Pagkatapos ng dinner namin, nagpunta sina Papa at Liam sa sala and doon itinuloy ang kwentuhan nila. Naiwan naman kaming tatlo nila Mama at Angel sa kusina para maghugas ng mga pinggan.
"Ma, ano pasado ba sa inyo si Liam?" nakangiti kong tanong
"Hmm... mukhang di ka naman sasaktan kahit gwapo siya kaya oo atsaka 'yong mga sinabi niya kanina ay magandang nais niya para sayo kaya naniniwala ako na tamang pinayagan namin siya ng Papa mo"
"Thank you Ma" saad ko at niyakap siya
"Ah... Ma, may dadalhin rin po ako dito sa bahay" singit ni Angel
"Naku naku Angel, tigilan mo 'ko. Bata ka pa para magpaligaw"
"Ma, naman nagjojoke lang e"
Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Angel.
"Ate, alam mo bang binigyan rin kami ni Kuya Liam ng flowers ni Mama"
"Wew? talaga?"
"Oo, nasa kwarto nga 'yong akin at ganun rin kay Mama"
"Ah... e kay Papa?"
"Hmm... champagne ata 'yon"
"Oo, champagne 'yon" saad ni Mama
"Ang bait ni Kuya Liam, Ma nuh"
Tumango naman si Mama at napangiti ako. Ang sarap sa feeling na pinayagan kang magpaligaw at pati na rin ang lalaking gusto mo na manligaw sayo. Sobrang saya ko.
After naming maghugas ng pinggan, dumiretso kami sa sala kung nasaan sina Papa at Liam. Nagkwekwentuhan pa rin silang dalawa.
"Liam, di ka pa ba uuwi? Gabi na" tugon ni Mama
"Uuwi na po, hinintay ko lang po kayong lumabas para naman makapagpaalam po ako ng maayos"
"Ah ganun ba?"
"Opo"
"Sige Liam, sa susunod na pagpunta mo dito, agahan mo para makapagkwentuhan tayo ng mahaba haba" saad ni Papa at ngumiti
"Ah sige po Tito..." sagot naman niya at ngumiti rin
"... Tita, Tito at Angel mauuna na po ako. Salamat po sa pagpayag niyo sa akin na manligaw at salamat rin po sa masarap na dinner"
"Salamat rin iho" sagot ni Mama at Papa
"Ma, Pa, ihahatid ko lang po si Liam sa labas"
"Sige. Liam, mag-ingat sa pag uwi" paalala ni Mama
"Opo, thank you po" nakangiti niyang sagot
Lumabas na kami ng bahay ni Liam.
"Ah... Liam, thank you sa mga regalo mo sa pamilya ko"
"Wala 'yon basta ikaw"
"Atsaka thank you rin sa pagpunta mo dito at pagpaalam sa parents ko na...."
"Syempre, kung ano ang gusto mo susundin ko"
"Thank you talaga"
"No problem, ikaw pa" saad niya sabay kindat
"Hahaha oo na dyan. Sige na uwi ka na, anong oras na oh"
"Sige bye"
"Bye, ingat ka"
"Opo Ma'am" saad niya at naghand salute pa
Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaandar na ito. Ako naman ay pumasok na sa loob at dumiretso na sa aking kwarto. Wala naman na sila Mama't Papa sa sala.
Kinuha ko ang phone ko at tinext ang tatlong best friends ko na magskype kami para magkwentuhan. Nagpalit ako ng pantulog na damit at pumwesto sa kama ko. In-open ko ang laptop and nakita ko ang mukha nilang tatlo na excited.
"Hey!" bati ko at sumimangot
"Oy, bakit ganyan itsura mo?" - Rica
"Anyare?" - Tere
"Hoy Skylet!" - Ali
"E kasi..."
"Kasi ano?" - Rica
"Pumunta siya sa bahay"
"WHAAT?" sigaw nilang tatlo
"Nagpaalam na siya girls" nakangiti at kinikilig kong sabi sa kanila
"KYAAA.... ayiiee"
"Oy kalma, di pa kami"
"Hahaha kahit na, papunta na rin doon 'yon" - Rica
"Masyadong excited? Malay mo hindi"
"Batukan kita gusto mo?" - Ali
"Hahaha joke lang"
"So, anong sabi nila Tito't Tita?" - Tere
"Ayon pinayagan siya at sabi ni Papa, sa bahay siya manligaw. And you know girls, close na sila ni Papa" kwento ko
"Ayiiee Alam na this" - Ali
"Boto sila, halata na" - Rica
"For sure" - Tere
"At alam niyo bang binigyan niya ako ng bouquet flowers pati na rin sila Mama at Angel"
"Wow naman ang yaman ni Liam" - Rica
"E anong dala niya para kay Tito?" tanong ni Tere
"Champagne hahaha"
"Pasikat si Liam ah... Pasado na" - Ali
Natawa naman kaming apat. Pare-pareho kaming kinikilg sa mga kwenekwento. Tanong sila ng tanong at ako naman ay natatawang sumasagot. Kwenento ko lahat ng nangyari. Wala akong kinalimutang i-kwento sa kanila kahit na maliit na detalye. Detalyadong detalyado ang bawat kwento ko sa kanila.
Di ko mapigilang ngumiti sa harapan nila. Di ko ine-expect na ganito pala ang feeling. Sobrang saya.
Paano kaya kung kami na, anong kilig na ang mararamdaman ko? Ngayong nanliligaw pa lang siya e, sobra na kung kiligin ako, whatmore pa kaya kung maging kami......... Ayiiiee. Hart ❤ Hart na 'to! ❤
![](https://img.wattpad.com/cover/109950238-288-k402038.jpg)
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................