Lumipas ang ilang linggo na boring pa rin pero nawawala lang iyon sa tuwing tatawag si Liam. Tatlo o di kaya'y apat na beses siyang tumatawag sa isang araw. Di naman nakakasawang kausap siya lalo na't napakasweet niya at caring. Di mawawala 'yong mga sweet lines niya.
Kung di siya tumatawag, nakaonline lang naman ako. Minsan nagbabasa ng mga libro ko at minsan naman sa Wattpad. At kapag tinamaan na ako ng antok, magmumusic na ako ng mga senti songs para masarap ang tulog ko.
Inaantok na ako ng magring ang phone ko.
"Hello?"
"Hmm..."
"Natutulog ka ba?"
"Ah.... hindi.... ano lang...."
"Pwede ba kitang makausap at maistorbo?"
"Oo naman, ano bang pag uusapan natin?"
"Ah.... eh gusto ko lang sanang tanungin kung pwede na ba kitang ligawan"
"Pwede mo bang bigyan mo pa ako ng time. Magulo pa ang buhay ko ngayon. Time lang please"
"Ay ganun ba?"
"Oo"
"Baka talagang sinadyang magulo ang buhay mo para ayusin ko" saad niya at tumawa
"Hahaha loko"
"Pero malay mo di ba, ako ang itinadhana para ayusin ang magulong buhay mo"
"Loko ka, bahala ka nga" natatawa kong sabi
"Bahala ako? So kung sabihin kong tayo na, tayo na talaga?"
"Oy di ah... what I mean is...."
"Yah I know" natatawa niyang sabi
"Ikaw talaga Liam, pinagloloko mo na naman ako"
"Di ah, di naman kita niloloko at di kita lolokohin pag naging tayo. Pangako 'yan" sinsero niyang sabi
Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Parang gusto ko ng sabihin sa kaniya na pwede na siyang manligaw pero natatakot at di pa rin ako handa sa mga mangyayari kung maging kami sa huli.
Di ko alam ang dapat na isagot. Di nagpraprocess ang utak ko parang di ko kayang mag-isip. At parang ayaw magsalita ng bibig ko.
Ito na naman ako e. Madaling maniwala sa mga pangako na binibitawan nila. Ba't ganun kasi ako? Dapat ko na nga ba siyang payagan? o maghintay pa siya ng konting oras. Argh. Antae naman!
"Oy Skylet"
"Ah... hehehe Liam konting tiis na lang. Sige bye"
Di ko na siya hinintay pang sumagot. Dali-dali kong pinatay ang call niya at shinut down ang phone ko.
Nahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame. Ano ba kasi ang dapat kong isagot sa kaniya. Bago ko kasi patayin ang call narinig kong bumuntong hininga siya na may pagkadisappointed sa sagot ko. Di ko kasi alam talaga e.
First time kong maexperience ang ganito. 'Yong may maghihintay sa akin. 'Yong gusto akong ligawan. 'Yong handang humarap sa parents ko para ipaalam sa kanila na gusto niya akong ligawan. First time ko 'to kaya di ko alam ang gagawin at sasabihin.
***
Nagising ako ng tawagin ako ni Mama para maghapunan. Tatayo na sana ako mula sa kama ng mahawakan ko ang phone ko. Ini-open ko ito at nagulat sa dami ng missed calls at text messages mula kay Liam.Napangiti naman ako sa huling text niya.
From: Liam
Handa akong maghintay. Hihintayin kita hanggang sa maging maayos ka na. I'm always here, waiting for you 😊
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................