"Pst"
"Oh?"
"Wala"
Tss. Nagsulat na lang ako ulit at di siya pinansin. Kanina pa siya nangungulit. Tatawagin niya ako tapos kapag tumingin o tinatanong ko na siya, lagi niyang sagot 'Wala'. Tinotopak na ba ang boyfriend ko? Naku! Wag naman sana. Gwapo pa siya para topakin. Hehehe
"Skylet" tawag niyang muli
Hay! May problema ba siya? Feeling ko may gusto siyang sabihin kaya lang nahihiya or..... aba malay ko sa kaniya.
"May sasabihin ka ba Liam?" tanong ko
Nakaharap lang ako sa kaniya habang hinihintay siyang sumagot.
"Ah... e... pwede bang hindi muna kita maihahatid sa inyo ngayon, kasi may....... pinapabili si Mama sa akin"
"Oo naman" nakangiti kong sagot at nagsulat muli
"Sure ka? Ok lang sayo?"
"Ok lang, si Tita ang nag-utos sayo na bumili ng kailangan niyang ipabili sayo kaya don't worry"
"Thank you pero Skylet, pwede na rin ba akong mauna na?"
"Sige, para di ka matraffic pag-uwi"
"Mag-isa mo lang pero"
"Ok lang. Babalik naman sila Ali dito. Nasa cafeteria lang sila, bumibili ng pagkain" nakangiti kong sagot
"Oh sige, mauna na ako. Mag-iingat ka sa pag-uwi haa, mamahalin pa kita" saad niya sabay kindat
"Hahaha antae! Opo, ingat ka rin" sagot ko
"I love you" sweet niyang sabi at hinalikan ako sa noo
"I love you too" sagot ko naman
Umalis na siya at naiwan na akong mag-isa. Ok lang naman na mauna na siyang umuwi dahil para naman makapagchikahan pa kami ng mga best friends ko. Miss ko na rin kasing sabay kaming lumabas ng gate. Dati kasi ganun kami pero ngayon minsan na lang kami lumabas ng sabay. Sa kadahilanang nga na may boyfriend na ako. Madalas kasing nagyayaya si Liam na maaga kaming umuwi kaya di ko na sila nakakasabay. Mabuti nalang at nauna siyang umuwi. Nakakalungkot rin naman pero ok lang dahil araw-araw naman kami nagkikita at hatid sundo naman niya ako.
Kasalukuyan nga akong mag-isa sa room habang nagsusulat. Uwian na pero heto pa rin ako at nagsusulat. Di ko pa kasi tapos 'yong pinasulat ni Ma'am Carlos kanina kaya nagrarush ako ngayon.
Maya-maya pa'y dumating na ang tatlong best friends ko.
"Nasaan na si Liam?" tanong ni Tere
"Nauna na -"
"Naku! Bata pa siya" sabat ni Rica
"Baliw! Nauna lang siyang umuwi kasi may pinabibili si Tita sa kaniya" sagot ko
"Mabuti naman para masolo ka namin" - Ali
"Hahaha sira"
"Nakakamiss kasi 'yong tayo-tayo lang na apat" - Tere
"Kaya nga. Minsan na lang ito mangyari" - Rica
"Tss. Nagdradrama na naman po ang aking mga best friends" saad ko
"Oy di ah sadyang -"
"Opo na. Miss ko rin ang ganitong sitwasyon natin"
"Kaya nga dalian mo at magbabonding na tayo" - Rica
"Oo na, kayo na mabilis magsulat" sarcastic kong sagot
"May tanong ako Skylet" - Ali
"Hmpft?"

YOU ARE READING
Biro
Novela JuvenilManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................