Ilang araw na rin ang nagdaan pero malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ni Liam. Ilang araw na rin ako wala sa sarili.
Pakiramdam ko kulang ako. Pakiramdam ko di ako buo. May kulang.
Di ako makausap ng maayos ng mga kaibigan ko kahit na ang mga magulang ko. Lagi lang akong nagkukulong sa kwarto. Nag iisa. Nag iisip. At lumuluha.
Mga luhang ayaw matapos. Mga luhang di ko mapigilan sa pag agos.Hindi ko na alam ang gagawin ko.
---
Ali's POV
Nag aalala na kami para kay Skylet. Ngayon lang namin nakitang nagkakaganyan siya. Dahil well perstime nga pala niyang umibig. Pero grabe ang epekto nito sa kaniya.
"Oy ali malalim ata ang iniisip mo" saad ni Tere
"Napaisip lang ako. Nag aalala na kasi ako kay Skylet"
"Ako nga rin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin at ichecheer up" sagot niya
"Hay sobra niya kasing mahal si Liam"
"Hmpft. By the way, nasaan na ba si Rica? Di ba siya pupunta ngayon dito?"
Andito nga pala kami sa bahay ko. Nakatambay lang. Sayang at wala si Skylet. Ayaw niya kasing sumama. Gusto niya lang raw mapag isa kaya hinayaan namin.
"Pupunta daw siya dito. Chinat niya ako na on the way na daw siya" sagot ko kay Tere
"Hay naku dapat sumabay na lang siya sa akin kanina"
Habang naghihintay kami ni Tere kay Rica naisipan naming magmovie marathon muna.
Ilang minuto din ang lumipas at dumating na si Rica na may bitbit ng plastic bag.
"Bat antagal mo?" Tanong ni Tere
"E... ah... "
Napansin kong aligaga siya. Ano kayang problema niya.
"Oy aligaga ka" saad ko
"Ah... na... iihi na pala ako. Tama naiihi na ako hehehe" saad niya at dali dali siyang nagtungo ng banyo
"Problema nun?" Tanong ko
"Baka natatae na siya" saad ni Tere
At napatawa kaming dalawa. Kinuha naman ni Tere ang supot na bitbit ni Rica at nag ningning ang aming mga mata ng makita namin na maraming pagkain.
Ilang sandali pa ay bumalik na sa sala si Rica. Tinignan ko siya at ang weird niya ngayon.
"Problema mo?" Tanong ko
"Wala naman" saad niya at tumawa
"Baliw mo. Natae ka lang naginf abnormal ka na" saad ni Tere at tumawa kaming dalawa
"Nakita ko si Liam sa mall" bigla sabi ni Rica
"Sinong kasama niya?" - Tere
"Ah.. mag isa niya lang"
"Nakita ka niya?"
"Hindi" sagot niya at parang may iniisip
Di ko alam pero feeling ko may kakaibang nangyayare.
---
Someone's POV
"Lets do the most a waited part" bulong ko at ngumiti ng nakakaloko
Binigyan niya ako ng matamis na halik. At ngumiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/109950238-288-k402038.jpg)
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................