Maggagabi na pero nandito pa rin si Liam. Dumating na rin sina Mama at Papa.
Nanunuod lang kaming dalawa ng t.v, sila Mama't Papa at Angel ay nasa kusina. Di ko alam kung anong oras siya uuwi. Ayoko namang tanungin baka isipin niya na pinapauwi ko na siya. Kaya heto kami tahimik lang.
"Tara" aya niya
Hmpft. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Tara sa may kanto, 'yong ihawan doon" paliwanag niya
"Ah pero-"
"Magpapaalam tayo"
Tumango ako at nagtungo kami sa kusina kung nasaan sina Mama.
"Tito, Tita, pwede po ba kaming pumunta sa kanto?" tanong niya
"Hmm.. bakit naman?" tanong ni Mama
"Bibili lang po sana kami ng streetfood"
"Oh sige, basta umuwi kayo agad at mag-iingat kayo" bilin ni Papa
"Thank you po" - Liam
"Sige Ma, Pa, alis na kami" paalam ko
"Ate , isaw haa"
"Yah yah" sagot ko
***
Pagdating namin sa ihawan, bumili agad siya. Gutom na daw kasi siya. Ang takaw niya! Anyway, nakaupo lang kami sa may pavement habang kumakain ng isaw, tokneneng at iba pang street foods."Skylet say ah" saad niya sabay subo ng tokneneng
Ayiiee so sweet talaga ng boyfriend ko, I'm so kinikilig na talaga sa kaniya.
Nagsubuan lang kaming dalawa habang nagtatawanan sa mga corny niyang jokes. Actually, tawang tawa ako sa mga corny jokes niya dahil sa face expression niya.
"Skylet, tawang tawa ka talaga sa mga joke ko nuh"
"Hahaha di ah, ang corny kaya ng mga joke mo"
"Wew? Tawang tawa ka nga e"
"Hahaha tawang tawa sa face expression mo" sagot ko at tumawa
"Tss. Sobrang gwapo ko naman para pagtawanan"
"Oo na dyan, tatahimik na ako"
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
"Anyway Skylet, may gusto nga pala akong itanong sayo"
"Hmpft. Ano naman 'yon?"
"Naranasan mo na bang masaktan at lokohin?" seryoso niyang tanong
"Huh? Hindi pa, ba't mo naman natanong?"
"Wala lang. Ilan na bang naging ex mo?"
"Wala pa. NBSB ako noon bago maging tayo"
Nakita kong nagulat siya. Gulat na gulat pero naglaho rin iyon.
"Ako palang ang naging boyfriend mo?"
"Oo kaya nga di ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko kapag sinaktan at niloko ako"
"Ah..." patango-tango pa siya
"Atsaka sigurado naman ako na di mo ako lolokohin, di ba?" nakangiti kong tanong sa kaniya
"Ah... oo naman. Pangako 'yan... " saad niya at sinubuan ako muli ng isaw
"... pero kunwari niloko kita, anong gagawin mo?"
"Gagawin ko?... Hindi ko alam ..." sagot ko habang nakatingin sa malayo
"... pero ang alam ko lang ay sobra akong masasaktan"
"Bakit naman?"
"Dahil sobra kitang mahal... na higit pa sa buhay ko"
"Ganun mo ako kamahal?"
"Oo, handa kong gawin ang lahat para sayo" seryoso kong sagot
"Mukhang napakaseryoso na ng usapan natin. Tara uwi na tayo baka hinahanap na tayo" saad niya at ginulo ang buhok ko
Tumayo siya at inilahad ang kaniyang kamay. Inabot ko naman ito at tumayo.
"Liam"
"Oh?"
"Di mo naman gagawin 'yon di ba?"
"Oo naman, hinding hindi ko gagawin 'yon, pangako. Mahal na mahal kita" saad niya at hinalikan ako sa noo
"Mahal rin kita"
Naglakad na kami habang nakaholding hands. Sa tuwing hawak niya ang kamay ko, ramdam kong safe ako. Sobrang caring niya kaya sobra ko siyang mahal. I can do everything for him. Ganun ko siya kamahal.
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................