Chapter 19:

1 0 0
                                    

          Ilang buwan na rin ang lumipas, simula ng manligaw sa akin si Liam. Nanatili siyang sweet, caring at mapagmahal. Sobra rin kung makapagprotekta sa akin 'yong tipong pati lamok ayaw niyang dumapo sa akin, ganun siya kaprotective. Hindi naman pala nakakasakal ang overprotective na lalaki, ang sweet nga e. Kasi di ba, ayaw lang nilang mapahamak tayo and for me sa ganung katangian ng lalaki, doon mo makikita na mahal ka niya talaga. Walang alinlangan na may iba siya.

          Masarap sa feeling ng may nagmamahal sayo maliban sa family at friends mo. 'Yong mangangako ng 'walang iwanan, 'kaya natin 'to' at ang pinakamahalaga ay iyong 'ikaw lang, wala ng iba'. Super sweet. Nakakadiabetes. Hahaha

          Hindi pa man kami ay ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal at nais alagaan. Napapaisip nga ako, kung what if maging kami na, paanong or anong treatment na ang mararanasan ko. Di pa nga kami e grabe na kung kiligin ako sa mga moves niya, paano pa kung kami na. Nakakaexcite namang maranasan.

"Oy" sabay sundot sa tagiliran ko

"Yep?" tanong ko

"Cr lang ako" paalam niya

"Sure, hintayin na lang kita dito"

           Tumango siya at umalis na. Nandito kami ni Liam sa cafeteria, nagmemeryenda. Wala kasi 'yong tatlo, may ginagawa raw sila kuno kaya di makakasabay sa amin.

           Habang kumakain ako at nagbabasa ng libro, may umupo sa katapat kong upuan. Napangiti ako dahil sa pag-aakalang si Liam na iyon pero hindi. Ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng pagtataka.

          Di ko inaasahan na nasa harapan ko ngayon ang ex ni Liam. Ano naman ang balak nito at bigla na lang lumapit sa akin. Aawayin niya ba ako dahil nililigawan ako ni Liam pero break na sila bago pa manligaw sa akin si Liam.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit bigla na lang akong lumapit sayo. Di ako naparito para makipag-away o agawin si Liam. Naparito ako ako dahil may gusto akong sabihin sayo at upang balaan ka na rin"

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo Sheena? Balaan? Para saan?"  naguguluhan kong tanong sa kaniya

"Alam kong nililigawan ka ni Liam pero matanong kita, kayo na ba?"

"Hindi pa" diretsong sagot ko

"Mabuti naman kung-"

"Anong mabuti naman? May balak ka bang ag-"

"Hindi hindi nagkakamali ka. Gusto ko lang sabihin sayo na wag na wag mong sasagutin si Liam dahil niloloko ka lang niya"

"WHAT? How dare you para pagsabihan mo ng ganyan si Liam! My ghad! I thought wala ka talagang balak agawin sa akin si Liam, napaniwala mo ako pero sa tono at punto ng pananalita mo, gusto mong agawin si Liam sa akin" naiirita kong tugon sa kaniya

"Skylet, hindi ko aagawin sayo si Liam dahil hindi naman sayo si Liam kahit maging kayo pa man. Pagmamay ari siya ni-"

"Nino? Sayo? The heck Sheena. Liam is your EX. EX. YOUR PAST" pagdidiin ko

"Alam mo kung di mo ako papakinggan, choice mo 'yon pero I warning you, wag na wag mong sasagutin si Liam dahil pinaglalaruan ka lang nila"

           Napatayo ako sa sinabi niya. How dare is she! Naiinis na talaga ako sa kaniya kanina pa. Ang kapal ng mukha niya para sabihin 'yon sa harapan ko.

"How dare you! Dahan dahan ka sa pananalita mo. Mahal ako ni Liam kaya hindi niya gagawin sa akin 'yon. How dare you! Alam ko ang ginagawa ko kaya wag mo akong didiktahan" mariin kong sagot sa kaniya

           Sobra na 'yong mga pinagsasabi niya. Ako? Lolokohin ni Liam? Hindi. Never. Kilala ko si Liam, hindi niya gagawin 'yon.

"Hey Skylet" tawag pansin sa akin ni Tere

          Nagtataka silang lumapit sa amin.

"What is happening here?" - Ali

"Let see kung anong mangyayari pero I told you pinaglalaruan ka lang nila. Binalaan na kita Skylet"

          Pagkatapos niyang bitiwan ang mga katagang iyon ay umalis na siya. Pinaupo naman ako ng mga best friends ko at ganun rin sila.

"Skylet, what happen?" tanong ni Rica na nag aalala

"She told me that Liam...."

"What?" tanong nila

          Napayuko ako dahil feeling ko, anumang oras maiiyak ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil parang may side na naniniwala ako pero NO. I don't believe her. Never.

"Skylet"

"Pinaglalaruan lang daw ako ni Liam"

"What?" gulat nilang tanong

"That bitch! How dare is she!" - Rica

"Tsk. Inggit lang siya dahil nasa iyo na si Liam" - Tere

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Ali

           Ikwenento ko sa kanilang lahat ng nangyari at sinabi ni Sheena sa akin. Nakakabwesit siya. Bakit kailangan niya pang siraan si Liam kung gusto niyang mapasakaniya. Nababaliw na rin ba siya? Ganun ba siya ka-obsess kay Liam. The heck!

"Hey guys, ayoko sanang malaman pa ito ni Liam. Hindi naman ako naniniwala kay Sheena e, basta ayaw kong malaman niya ito. Keep quiet"

"Yah yah" - Rica

"No prob" - Tere

"We will keep quiet" - Ali

"Thank you"

"Speaking of Liam, nasaan ba siya?" tanong ni Tere

"Nag Cr lang"

           Napatingin naman ako sa phone ko na nagvibrate. Nagtext si Liam.

"Sino 'yan?" pag uusisa  ni Rica

"Si Liam"

"Anong sabi?" - Ali

"Dumiretso raw siya sa library dahil may hihiraming libro kaya mauna na raw akong pumunta ng room" malungkot kong sagot sa kanila

"Ah ganun ba? So tara na " aya ni Tere

           Pumunta na kami ng room na parang walang nangyari. Di ko na lang iniisip ang mga sinabi ni Sheena. Di naman ako naniniwala. Dahil mahal ako ni Liam. At may pangako siya sa akin.

BiroWhere stories live. Discover now