Chapter 7:

5 0 0
                                    

          Masaya kong tinungo ang school dahil........ ewan ko? Hahaha masaya lang ako dahil monday ngayon. Maaga akong gumising ngayong monday kasi maaga raw siyang papasok. Bale usapan naming dalawa na maaga kaming papasok, ewan ko ba kung bakit basta parang nagdare lang kami. Baliw rin naman kami kasi kung kelan malapit na ang bakasyon tsaka lang kaming dalawa maagang pumasok. Hahahaha

          6:50 am ako umalis ng bahay at exactly 7:00 paakyat na ako ng aming building. Maaga ako masyado dahil wala pang katao-tao sa building namin kundi ako pa lang. Di ko maiwasang mapatingin sa aking wrist watch dahil sabi niya maaga siya pero 7:04 na, wala pa rin siya.

7:04.....

7:08.....

7:10.....
          Napatingin na lang ako ng makita ko ang isang lalaki na nakangiti ngayon. Pagkaakyat niya, ngumiti ako sa kaniya at ganun rin naman siya.

"Good morning" bati niya

"Good morning" bati ko rin

"Late ka, 7:12 na po" saad ko habang nakatingin sa wrist watch ko

"Di ah. Wala pa ngang flag ceremony e"

"Hmpft. Kahit na. Late ka pa rin. Sabi mo maaga tapos..."

"Anong oras ka ba nakarating?" tanong niya

"Exactly 7 o'clock paakyat na ako sa hagdan"

"Ang aga haa"

"Syempre, nakakahiya naman sayo no'ng friday"

          Natawa naman siya sa sinabi ko, pero nakakahiya naman talaga e, sobrang aga niya samantalang ako eight na 'ata ako pumasok no'n. Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay namin 'yong kaklase naming taga bukas ng pinto.

          Nagmovie marathon lang kami ngayon kasi wala na masyadong gagawin, parang free time namin na ngayon. Hay! Ang lapit na ng vacation. Hmpft. Anyway, maganda 'yong pinapanuod namin ang kaso nakakasuka kasi makikita mo talaga kung paano nila hatiin 'yong mga part ng katawan mo. Nang di ko na makayanan ang pinanunuod ko, lumabas ako ng room.

"Hey! Sky" tawag sa akin ni Ralph (isa sa mga schoolmate ko)

"Yep?" tanong ko

"Anong pinapanuod niyo?"

"The autopsy of Jane Doe. Why?"

"Wala lang. Bakit lumabas ka?"

"Nakakasuka kasi 'yong mga scene"

"Ah... ok thanks"

          After the movie marathon, nagkwentuhan kami ni Liam. Nakakatuwa nga kasi no'ng lumabas ako, kinuha niya 'yong bag ko at siya 'yong naghawak. Hay! Si Liam talaga. Napangiti tuloy ako that time.

"Skylet, pwede ba kitang yayain na lumabas?" nakangiti niyang tanong

          Natameme ako. Jusme! Di ko alam ang isasagot ko. Ang tae! Ano na naman ang naisip nito at ganito na naman siya magsalita. Di ko alam kung nagjojoke ba siya o hindi. Anong sasabihin ko?.........

"Ahmmm.... sige, kelan ba?"

"Sa vacation"

"Ah.... sure basta free ako"

"Ay grabe!" bigla naman siyang nagtampo

"Oo na. Basta sabihan mo ko kung kelan. Kunwari, next week 'yong alis natin dapat sabihan mo na ako ngayon para makapaghanda naman ako"

"Di mo na kailangang magpaganda kasi maganda ka na" saad niya

          Si Liam talaga, di naman 'yon ang gusto kong sabihin, 'yong bang makapag-ipon pa ako para sa araw na 'yon. Hay naku! Alam ko naman na maganda na talaga ako, siya pa nga ang nagsabi.

"Basta 'yon haa.... date" saad niya

          Ngumiti na lang ako bilang sagot. Makulit rin si Liam nuh? Pero in fairness, masaya ako kasi may nagyaya sa akin ng date at take note si Liam pa ang nagyayaya.

