Pagkatapos kong sagutan ang tanong kagabi, e may mga tanong na naman na gumugulo sa akin. Dumadagdag pa sina Joshua, Ali, Rica at Tere. Lagi kasi nilang sinasabing seryoso raw si Kuya Liam. Na lahat daw ng sinasabi ni Kuya Liam e, totoo. Seryoso raw na walang halong biro. Na di raw niya ako binibiro at pinaglalaruan.
"Pinagloloko lang naman ako ni Kuya Liam" saad ko at tumawa
"Ba't kasi ayaw mong maniwala sa kaniya?" tanong niya
"E malay ko ba kung pinaglalaruan niya lang ako atsaka nagsimula lang naman 'yon sa biro nuh"
"Bakit sa tingin mo nagbibiro siya? Na kaya ka niyang paglaruan?"
"Ewan ko? Di ko alam" diretso kong sagot
"Pero seryoso Skylet, totoo 'yong mga sinasabi niya sayo. Sinabi niya na mismo sa akin" seryosong saad ni Joshua
Ugh! Damn it! Mas lalong pinapagulo ni Joshua ang isip ko. Ano ba 'yan. Hmpft. Kainis naman.
"E Joshua naman, binibiro nga lang niya ako"
"Bahala ka, sasabihin ko sa kaniya na iniisip mong niloloko ka lang niya"
Bigla siyang umalos at hinanap si Kuya Liam. Hmpft! Kainis naman 'tong si Joshua.
Maya- maya napatingin ako kila Joshua at Kuya Liam na nakatingin sa akin. Ugh! Damn it! Pahamak si Joshua. Tae naman.
"Liam, bakit pinaglalaruan mo lang ba raw si Skylet?" tanong ni Joshua at tumingin sa akin
"Di naman ako marunong maglaro. Seryoso naman ako" diretsong sagot ni Kuya Liam at tumingin rin sa akin
Napasimangot naman ako. Ang sakit naman nun. Grabe siya. Aba malay ko ba kung pinaglalaruan niya lang ako, di ba? Atsaka sa isang biro lang naman talaga 'yon nagsimula. Aba malay ko ba kung............. biro nga lang ba. Bawal na bang maging sigurado? Ayoko lang mag-assume kasi masakit.
"Di raw siya marunong maglaro kaya di ka niya pinaglalaruan" pagpaparinig ni Joshua sa akin
Tsk. Ano nga ba ang totoo? Gusto ko ng malaman ang sagot pero itinatatak ko sa isip ko na biro lang talaga. Hmpft. Ang gulo-gulo na ng isip ko. Di ko alam kung paniniwalaan ko na ba sila o patuloy ko lang na itatatak sa isip ko na isa lamang itong biro. Ano nga ba talaga?
Pagsapit ng gabi, dali-dali kong kinuha ang notebook at ballpen ko. Nagsulat muli ako ng tanong at inisip munang mabuti ang aking isasagot. Ayoko magkamali ako sa aking sagot para di naman ako magsisisi sa huli.
2. Maniniwala ba ako o hindi?
> Maniniwala na ako
Wala naman sigurong mawawala kung maniniwala akong hindi biro ang lahat ng ito, di ba? Paano ko malalaman na totoo siya kung hindi ako maniniwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/109950238-288-k402038.jpg)
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................