It's Sunday! And of course it's Liam day hahaha char. Kanina pa siya nandito bago pa man umalis sina Mama at Papa. Kaming apat lang nila Angel, Liam, Ako at si Manang ang nasa bahay.
Naglalaro sila Angel at Liam ng PSP sa sala samantalang ako nagpreprepare na para magluto for lunch. I will cook sinigang na bangus.
By the way, 'yong nangyari sa pagitan namin ni Sheena last friday, muntik na akong mabuking buti na lang at nakapagpalusot ako kay Liam at sa mga best friends ko. Hindi nila alam ang nangyari. Ayoko namang magkaroon pa ng gulo kapag sinabi ko sa kanila atsaka kaya ko naman si Sheena e. Wala lang sa akin ang mga sinabi niya tungkol kay Liam.
Habang nagpreprepare ako sa pagluluto ng lunch namin, kumuha ako ng juice sa ref at sinerve sa kanila. Nadatnan ko silang nagtatawanan.
"Masyado 'ata kayong nag-e-enjoy na dalawa" saad ko at inilapag sa mesa ang dala ko
"Hindi naman" sagot ni Liam
"Hindi nga halata hahaha... Angel, kumuha ka ng mga chips sa kwarto ko. Sa may cabinet ko" utos ko kay Angel
Sinunod naman agad ako ni Angel. Basta pagkain, si Angel agad ang mangunguna. Napatingin naman ako kay Liam dahil feeling ko may tumititig sa akin at di nga ako nagkamali. Nakatitig nga siya sa akin.
"Bakit? May dumi ba ako sa -"
"Wala, ang ganda mo talaga Skylet"
"Bolero"
"Totoo nga. Hindi lang maganda, sobrang maganda" saad niya at ngumiti ng nakakaloko
Natawa naman ako. Mukha siyang ewan pero ang cute niya.
"Oo na dyan. Sige na hintayin mo na lang si Angel. Magmeryenda muna kayo habang nagluluto pa ako" saad ko at aalis na
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"Dito ka na lang, si Manang na ang bahalang magluto" saad niya at nagpout
"Hahaha ang cute mo"
"Gwapo kaya ako"
"Oo na po"
"So dito ka na?"
"Hindi"
"E ano? Sabi mo oo" saad niya at nagpout ulit
"Hmpft. Sumang-ayon lang ako sa kagwapuhan mo"
"Di ka na lang kasi please..." nakapout pa rin siya
"Sige na, magluluto na ako..."
Binitawan niya na ang kamay ko.
"... Angel, dalian mo naman dyan. Huwag mo namang ubusin ang stock ko"
Di na ako lumingon pa sa kaniya dahil baka maawa pa ako sa kaniya at magstay na lang dito sa living room kasama niya.
Pagdating ko sa kusina, tapos na ni Manang i-prepare ang mga sangkap at mga utensils na gagamitin ko. Para makumpleto ang pagluluto ko, nagplay ako ng music sa aking phone.
🎵 Pag-ibig ko sayo'y totoo
Ni walang halong biro
Kaya sana'y paniwalaan mo
Ang pag-ibig kong ito 🎵
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................