanong ko
"Wala, hinihintay lang kita" sagot niya at ngumiti
"Skylet, magmeryenda ka nga muna" saad ni Ali
Ay oo nga pala, di pa pala ako nagmemeryenda. Nakalimutan ko ng kumain sa sobrang busy ko. Inilabas nila 'yong dala ni Rica na spaghetti, hotdog at tinapay.
"Nagmeryenda na kayo?" tanong ko
"Oo" sagot nila
"Ikaw, nagmeryenda ka na?" tanong ko kay Liam
"Oo" sagot niya habang nagcecellphone
"Pst, di pa 'yan nagmemeryenda" saad ni Tere
Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ko ng hotdog kaya nagmukhang foot long. Lumapit ako sa kaniya at binigay 'yong kalahati sa kaniya.
"Kain ka" saad ko
"Ahm... Tere at Rica, tara Cr muna tayo" aya ni Ali
"Sige tara,naiihi na rin ako" saad ni Tere
"Tara, mag-aayos rin ako" dagdag pa ni Rica
Lumabas na sila ng room at kami na lang dalawa ang natira. Lumapit siya sa akin at umupo sa tapat ko. Ito na naman siya sa mga tingin niya.
"Kain ka oh, di ko 'to mauubos"
"Sige lang. Makita lang kitang kumakain, busog na ako"
"Hahaha sira"
Nagkwekwentuhan lang kami habang hinihintay namin 'yong tatlo ng may mga estudyante na dumaan sa tapat ng room namin na parang iba ang nasa utak nila. Especially his ex. Nandoon rin pala ang ex niya na parang may gustong sabihin sa mga tingin niyang 'yon. Ngumingisi lang si Liam.
"Hayaan mo sila, inggit lang ang mga 'yan"
Ngumiti lang ako bilang sagot. Di ko naman sila iniintindi e, kahit na ano pang sabihin nila, wala akong paki dahil wala naman kaming gingawang mali.
"Sorry haa, kung late ako kanina" pag iiba ko
"Ok lang 'yon"
"Sorry talaga pero babawi ako sa monday. Maaga ako papasok"
"Maaga tayo papasok?" tanong niya
"Sige ba, ikaw bahala"
"Sige sige"
Pagdating ng tatlo,umuwi na kami. Sabay kami ni Liam kasi sa iisang kanto lang 'yung daan pauwi sa mga bahay namin.
Sobrang nahihiya ako kanina dahil sabi nila, sobrang aga niya raw pumasok. Mas maaga pa nga raw siya kaysa nagbubukas ng pinto ng room namin e. Grabe hiyang hiya ako. Ako pa kasi ang nagsabi na dapat maaga kaming pumasok tapos super late ako. Tae! Tsk... Pero infairness tinupad niya 'yong sinabi ko na maaga siyang pumasok. Napapangiti na naman tuloy ako.
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................