Chapter 10:

3 0 0
                                    

          Monday ngayon! At sobra na naman akong kinakabahan. Ewan ko ba kung bakit pero di pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Liam sa akin noong sabado. Di ko kasi maisip kung bakit ganun ang isinagot ko sa kaniya. Maybe di pa ako handang pumasok sa mga ganung eksena at maaaring takot pa akong masaktan dahil baka di ko makayanan kung mangyari man iyon.

            Nagpaalam na ako kina Mama't Papa para makapasok na ako. Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang mapaisip sa kung paano ko haharapin si Liam dahil nahihiya ako. Nahihiya ako dahil sa sinabi niya sa akin. Nais ko sanang ipaalam sa mga kaibigan ko dahil feeling ko kailangan ko ng advice mula sa kanila at para madamayan nila ako. Di ko kasi alam ang gagawin ko.

          Pagpasok ko ng classroom, nadatnan ko ang dalawa kong best friends na si Tere at Rica. Bumeso ako sa kanila at binati.

"Guys, may sasabihin ako sa inyo mamaya" saad ko

"Ano ba 'yon?" tanong ni Tere

"Tungkol saan?" tanong rin ni Rica

"Basta mamaya na lang"

"Hmpft. Ngayon na" pagpupumilit ni Tere

"Mamaya na lang kapag kumpleto na tayo, wala pa si Ali"

          Tumango naman sila at hindi na nangulit pa. Ano ba 'to, kinakabahan na naman ako. Haist. Nagkwekwentuhan lang kami ng dumating si Ali, hindi ko alam pero mas lalo akong kinabahan.

"Good morning" bati niya sa amin at bumeso

"Buti naman at nandito ka na. Kanina ka pa naming hinihintay" bungad sa kaniya ni Tere

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong nito

"E kasi may sasabihin si Skylet at gusto niya kumpleto tayo bago niya ito sabihin" sagot naman ni Rica

"Ano ba 'yon?" muling tanong ni Ali

"Tara sa labas" saad ko at nauna ng lumabas ng room

           Sumunod naman sila sa akin. Nakatingin lang sila sa akin at hinihintay na magsalita.

"Ahm... si ano kasi...."

"Si Liam?" tanong ni Ali

"Oo"

"Bakit?" tanong naman ni Tere

"Ano kasi..... no'ng saturday nagkita kami ulit sa carnaval tapos nag-usap pero......"

"Pero ano?"

"'Yong usapan na 'yon ay ano..... ahm.... tinanong niya sa akin kung pwede ba raw siyang manligaw" nahihiya kong sabi

"Ayiieee......." sabay sabay nilang sabi

          Grabe sila kung makilig, parang sila 'yong tinanong ng ganun. Hahaha pero in fairness ang sarap sa feeling na may napagsabihan ako. Nawala ang kaba ko.

"Ay sus! Paano niya tinanong sayo?" excited at kinikilig na tanong ni Tere

"Ano.... binulong niya sa akin" nahihiya ko pa ring sagot

"Hay naku! Sa wakas magkakaboyfriend ka na" saad ni Ali

"Grabe nga e, sobra akong kinakabahan no'ng araw na 'yon, kahit no'ng di pa kami nagkikita, sobra na akong kinakabahan"

"Hahaha ano naman ang sinabi niya?" kilig na tanong ni Rica

"Ahm... sabi niya, alam niya naman raw na siya na lang raw ang hinihintay ko tapos ayon, tinanong niya kung pwede ba raw siya manligaw na"

"E ano naman ang sagot mo?" tanong nilang tatlo

"Sabi ko bigyan niya muna ako ng time" diretso kong sagot

"Huh? Ba't naman ganun yo'ng sagot mo?" dismiyadong tanong ni Ali

"E ayoko pang may manligaw sa akin atsaka.... ewan" magulong sagot ko

"Ok lang 'yan atleast alam mo na at sigurado ka ng seryoso talaga siya sayo" saad ni Tere

"Tama" pagsang-ayon naman ni Rica

"Pero grabe haa, nakakakilig" - Ali

"Congrats" kinikilig nilang bati sa akin

          Mas kinikilig pa sila kaysa sa akin. Hahaha loka! Pero gumaan 'yong pakiramdam ko ng masabi ko sa kanila. Ngunit may kaba pa rin akong nararamdaman at hindi ito mawala wala. Haist! Bakit ba kasi!?

          Pagkatapos naming magkwentuhan, pumasok na sila sa room at ako naman ay nagpaiwan. Gusto ko kasing makapag-isip. Gusto kong pakalmahin at maging relax ang sarili ko. Kaya naman nakatingin lang ako sa malayo. Nagmumuni-muni at nag-iisip ng kung anu-ano.

"Hey!"

          Napalingon ako sa tabi ko sa sobrang gulat. Napalalim 'ata ang iniisip ko kaya di ko napansin na may katabi na pala ako.

"Ah... hey" nahihiya kong tugon

"Ba't nandito ka mag-isa?" tanong niya

"Wala naman, ayoko lang sa loob"

"Ah.... I see"

"Ahm... Liam"

"Hmm"

"'Yong ano.... ahm.... 'yong tanong mo no'ng saturday" nahihiya kong sabi

"Ah 'yon ba? Naiintindihan naman kita" sagot niya at ngumiti

"Thank you, basta bigyan mo lang ako ng time"

"I'm willing to wait" saad niya habang nakangiti ng sobrang lapad

"Thank you"

"Pero matanong ko lang, bakit kailangan mo ng time? Gusto mo bigyan kita ng orasan?" biro niya

          Napangiti naman ako sa biro niyang iyon.

"Seryoso, why do you need time?"

"Kasi magulo pa ako. Di pa ako ready atsaka..... basta magulo pa ang buhay ko sa ngayon" diretsong sagot ko

"Magulo? Gusto mo ayusin ko?" pagbibiro niya

"Sira. Basta bigyan mo lang ako ng time"

"Sige kung 'yan gusto mo. Maghihintay ako"

          Naging masaya naman ang araw na ito kahit papaano. Wala naman na kaming masyadong ginawa dahil hinihintay na lang namin ang clearance.

***
          Makalipas ang ilang araw, naging mas ok pa kami ni Liam. Mas naging close pa kami. At mas naging sweet siya sa akin. Di niya ako pinapabayaan. Lagi siyang nakaalalay sa akin kahit di naman kailangan. At lagi niya rin akong hinahatid sa bahay na ipinagtataka nila mama at papa.

BiroWhere stories live. Discover now