"Nakakainis. Ako na naman ang sinisisi nila kung bakit hindi siya pumapasok. Bakit kasalanan ko ba kung bakit absent siya ng absent?" reklamo ko sa kaibigan kong si Rica
Di ba siya iimik? Buti pa siya di magsasalita laban sa sinasabi ko di tulad ng iba na mukhang ako ang sinisisi kung bakit hindi na pumapasok si Jay-ar.
Di na lang ako nagreact sa hindi pag-imik ni Rica. Minabuti ko na lang na ayusin ang mga paper ko for my research.
"Bakit naman ikaw ang sinisisi nila sa pag absent ni Jay-ar?" tanong ni Kuya Liam
"Eh,pinaasa ko raw siya" naiinis kong sagot
"Bakit pinaasa mo ba siya?"
"Di ah. Kuya lang naman ang tingin ko sa kaniya,siya
lang talaga ang nag-over the bakod sa level na 'yon""Ah,nag-assume siya? Bakit gusto ka ba niya?"
"Oo,pero kuya lang talaga ang tingin ko sa kaniya. Hanggang doon lang talaga 'yon atsaka alam niya naman 'yon"
"Tsk. Di mo kasalanan kung bakit absent siya ng absent. Ganun naman na siya simula nung unang pasukan di ba? Lagi siyang absent kaya wag mong intindihin 'yon. Di ikaw ang may kasalanan"
Buti pa si Kuya Liam di ako sinisisi kung bakit absent ng absent si Jay-ar. Haist may isa akong kakampi. Halos lahat kasi sila ako ang sinisisi sa nangyari.
"Hay, buti ka pa Kuya Liam di mo ako sinisisi sa nangyari"
"Ba't naman kita sisisihin? Di mo naman talaga kasalanan 'yon. Atsaka siya 'yong nag-assume,porket super close na kayo eh nag-isip na siya ng ganung level. Ako nga di naman ako kasing gwapo ng iba pero di mo ko pinapansin"
Natawa naman ako sa sinabi niya. Itong si Kuya Liam palabiro.Kanina lang seryoso kami tapos....
"Nandito naman ako, ba't di mo ko mapansin?"
"Oy Kuya, anong pinagsasabi mo? Binibiro mo naman ako" saad ko at tumawa
"Di naman kita binibiro. Nagsasabi lang ako ng nararamdaman ko para sayo"
"Eh... Kuya naman. Grabe siya oh"
"Hawakan mo mga kamay ko"
Tawa lang ako ng tawa pero hinawakan ko 'yong kamay niya ayon sa utos niya. Di ko mapigilan ang sarili kong hindi tumawa.
"Ano ka ba Skylet, tawa ka ng tawa. Nakakatawa ba 'yong sinasabi ko? Nakakatawa ba 'yong mukha ko?"
"Hindi. Eh kasi naman Kuya binibiro mo ako"
"Di nga kasi ako nagbibiro"
"Weh? Binibiro mo lang ako eh" saad ko at binitiwan ang kamay niya
Minsan kasi matrip si Kuya Liam. Grabe 'yan kung makapagtrip. Mapapatawa ka ng bonggang bongga, 'yong tipong parang wala ng bukas sa katatawa mo.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Ewan? Oo?"
Tawa lang ako ng tawa, di ko naman alam kung bakit. Dahil 'ata sa mga sinasabi niya. Ay ewan....
"Ms. Skylet, bakit tawa ka ng tawa diyan?" tanong ni Ma'am Carlos
"Ma'am wala po"
"Eh bakit tawa ka ng tawa diyan?" natatawang tanong ni Ma'am
"Ma'am kasi............ hahahaha"
"Alam mo Skylet, iba na 'yan. Pati ako nahahawa mo sa kakatawa"
"Ma'am grabe, may sinasabi lang po kasi si Kuya Liam"
"Ano bang sinasabi ni Liam?"
"Ma'am wala po"
"Wala? Iba na talaga 'yan Skylet"
Hala! Grabe si Ma'am. Si Kuya Liam kasi kung anu-ano ang sinasabi, ayun tuloy nagmumukha na akong baliw. Loko rin kasi si Kuya Liam eh, may pagkatopak. Buti na lang nag-aayos lang kami ng mga paper work namin para sa research ngayon at buti na lang mabait si Ma'am Carlos kung hindi patay ako ngayon sa sobrang tawa ko.
Buong hapon, di ako tinigilan ni Kuya Liam sa confess thingy niya kuno,kaya buong hapon din akong tawa ng tawa. Di ko mapigilan ang sarili ko na di tumawa sa mga sinasabi niya. Ewan ko ba. Ang weird ng araw na 'to.
***
Kahapon pa ako binibiro ni Kuya Liam. Di ko alam kung nababaliw na ba siya o ano. Di matapos tapos ying sinasabi niya kahapon. Pati ba naman ngayon, ganun pa rin siya. Ay tae! Nakakaloka. Nagmumukha na tuloy akong baliw sa kakatawa."Guys, bakery muna tayo" aya ni Ali
"Tara, tamang tama nandito si Tere" sagot ni Rica
"Sige ba" game kong sabi
"Sama kayo Kuya Liam, Joshua, Flav at Fernanda" saad ni Ali
"Oo nga, tara na" - Tere
Pagdating namin ng bakery di pa rin ako tinigilan ni Kuya Liam. Panay banat ang sinasabi niya. Kung di naman banat ay 'yong biro niya sa akin na gusto niya raw ako kuno. Hay! Akala ko ba tapos na 'yong topic na 'yon.
Tinignan ko ang mga kaibigan kong sina Ali, Rica at Tere na pangiti ngiti lang sa mga sinasabi ni Kuya Liam. Haist. Ano na naman ang tumatakbo sa mga isip ng tatlong ito? At pangiti ngiti sila.
"Liam, sa birthday mo, anong plano?" tanong ni Joshua
"Oo nga, punta kayo haa"
"Pati si Skylet?" tanong ni Joshua
"Oo naman. Skylet, punta ka sa birthday ko"
"Sure,kelan ba ang birthday mo?"
"Sa august 8 pa naman pero punta ka haa"
"Sure"
Matagal pa pala ang birthday niya. Haist, itong si Joshua kung anu-ano ang sinasabi na special raw ako kay Kuya Liam kaya dapat pumunta ako. Hay! Pati ba naman si Joshua nakikisakay na rin sa trip ni Kuya Liam. Loko 'tong mga ito. Ako pa talaga ang pinagtripan. Tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/109950238-288-k402038.jpg)
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................