Chapter 11:

10 0 0
                                    

          Natapos ang recognition na sobrang saya ko dahil nakakuha ako ng medalya. Isa ako sa mga estudyanteng with honors. At di ko inakala iyon.

          Nagcelebrate kami sa bahay. Kumain. Kwentuhan. Tawanan. Biruan. Ang saya. Sobrang saya ko. Pero.... nalulungkot din ako dahil maaaring ito na ang huling pagkikita at makasama siya. Bakasyon na kasi ngayon.

          Bakasyon na. At bored na bored na ako sa bahay. Gusto kong lumabas pero saan naman ako pupunta? Kila Ali? Nasa Lingayen naman siya. Rica? Nagbabakasyon siya sa Bulacan. Si Tere kaya? Ang alam ko di 'yon nag out of town. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya.

"Hello Skylet?"

"Tere, free ka ba ngayon?" tanong ko

"Hindi e, kasama ko si Mamang"

"Ay ganun ba? Sayang naman" panghihinayang ko

"Bakit ba?"

"Labas sana tayo. Bored na bored na kasi ako dito sa bahay e"

"Wala e, I'm not free today. Ahm... si Liam, tawagan mo"

"Sira. Busy 'yon ngayon panigurado. Atsaka ako pa tatawag? Hmpft. Tae. Ayaw ko nga"

"Yiieee... so gusto mong siya talaga ang tumawag sayo?"

"Ofcourse naman. Babae ako nuh"

"Ay sus! Kung tinawagan mo na siya"

"Ayaw ko nga. Oh siya siya, sige na baka nakakaabala na ako sayo"

"Oo, sinabi mo pa hahahaha char lang"

"Loka ka"

"Sige bye na"

"Bye. Ingat. Miss you"

           Pagkatapos naming magchikahan ni Tere, ramdam ko na naman ang boredom. Haist. Nakakasawang tumitig sa t.v buong magdamag.

           Pumasok ako ng kwarto at humiga. Nakatitig lang sa kisame. Naghihintay na may mahulog na butiki pero asa naman akong may mahuhulog. Grabe nakakamatay ang boredom.

            Papikit na sana ako ng magring ang phone ko. Napangiti ako. Sa wakas at may makakausap na ako. Pampawala ng boredom at katahimikan sa oras na ito.

            Dali-dali kong ini-abot ang phone ko baka kasi magcall end na. Pagkakita ko sa screen.......... di ko alam kung sasagutin ko ba o hindi pero parang may sariling utak ang kamay ko at sinagot ang tawag.

"Hello Skylet?"

           Bigla akong natigilan.

"Skylet? Andiyan ka ba?"

"Ah... oo hehehe" nahihiya kong tugon

"Kumusta ka na?"

"I'm fine pero bored na bored na ako dito sa bahay. Ikaw ba?"

"Ok lang naman medyo busy lang, gusto mo bang puntahan kita dyan?"

"Ah..... naku hindi, hindi na. Busy ka di ba?"

"Oo pero-"

"Ano ka ba, ok lang ako. Sanay naman akong ganito lagi ang bakasyon ko hehehe"

"Pwede ko namang ituloy na lang bukas ang ginagawa ko para samahan ka ngayon"

"Hindi. Ok na talaga ako. Mabuti nga't napatawag ka at ng may makausap ako"

"Ayaw mo bang samahan kita?"

          Ba't ba ang kulit niya ngayon? Pero in fairness kinikilig ako. Hahaha ang landi.

"Di naman sa ganun, di ba sabi mo medyo busy ka? So dapat unahin mo muna 'yang ginagawa mo kaysa sa akin"

"E gusto ko ikaw unahin ko. Syempre mas priority kita"

           Anong sabi niya? Priority niya ako? Yieee.... ene be Liam  kenekeleg teley eke. Hahaha watda ef.

"Oy Skylet"

"Hmm...?"

          Narinig ko siyang tumawa. Anong problema niya at tumatawa siya? May nasabi ba akong nakakatawa?

"Bakit ka tumatawa?" naiirita kong tanong

"Wala lang" sagot niya at tumawa ulit

"Hoy Liam! Ako ba pinagtritripan mo?" naiirita ko muling tugon sa kaniya

          Tumigila naman siya sa pagtawa. Iniinis ba ako ni Liam? Kanina lang pinakilig ako tapos ngayon pinagtatawanan naman ako ngayon. Ano bang nangyayari. Naiirita na ako.

"Di ah, natawa lang ako ng di ka magreact sa sinabi ko kanina"

          Huh? Anong........ ay tae! Kaya naman pala pero bakit parang tuwang tuwa siya.

"Skylet?"

"Ah sige Liam, tinatawag na ako ni Mama. Sige bye"

"Bye-"

          Di ko na siya pinatapos magsalita, pinatay ko na agad. Di naman talaga ako tinaapwag ni Mama, ayaw ko lang talaga na mahalata niyang kinikilig ako kanina. Ang shunga ko kasi.

          Kainis, bakit ba kasi niya ako tinawagan atsaka........ tama, si Tere. Siguradong si Tere ang nagsabi na tawagan ako ni Liam kanina.

          Dali-dali kong hinanap sa phonebook ko ang pangalan ni Tere at dinial ito.

"Oh Skylet-"

"Ba't mo sinabi kay Liam na tawagan ako" direso kong tugon

"Huh?" pagtataka niya

"Wag ka ng magmaang-maangan pa Tere, grabe alam mo bang napahiya ako sa kaniya at-"

"Ano bang sinasabi mo? Tumawag sayo si Liam? Bakit? At anong kinalaman ko dyan? Ni di ko nga magawang tawagan sina Ali at Rica, pati nga ikaw e. Sinasagot ko nga lang ang tawag mo dahil wala akong load"

"So.... it means...."

"Yep, di ko alam ang sinasabi mong tinawagan ko si Liam"
"Ah hehehe sorry akala ko kasi"

"It's ok pero ayiiieee.... Ba't tumawag siya sayo?" kinikilig niyang tanong

"Huh? Ah... eh... wala nangamusta lang naman"

"Weh? Wag ka nga, sabi mo kanina napahiya ka. Anyare ba?"

          Sa sobrang pangungulit niya, kwenento ko sa kaniya simula ng tumawag si Liam hanggang sa nagsinungaling akong tinatawag ako ni Mama. Aba'y kinikilig ang lola niyo. At sinisi pa talaga ako sa katangahan ko kanina. Buti nga raw tinawanan ako ni Liam.

         Pero nakakapagtaka ang naging reaction ni Liam kanina. Lalo na ang pagtawa niya. Parang iba. Hindi ko nga lang alam kung bakit iyon naging iba para sa akin. Feeling ko kasi may iba talaga e.

          Kinakabahan ako sa tuwing naaalala ko ang pagtawa niya. Kakaiba talaga.

BiroWhere stories live. Discover now