Chapter 25:

3 0 0
                                    

          Grabe nakakabagot ang araw na ito. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Ma'am Carlos. Di ako makapagfocus sa lesson niya. Sobrang tinatamad ako at gusto kong matulog.

          Ok lang naman siguro matulog, kahit sandali lang. Ngayon lang naman ako matutulog sa klase ni Ma'am kaya siguro first offense pa lang if ever man na mahuli ako.

          Nasa medyo last row ako kaya di siguro ako mahuhuli ni Ma'am. Inilagay ko na sa desk ko ang aking bag at inihiga ko na ang ulo ko sa ibabaw ng bag (may instant unan ako hehehe). Ready na akong matulog ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Matulog ka lang, hayaan mo di ka mapapansin ni Ma'am. I'm here" sweet niyang bilin sa akin

          Di ko alam ang isasagot ko. Nafreeze pa rin ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. I don't know how to react. Di na lang ako sumagot at ipinikit na lamang ang aking mga mata.

          Feeling ko I'm safe with his hand. 'Yong simpleng holding hands namin, ramdam ko na secure ako. Na walang mananakit sa akin habang hawak-hawak ang aking kamay. Gusto ko ganito na lang kami forever. Walang away. Laging masaya. Kakornihan. Sweetness niya. Sana wala na 'tong katapusan. I wish that he is my first and last man.

***
Cafeteria

          His so sweet. Paano ba naman, siya ang nag-oder ng food ko and my ghad! Gusto niya pa akong subuan. Syempre ako, ayoko. May kamay naman ako para magawa iyon. Kinulit niya pa ako pero 'No' lang ang sagot ko. Natahimik naman siya at kumain na lang kami. Susubo na sana ako ng.................

"Say ahhh Skylet" saad niya at isinusubo ang isang tinidor ng pasta

"Liam!" banta ko

"Sige na please" saad niya at nagpacute

"Awww... ang sweet" kinikilig na tugon ng tatlo kong best friends

"Tsk. Liam naman -"

"Ang arte mo bes, ikaw na nga ang sinusubuan" sabat ni Rica

"Oo nga naman Skylet" dagdag pa nila Tere at Ali

"Oo na, sige" saad ko

          Ayon nga, sinubuan ako ni Liam. Hmpft. Nakakahiya man sa mga estudyanteng nandito, no choice ako. Mabuti na lang mahal ko siya kung hindi...... wala lang. Hahaha

          Habang sinusubuan ako ni Liam napansin kong dumating si Kana at masama na naman ang tingin niya sa akin. Ano bang problema niya at panay masama ang tingin niya sa akin!? Tsk.

          Pagkatapos niya akong tignan ng masama, lumabas rin siya kasama ang mga alipores niya. Susubuan sana ako muli ni Liam ng may kinuha siya sa bulsa niya. Phone niya.

"Skylet, may nagtext sa akin. Pinapapunta ako sa Guidance Office ngayon"

"Ah... ganun ba? Bakit daw?" tanong ko

"Ewan ko, alis -"

"Gusto mo samahan ki-"

"Hindi na. Ako na lang. Pagkatapos niyong kumain dumiretso na kayo sa room, susunod na lang ako" saad niya

"Girls, alis muna ako" paalam niya sa tatlo

"Skylet, susunod rin ako haa. I love you" saad niya at hinalikan ako sa cheek

          Bago pa man ako makapagreact at sumagot sa kaniya ng 'I love you too', umalis na siya. Nagmamadali 'ata. Ano kayang gagawin niya sa Guidance Office? May kasalanan ba siya, kaya siya pinatawag?

"Pst. Ang sweet" - Ali

"Trueness, malanggam na nga e" - Tere

"May pa I love you at kiss sa cheek pang nalalaman. Antae! Inggit na ako" - Rica

"Ba't kasi kung may boyfriend na si Skylet, tsaka naman wala tayong boypren. Ang daya naman!" pagproprotesta ni Ali

"Mainggit kayo" saad ko at nagbehlat sa kanila

"Batukan kita, gusto mo?" banta ni Rica

"Agawin ko si L-"

"Try mo lang Ali at ng mabatukan kita" banta ko

           Tumawa silang tatlo. Baliw talaga ang mga ito.

"Ikaw naman jinojoke ka lang e" - Ali

"Ang damot haa" - Tere

"Ang cute mong tignan Skylet. You're blushing" pang-aasar ni Rica

          Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay. Nakakainis silang tatlo. Lagi na lang nila akong inaasar at pinagtutulungan. Hmpft.

          Mas lalo pa silang tumawa. Argh. Kainis naman. Grabe naman, pati ba naman ang pagiging inlove ko, binubully nila. Hmpft. Ang sama nila.

BiroWhere stories live. Discover now