Saturday na naman ngayon. Bakit kinakabahan ako ngayon? Bakit feeling ko may something na mangyayari ngayon. Antae! Sana naman wag siyang pumunta ngayon. Sana naman di siya seryoso sa sinabi niyang every saturday ang dalaw. Hahaha dalaw talaga.
Magkasama ulit kami ni Angel na pumipila sa isang ride. Trip kasi ni Angel na sumakay sa roller coaster kaya kahit di ko trip, no choice ako.
"Sure ka bang-" di ko na natapos 'yong sinasabi ko ng makita ko siya
Ay tae! Kaya pala kinakabahan ako dahil tinutoo niya 'yong sinabi niya na tuwing saturday ang dalaw. Haist.
"Hi" bati niya at ngumiti ng malapad
Natameme ako at sobrang kinabahan. Ano na naman ba ang gagawin niya. At ano bang mangyayari ngayon at kinakabahan ako ng sobra-sobra.
"Hallow! Kasama mo si Warren?"
"Oo"
"Nasaan siya?"
"May kausap lang siya sandali"
"Ay, ba't nandito ka ngayon?"
"Wala lang, bawal ba?"
"Hindi naman, wala ba kayong kasama sa bahay?"
"Oo, pumunta sila sa Baguio. Sinasama nga nila ako kaso ayaw ko. Sabi ko marami akong gagawin" saad niya at ngumiti
"Wew? Madami raw gagawin" pang-aasar ko
"Hahaha siyempre gusto ko makita ka" saad niya at ngumiti ng napakatamis
"Ate, tara bili na tayo ng ticket" saad niya
"Ah.... eh.... Angel, ikaw na lang ang sumakay bigla kasi akong kinabahan e"
"Ate naman e"
"Sige na Skylet, samahan mo muna siya" saad ni Liam
"Ah ok"
Bumili na si Angel ng ticket at naiwan sila Liam at Warren. Hihintayin na lang raw nila kami sa baba. Pagkatapos magsaya ni Angel sa pagsakay ng roller coaster, bumaba kami agad. Inalalayan naman ako ni Liam ng pababa na ako.
"Ah.... Kuya Warren, tara samahan mo naman akong bumili ng pagkain" aya ni Angel kay Warren
"Ah... sige sige, tara" saad ni Warren at agad na silang nawala sa paningin ko
Ahm.... Bakit feeling ko sinadya nilang iwanan kaming dalawa? Sobra tuloy akong kinakabahan mula ng iwanan nila kami.
"Skylet"
"Hmm.. bakit?"
"May gusto sana akong sabihin sayo"
"Ahmm.. ano naman 'yon?"
"Lapit ka sa akin, ibubulong ko sayo"
Lumapit naman ako at inilapat ko sa kaniya ang teinga ko.
"Ahm... alam ko naman kasi na ako na lang ang hinihintay mo"
Nagtataka akong lumayo ng kaunti sa kaniya. Ano bang gusto niyang sabihin? Naguguluhan na ako at sobra na akong kinakabahan.
"Ano bang sinasabi mo? Di kita naiintindihan"
"Alam kong ako lang 'yong hinihintay mong gumawa ng move"
"Huh? Ano? Di ko gets"
Nalilito na ako sa mga pinagsasabi niyang hinihintay. Ano ba talaga ang gusto niyang sabihin at bakit di niya na lang i-direct to the point. Nahihirapan akong intindihin.
"Na manligaw" saad niya at ngumiti ng malapad
Anong sabi niya? Man..... manligaw? Nagpapatawa ba siya? Ako liligawan niya? Oh sheyms, ba't sobra akong kinakabahan. Hmpft. Ano bang iniisip nito?
"Pwede bang manligaw?" bulong niya at ngumiti ng napakatamis
Bigla akong natameme. Ako, liligawan niya talaga? Antae ito ba 'yong dahilan kung bakit sobra akong kinakabahan?
"Ahm... pwedeng bigyan mo muna ako ng time?" diretso kong tanong
"Sige, ikaw bahala. Nirerespeto ko naman ang desisyon mo. Alam ko naman na...."
"Basta bigyan mo lang ako ng time" diretso kong sagot
"Maghihintay ako hanggang sa maging ready ka na" sagot niya at ngumiti
Napangiti ako sa sinabi niya. Di ko akalaing mayroon pa palang lalaking handang maghintay sa isang tulad ko.
Dahil sa parang awkward ang moment kanina para sa akin, iniba ko na ang topic. Natetense kasi ako sa mga ganung usapan. Atsaka first time kong maranasan 'yong scene na ganun. Never pa kasi akong nilapitan ng lalaki at tanungin ng ganung tanong kaya awkward para sa akin. Pero in fairness nakakakilig pala ang mga ganung usapan.

YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................