"Girls, una na ako haa" paalam ko
"Yeah" - Tere
"Nakakaselos na talaga" - Rica
"Sinabi mo pa pero well masaya naman kami para sayo" - Ali
"Yiieee nagseselos na ang mga best friends ko. Ano ba kayo, di ba sabi ko naman sa inyo na mahal ko kayo pero -"
"Sige try mong ituloy 'yang sinasabi mo at ng mabatukan kita" pagbabanta ni Rica
"Hehehe sabi ko nga mas mahal ko kayo" saad ko at nagpeace sign
"Sige na, alis na. Hinihintay ka na ni Liam. Shoo" pagtataboy ni Rica
"Grabe na haa, masakit na" nakasimangot kong tugon
"Hahaha char lang naman. Sige na bye"
"Tsk. Sige na bye! Bawi na lang ako next time" saad ko at bumeso sa kanila
"Ingat" saad nila
"Yah, kayo rin"
Pagkalabas ko ng room, nakita kong nag-uusap sina Kana at Liam. Napatingin sa akin si Kana at ngumisi. Tumingin rin naman si Liam sa akin at ngumiti. Nginitian ko rin siya.
"Sige Liam, una na ako. Bye" paalam ni Kana
"Sige ingat" saad ni Liam at lumapit sa akin
Kinuha niya ang bag ko at naglakad kami habang naka HHWW palabas ng school. Gusto ko siyang tanungin kung bakit magkausap sila ni Kana kanina. Hindi naman sa nagseselos ako, curious lang ako kung bakit sila magkausap. Kaya kahit nahihiya ako, tatanungin ko na.
"Liam, anong pinag-usapan niyo ni Kana?"
"Bakit selos ka ba?" biro niyang tanong
"Di ah, curious lang"
"Aww akala ko selos ka. Hmpft" pagdradrama niya at nagpout
"Hahaha ang cute mo" saad ko sabay pisil sa pisngi niya
"Cute na gwapo pa" pagmamayabang niya
"Oo na dyan, pero ano nga?"
"Ah 'yon ba? wala, nagtanong lang siya"
"Ah... ok"
Naglakad lang kami ng naglakad hanggang nilagpasan namin ang kantong pauwi sa amin. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Meryenda muna tayo doon" saad niya at itinuro ang isang ihawan
"Ok" tipid kong sagot
Kumuha siya ng isaw, kwek kwek at palamig. Iniabot ko naman sa kaniya ang bayad ko pero di niya kinuha. Libre daw niya.
Nagkwekwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa mapadpad ang topic namin kay Kana.
"Di ba best friend mo si Kana?" bigla niyang tanong
Nafreeze ako sa tanong niya. Di ko tuloy magawang nguyain ang kinakain kong isaw. Paano napunta ang topic namin kay Kana?
"Huh? Ayaw kong pag-usapan Liam" nakasimangot kong sagot
"But.. ok fine"
"I'm sorry"
"Don't be, 'coz I'm the one who would say sorry"
"Hahaha lets not talk about it"
Tumawa ako ng peke at iniba ang topic. After naming magmeryenda, hinatid niya na ako sa bahay. Nagstay naman siya sandali at umuwi na rin.
Masaya ako sa nangyari kanina kahit nabanggit niya ang ayaw kong marinig. Ewan ko ba, affected pa rin ako sa nangyari noon kahit na isang taon na ang nakalipas. Di ko maiwasang masaktan at di manghinayang.
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................