Simula kahapon hanggang ngayon, di pa rin tumitila ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata. Gusto ko mang pigilan ngunit sa tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon ay di ko magawa. Hanggang ngayon ay di niya ako pinapansin. Ilang beses niya akong dinedma na para lamang hangin na dumaan sa kaniya.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa amin. Ok pa naman kami noong linggo pero bakit, parang bigla na lang kami nag-away ng hindi ko alam. Wala akong alam at maisip na rason para maging ganito kami ngayon. Nahihirapan na ako. Wala man lang siyang sinabi na rason upang iwasan ako, bigla na lang talagang ganito.
Para akong tangang ewan kakaiyak dito sa gilid ng field. Mugtong mugto na ang mga mata ko at wala akong pakialam basta ang alam ko lang, sobrang sakit. Sobra-sobra.
Sa kakaiyak ko, di ko namalayan na may tumabi na pala sa akin. Lumingon ako sa pwesto niya at nakita ko siyang ngumiti sa akin.
"Umiiyak ka na naman. Di ba sabi ko sayo -"
"Sobrang sakit e. Kahit anong gawin ko di ko mapigilan ang mga luhang ito"
"Ssshh... ito panyo oh, alam ko namang basang basa na 'yong panyo mo" saad niya at ini-abot sa akin ang panyo niya
Inabot ko naman ito at naalala ang nangyari kahapon. Inabutan niya rin ako ng panyo pagkalabas ko ng banyo. Nagulat pa nga ako pero bumuhos na naman ang mga luha ko ng makita ko si Liam na nakatingin lang sa amin at umalis rin agad.
"Joshua, bakit ganun? Bakit di man lang niya ako pansinin? Di *sniff* ko alam kung *sniff* anong nangyayari sa amin"
"Ssshh... tahan na. Baka naman may nahanap na siyang iba"
Naiyak na naman ako sa sinabi niya. Bwesit talaga siyang kausap.
"Joke lang. Binibiro lang kita para -"
"Di nakakatuwa 'yong joke mo" seryosong tugon ko
"Yeah alam ko, I'm sorry"
"Tsk"
"Tandaan mo lang lagi, mahal ka ni Liam"
"Pero bakit ganun siya sa akin?"
"Siguradong pinagalitan lang siya ni Tito"
"Hmpft. Paano ka naman nakasisigurado?"
"Kilala ko si Liam, nagkakaganyan lang 'yan kapag pinagalitan ni Tito"
Tumango tango lang ako. Pinipilit kong maniwala sa sinabi niya pero ayaw paniwalaan ng puso ko.
"Kaya tumahan ka na. Ang panget mo na oh. Mugtong mugto na ang mata mo"
"Ang sama mo Joshua"
"Di ah, honest lang ako" saad niya at natawa
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Honest daw? Wew? Napakaimposible pero thanks sa kanya dahil pakiramdam ko'y medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nabawasan ang pag-aalala ko sa mga nangyayari ngayon.
"Tara, magmeryenda muna tayo. Nagutom ako sa kadramahan mo" reklamo niya
Hinampas ko nga siya sa braso. Kainis talaga siya.
"Aray naman Skylet"
"You deserve it" saad ko at nagbehlat
"Binibiro lang naman kita e"
"Che" saad ko at tumayo na
"Tara na nga" saad niya at hinawakan ang kamay ko
Nafreeze lang ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam ang irereact ko. Tumingin naman siya sa akin na nagtataka. Napansin niya siguro ang di ko pag- imik.
"Oy, tara -"
"Ah... e... Joshua 'yong kamay ko" nahihiya kong tugon
Tinignan niya naman 'yong kamay naming magkahawak at nagkamot sa batok niya.
"Hahaha... ganun ba? Akala ko kasi ok lang na hawakan 'yong kamay mo dahil nasanay ka na laging hawak ni Liam ito, kaya naisipan ko na hawakan ito upang maramdaman mo kunwari ang kamay ni Liam" saad niya at binitiwan ang kamay ko
"Chinachansingan mo ata ako e" pagbibiro ko
"Hgnsjsfahau" bulong niya
"May sinasabi ka ba?"
"Wala. Sabi ko dalian mo dahil nagugutom na ako"
Aysus patay gutom talaga siya kahit kelan. Hahaha
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................