Isang buwan na ang lumipas ng itext iyon ni Liam. Dati pa rin naman. Tumatawag siya ng apat na beses sa isang araw. Tinetext at chinachat niya ako kapag may pinapaalala siya. Lalo na kapag time na para magbreakfast, lunch, meryenda at dinner.
Natatawa na lang ako kapag paulit-ulit na 'yong sinasabi niya. 'Yong tipong memorize ko na ang mga sinasabi niya. Minsan nga sinasabayan ko pa siya. Tumatawa na lang siya.
"Skylet, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Mama
Napatingin naman sina Papa at Angel sa akin. Kasalukuyan kasi kami nanunuod ngayon ng horror movie. Family bonding naman raw kami suggest ni Angel kaya heto kami nagmomovie marathon.
"Ate, di ko napansin na may nakakatuwa scene sa pinapanuod natin"
"Oo nga anak" sang ayon ni Papa
"Ah... e... may naalala lang po" nakangiti kong sagot
"Madalas na yata ang pagngiti mo anak" saad ni Mama
"Ma, manuod na lang tayo oh" pag-iiba ko
"Skylet, 'yong pagngiti-ngiti mo haa, paalala lang. Iwas iwasan mo 'yan at baka kung ano amg isipin ng iba lalo na kapag nasa labas ka ng bahay"
"Opo Ma"
Nawiwerduhan na 'ata ang pamilya ko sa mga nangyayari sa akin. Pero pati ako ay nawiwerduhan na rin sa aking sarili. Di ko alam kung bakit pero mukhang epekto 'ata ito ni Liam.
Pagkatapos naming magmovie marathon, pumasok na ako sa aking kwarto. Naligo at nag ayos na ako ng aking sarili. Umupo ako sa study table at binuksan ang laptop ko.
Nagtext kasi si Ali na magskype raw ako kaya 'yon nga ang ginawa ko. Nagskype kaming apat nila Ali, Rica at Tere.
"Anong ganap?" sabay nilang tanong sa akin
"Wow! Di niyo naman siguro prinaktis at plinano 'yan"
"Hahaha so ano na nga?" tugon ni Ali
"Anong ano?" pagtataka ko
"Ay shunga" saad ni Rica sabay hampas sa noo niya
Natawa naman kaming tatlo sa ginawa niya.
"Ano ba kasing-"
"Tungkol sa inyo ni Liam" sabat ni Tere
"Huh?"
"Antagal, ano na" reklamo ni Ali
"Still"
"Ngek, bakit?" - Rica
"Time?"
"Anong time? Orasan?" naguguluhang tanong ni Ali
"Oo time, I need more time"
"Hoy! nasa Pinas tayo, magtagalog ka" - Rica
"Hahaha sira"
"Pero bakit?" - Tere
"Ayoko pa? Di pa ako ready? Ewan..." naguguluhan kong sagot
"Ano bang tinitibok ng puso mo?" - Tere
"Ah... e... ewan?"
"Hoy Skylet! Ayos ayusin mo ang sagot mo ng di kita mabatukan" banta ni Rica
"Parang kaya mo naman, e ang layo mo sa akin"
"Pagdating ko humanda ka pero ano na nga"
"Parang ano kasi..."
"Kasi?" - Tere
"Pabitin bes?" - Ali
Dapat ko bang aminin na? May dapat nga ba akong aminin?
"Oy" - Rica
"Gusto ko na siya" wala sa sarili kong tugon
"Kyaaaa..... Ayiiiieee..." sigaw nila
"Ang ingay niyo naman"
"Ayiiee magkakalovelife na siya" - Tere
"Yes sa wakas gragraduate na si ateng sa pagiging valedictorian bilang NBSB" natatawa ngunit kinikilig na sabi ni Rica
"So.. pinayagan mo na siyang manligaw?" - Ali
"H-hindi pa hehehe"
Natahimik sila. Nagtataka. Di makapaniwala sa sinabi ko. Kitang kita sa mukha nila ang disappointment.
"WHAT?" - Tere
"Bakit?" - Ali
"Ay tanga" - Rica
"Grabe Rica, tanga na agad? agad agad?" inirapan ko nga siya
"Hahaha medyo"
"So bakit nga?" - Ali
"E ngayon ko pa lang naman inamin sa sarili ko na gusto ko na nga siya"
"Hay naku! So kailan mo sasabihin sa kaniya?" - Tere
"Ewan?"
"Sira ka na talaga. Haist." - Rica
"Hmpft. Sige na, bye na. Tinatawag na ako ni Mama" pagsisinungaling ko
Shinut down ko agad ang laptop ko. Ewan ko ba kung bakit. Tae! Inamin ko na. Ano ng mangyayari? Dapat ko na nga ba siyang payagan?
***
Pagkatapos kong magdinner pumasok agad ako sa kwarto. Naupo sa kama at nagsimula ng magtype ng message.To: Liam
Punta ka ng bahay bukas. Dinner time.
send.
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................