Paggising ko, agad kong kinuha ang phone ko sa side table. Iminulat ko ang isang kong mata. Inaantok pa kasi ako. Nang makita ko ang nasa screen ng phone ko agad akong napaupo.
Tae. 139 missed calls at 55 text messages. At lahat ng 'yan ay galing kay Liam. Problema nun?
Binasa ko lahat ng messages niya. Madalas sa text niya ay 'sagutin mo ang tawag ko" and 'yong last 3 messages niya ay 'bakit'. Napangiti naman ako sa message niyang iyon. Kahit 'bakit' lang 'yon, alam kong nakangiti siya ng i-type niya iyon. Hahaha ang assuming ko.
Nagtype ako ng message para sa kaniya. Para naman di na siya magtaka at para di na niya ako tawagan at i-text ng maraming beses.
To: Liam
Itanong mo sa akin 'yong gusto mong sagutin ko 😊 and don't forget 'yong dinner mamaya. See you 😊
send.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Nadatnan ko sina Mama, Papa at Angel na nagbrebreakfast na .
"Oh gising ka na pala. Halika na't kumain ka na" - Mama
Naupo na ako at kumuha ng pagkain.
"Ah Ma, Pa, may bisita nga po pala ako mamaya" panimula ko
"Mamayang?" tanong ni Mama
"Dinner. Dito po siya magdidiner"
"Ah sige"
"Sino ba 'yan anak?" tanong ni Papa
"Mamaya niyo na lang po malalaman" nakangiting sagot ko
"Mukhang alam ko na 'yan ate" nakangising tugon ni Angel
"Sshhh"
Natawa naman kami ni Angel ng sinyasan ko siyang itikum ang bibig niya.
Pagbalik ko sa kwarto, sakto namang nagring ang phone ko. Si Liam.
"Yes Liam?" bungad ko
"Sure na ba later?" tanong niya
"Oo naman, nasabi ko na kay Mama at Papa ko na dito ka magdidinner"
"Ah ok"
"Yep"
"Ahm... Skylet, pwede ko na bang itanong sayo?" nahihiyang tanong niya
"S-sige ba"
"Skylet pwede bang manligaw?"
"Y-yes. Sige later na lang bye"
Cinall end ko agad at nagtakip ng unan sa mukha.
"KYAAA....." sigaw ko
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................