Chapter 20:

7 0 0
                                    

"Guys, nakita niyo ba si Liam?" tanong ko

"Hindi, bakit?"

"Good"

"Huh?" pagtataka nila

"Tara sa cafeteria, may pag uusapan tayo" aya ko

"Ano naman 'yon?" - Tere

"Basta, tara na baka makita niya pa tayo"

"Malay mo nasa cafeteria rin siya. Ano ba kasi 'yon?" - Ali

"Wala 'yon sa cafeteria, sigurado akong kasama niya si Joshua sa Gym kaya halina kayo"

"Wow haa alam ang schedule ni Liam" - Rica

"Tsk. Tara na kasi"

"Ito na nga oh" - Tere

           Pagkarating namin sa cafeteria walang mga estudyante except kami. Busy kasi ang lahat para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Mabuti at kami lang ang narito para mapag usapan ang matinding plano ko para kay Liam.

"Oy, ano na?" iritadong tanong ni Rica

"May matinding plano kasi ako para kay Liam" panimula ko
"Matinding plano? Para saan?" tanong ni Tere

"Yep, surprise ko sa kaniya for his birthday" nakangiti kong sagot

"Ayiiiee... di niya kinalimutan ang birthday ni Liam" - Ali

"Ofcourse ako pa ba? hahaha" pagmamayabang ko

"So anong plano?" - Rica

"Bibigyan ko siya ng surprise birthday sa rooftop"

"Oh.. my.. gosh! Nakakakilig naman 'yon" - Ali

"Hindi lang basta bastang surprise dahil......" ngumiti ako ng napakatamis

          Napatakip sila ng kanilang mga bibig at nanlaki ang kanilang mga mata. Bago pa man sila tumili, binantaan ko na sila na wag gawin iyon. Nakakahiya kasi sa mga crew na nandirito ngayon sa cafeteria.

"Ayiiee... di ko mapigilang kiligin" - Tere

"Haist! Thanks Lord at natauhan rin siya" - Rica

"Woah... woah... I'm so excited" - Ali

"But guys, I need your help para magawa ko ang birthday surprise ko sa kaniya"

"Ofcourse, willing kami na tulungan ka" - Ali

"Para 'yan sa lovelife mo nuh" - Rica

           Ibinahagi ko sa kanila ang plano ko. Gusto ko na isang simpleng date lang pero romantic. Wala man musika na manggagaling sa violin gagawin ko ring romantic dahil espesyal ito para sa kaniya at pati na rin sa akin.

           Pagkatapos naming magplano, kumain muna kami bago bumalik sa room.

"Guys, keep quiet" saad ko

"Ofcourse we will" sagot naman nila

"Ako ng bahalang sabihan si Joshua para sa surprise birthday ni Liam"

"Di kaya sabihin niya kay Liam?" - Rica

"Di 'yon, si Joshua pa" sagot ko

"'Yon na nga e, si Joshua na madaldal"

           Natawa naman kami sa sinabi niya. Kahit kailan talaga maiinit ang dugo niya kay Joshua. Lagi silang nag aaway. Di sila magkasundo kahit anong gawin namin.

"Oy baka  mamaya maging kayo" pang aasar ni Tere

"Oo nga, ingat ka baka mainlab ka" dagdag pa ni Ali at tumawa kami

"Tigilan niyo nga 'yan. The hell! Never nuh" mariing niyang tugon

"Don't mark your words Rica" pang aasar ko rin

"Like duh girls"

"May kasabihan nga na, the more you hate, the more you love" - Ali

"Be careful honey" pang aasar ko sa kaniya

          Nakakatuwang mapikon si Rica, akalain mo 'yon, ang Rica-ng laging sarcastic at mapang asar ay napipikon dahil topic namin si Joshua. Watda! Alam na this hahaha

***
           Kakausapin ko sana si Joshua kaninang uwian about sa surprise ko kay Liam pero naalala ko na sabay pala kami ni Liam uuwi dahil ihahatid niya ako. Kaya tinawagan ko na lang siya.

"Oy, magiging boypren niya na si Li-"

"Ssshh..." saway ko

"Ano ka ba, magiging kayo na nga di ba" pang aasar niya

"Psh. Basta before six nasa rooftop na siya" paninigurado ko

"Opo Madam. Wag kang mag alala on time kami este siya dadating

"Good and Joshua wag mong ipapaalam sa kaniya haa"

"Syempre, kaya nga surprise di ba?" sarcastic niyang sagot

"Tsk. Oo na. Bagay nga kayo ni Rica" bulong ko

"Anong sabi mo?"

"Wala. 'Yong surprise wag mong kakalimutan 'yong gagawin mo"

"Madali lang naman e, dadalhin ko lang siya sa rooftop at itutulak" saad niya at tumawa

"Ikaw kaya itulak ko? Tsk. Basta gawin mo na lang ang sinabi ko sayo"

"Oy concern siya"

"Whatever. Thank you"

"No prob"

"Sige na bye na po. Salamat ulit" paalam ko

"Yah bye!"

           Pagkatapos ng usapan namin ni Joshua, tumayo ako at lumapit sa aking kalendaryo. Naglagay ako ng take note sa araw ng august 08.

            May isang linggo pa kami para maisakatuparan ang plano ko. Isang linggo na lang Liam.

"Pangakong ito ang pinakamasayang birthday mo" bulong ko

BiroWhere stories live. Discover now