Chapter 4:

7 0 0
                                    

          Ang saya ko dahil dalawang tanong na ang nasagot ko. At masaya rin ako dahil tama yata na maniwala ako sa kaniya kasi mukha namang totoo at seryoso siya. Di lamang doon kung bakit ako masaya. Masaya ako dahil natapos na ang exam naming mga candidate for honors. Sana maging maganda ang resulta ng mga exam ko.

           Ang sarap din isipin at balikan ang mga nangyari kanina. Di ko alam pero sa tuwing naaalala ko ang bawat pangyayari kanina, di ko mapigilang ngumiti. Ewan ko ba kung bakit. Nagmumukha na nga akong tanga sa pagngiti-ngiti ko.

Flashback.....

          Last day na ng exam namin ngayon. Maaga akong pumasok para makapagreview pa ako. Exactly 8:30 ata nag-start na kami pero di ko pa siya nakikita. Kahapon naman maaga siyang pumasok, mga 7:40 ata 'yon (alam na alam ko ang eksaktong oras, grabe feeling ko tuloy magaling akong magmemorize ng mga eksaktong oras pagdating sa kaniya hahah). Sinabihan pa nga niya ako ng "Good morning" at "Good luck". Tapos ngayon, wala pa siya. Hmpft.

          Nagconcentrate na lang ako sa exam ko para naman di ako bumagsak. After kong i-take ang statistic bigla akong napatingin sa labas at nakita ko siya na nakangiti ng malapad kasama si Joshua. Napangiti na lang ako ng makita ko siya. Ewan ko ba.

          After ng exam, dali dali akong pumunta sa room namin. Nadatnan ko sina Ali, Tere, Rica at si Liam na parang may ginagawa. May papel na hawak si Liam na binabasa niya, 'yong tatlo naman excited na parang may gustong malaman. Ano bang ginagawa nila?

"Ano 'yan?" tanong ko

"Wala" sabay na sabi ng tatlo kong mga bestfriends ko

"Tara, uwi na tayo" aya ko sa kanila

"Mamaya pa. Doon ka muna" pagpapalayas nila sa akin

          Wow. Pinagtatabuyan na nila ako. Grabe 'tong mga ito. Kanina lang tinatanong ko kung anong ginagawa nila, sagot nila wala tapso ngayon pinagtatabuyan na nila ako. Ay tae! Ano ba kasing ginagawa nila? Tsk. Lumabas na lang muna ako. Nanuod na lang muna ako ng basketball sa may gym habang hinihintay silang matapos.

"Tara, uwi na tayo sa inyo" aya nila

"Doon kayo maglalunch sa bahay?"

"Oo, tamad na kaming umuwi"

"Pero wala tayong ulam doon, di pa 'ata namamalengke si Mama"

"Kahit na. Edi wag na tayong maglunch" saad ni Rica

"Sige, kayo bahala. Sila Joshua sasama na rin ba o mamaya na? Susunod na lang sila?" tanong ko

"Susunod na lang kami ni Joshua. Uwi muna kami sa bahay" sagot ni Liam

"Sige. Sunod kayo haa" paninigurado ko

"Oo"

          Pagkauwi namin sa bahay, nadatnan ko si Papa na paalis na.

"Pa,dito kami tatambay sa bahay"

"Sige, kayo bahala. Alis na ako"

"Sige Pa, bye"

          Pagkaalis ni Papa pumunta kaming apat sa may SM (Silong ng Mangga). May mini garden si Papa sa likod ng bahay namin kung saan nakatayo ang puno ng mangga na pinagtatambayan namin lagi. Dito na lang muna namin hihintayin 'yong dalawa kasi mahangin dito compare sa loob ng bahay.

"Skylet,tinanong namin si Kuya Liam"

"Huh? Ano naman 'yon?"

"Tinanong namin siya kung seryoso ba siya, ang sagot niya oo" saad ni Ali

BiroWhere stories live. Discover now