Chapter 8:

2 0 0
                                    

          Late na naman siya. Hmpft. Maaga akong pumasok tapos siya late, ang daya! Pagkarating niya nginitian niya ako at tumabi siya sa akin.

"Ah.... 'yong mga reviewer ko, hiramin mo muna para makapagreview ka...." saad ko at ini-abot ang mga reviewer ko

"... magreview ka haa para mataas ang makuha mo sa exam"

"Opo" sagot niya

          Habang tinitignan niya 'yong mga reviewer na ibinigay ko sa kaniya, nakatitig lang ako ng nakangiti. Ito na naman ako sa pagngiti-ngiti.

"Ah siya nga pala, pumunta ako kagabi sa carnaval. Di kita makita"

"Pumunta ka kagabi?"

"Oo"

"Sinong kasama mo?"

"Sina Warren at Carl"

"Ah ok. Bakit ka pumunta kagabi?"

"Wala, gusto lang sana kitang makita kaso di ka 'ata pumunta"

"Hahaha di ako pumunta, tinatamad ako kagabi atsaka may pasok"

"Ah.... may sinabi sa akin si Carl"

"Huh? Ano naman?" tanong ko

"May nanliligaw raw sayo" diretso niyang sabi

"Huh? Sino naman?" nagtataka kong tanong

"'Yong laging pumupunta sa inyo"

"Hmpft?.... si Kuya Billie?"

"Ewan basta 'yong sinasabi ni Carl at Jay-ar"

"Hahaha siguro siya nga. Di ko siya manliligaw. Atsaka walang nanliligaw sa akin" saad ko habang nakatingin sa kaniya

"Subukan niya lang"

"Hala! Sira ka talaga" saad ko at tumawa

"Pero seryoso, subukan niya lang talaga"

          Kinakabahan tuloy ako sa sinabi ni Liam. Di naman talaga nanliligaw si Kuya Billie, kuya lang rin siya para sa akin. Dumadalaw lang siya sa bahay kasi close sila ni Mama. Atsaka kapit bahay lang naman kasi namin siya.

          Pero in fairness nakakatuwa 'yong reaction at sinabi niya. Di ko ini-expect 'yon. Para siyang protective at parang nagseselos. Hahahaha ang assuming ko pero parang lang naman.

"Ah..... Skylet, every saturday ka lang pumupunta sa carnaval di ba?"

"Ahmm... Oo, bakit?" nagtataka kong tanong

"Tuwing saturday ang dalaw" sagot niya habang nakangiti

          Huh? Anong ibig niyang sabihin? Dalaw?...... Ay tae! Gets ko na. Si Liam talaga kung ano-anong naiisip. Pwede naman niyang sabihin na araw ng pagkikita namin kesa naman sa dalaw. Ano ako, preso? Loko talaga siya. Pero napapangiti na naman ako. Tae, ano ba!

          Di kami sabay umuwi dahil nagbabasketball pa siya at ako naman ay gustong gusto ko ng umuwi dahil inaantok na ako. Nagpaalam naman ako sa kaniya at pinayagan niya naman ako na umuwi na.

          This afternoon, wala pa rin kaming klase kaya nagsoundtrip na lang kami. Siya ang nagpapatugtug at langya dahil agad agad niyang plinay 'yong kantang may lyrics na 'ang pag-ibig ko sayo'y totoo, ni walang halong biro'. Napapangiti na lang ako sa tuwing kinakanta niya at sa tuwing pinapatugtug niya iyon. Ewan ko ba pero parang 'yong kanta na iyon ay nagsisimbolize ng connection naming dalawa ni Liam.

BiroWhere stories live. Discover now