          Lumabas kami ng room para magpahangin ng makita ko si Ramil na hawak hawak 'yong moby na chocolate. Kanina ko pa siya kinukulit na kainin na namin pero ngayon pa lang niya binuksan. Ini-abot niya sa akin 'yong moby at aalis na.

"Oy Ramil oh" saad ko at ini-aabot  sa kaniya

"Hindi, sayo na 'yan"

"Sure ka?"

"Oo naman"

"Thank you" saad ko at ngumiti

          Habang kumakain ako nakita namin si Joshua na nagbabasketball. Tinignan ko si Liam na nakatingin ngayon kay Joshua na nagyayaya na maglaro sila ng basketball.

"Skylet, pwede bang maglaro ako ng basketball?" tanong niya sa akin

"Oo naman, bakit hindi"

          Ilalapag na sana niya 'yong bag niya sa loob ng room ng pigilan ko siya.

"Ako na ang bahala sa bag mo" saad ko

"Mabigat pero"

"Ako na. Akin na, ako na ang magdadala"

"Sure ka?"

"Oo"

          Ini-abot niya sa akin ang bag niya at isinuot pa sa akin. Nginitian ko na lang siya. Di naman mabigat 'yong bag niya. OA talaga si Liam.

"Andiyan 'yong pamunas sa loob ng bag, gamitin mo" saad niya habang kumakain ako

"Uhm" sagot ko

"Sige, maya na lang" saad ko

"Thank you" saad niya

          Bumaba na siya ng building at ako naman pumasok na sa loob ng room na parang si Dora. Ang cute ng bag niya. Bagay na bagay sa uniform ko.

"Bakit na sayo ang bag ni Liam?" nagtatakang tanong ni Marshall (one of my classmate)

"Wala lang, naglalaro kasi siya ng basketball" sagot ko

          Napatingin ako sa mga bestfriends ko na iba na ang tingin. 'Yon bang alam mo na ang meaning ng mga tingin nila. Ngumit na lang ako sa kanila.

          Nagyaya silang maglaro ng day-night at truth or dare pero may twist bawal mag dare dapat truth lang raw kuno lahat pero ng magsawa na kami sa truth nagdare naman na kami at sa dami ng pwedeng malasin, e ako pa ang nauna.

"Punta ka kay Liam, sabihin mong pinagpapawisan na siya" utos ni Ali

"Huh? Bakit 'yon?"

"Gawin mo na, bawal ang KJ" saad ni Rica at Tere

           Grabe sila oh. Tsk. Bumaba ako sa building at tuwang tuwa naman 'yong mga kalaro ko. Chinecheer pa nga ako. Lumapit ako kay Liam at sinesenyasan siyang sumakay sa trip pero mukhang di niya magets.

"Punasan mo 'yong pawis mo dali" saad ko habang pilit na ngumingiti

"Huh? Ano?" tanong niya

"Basta punasan mo 'yong pawis mo" utos ko

"Pare, under ka?" pang aasar ni Joshua

          Ay tae! Batukan ko kaya si Joshua ng matauhan, kung ano anong pinagsasabi e. Siraulo talaga siya. Di masakyan ang trip ko jusme! Pero pinunasan naman niya 'yong pawis niya. Good boy Liam hahaha.

***
           I'm here at my bed. Nakahiga habang inaalala ang mga nangyari kanina. Tulad ng pagserve niya sa akin ng juice kaninang recess kahit wala naman akong sinasabi. Tapos 'yong sa date, sabi niya sa restaurant raw pero ayoko nga, dahil alam kong siya ang gagastos ng lahat at 'yon ang ayaw ko, kasi nakakahiya. Ayoko naman na wala man lang akong gagastusin para sa amin nuh.

          Naalala ko rin 'yong lagi kaming sabay umuwi at no'ng hapon, naghabulan kami nila Ali at nakita niya ako. Sinabihan pa nga niya ako na baka mapagod raw ako. Nginitian ko lang siya that time. Nakakatuwa siyang pagmasdan sa tuwing pinagpapawisan siya. Ang gwapo niya. ^_______^ v

BiroWhere stories live. Discover now