Chapter 31:

6 0 0
                                    

          Hindi siya pumasok kahapon at di man lang siya nagtext kung ano ba ang nangyare sa kaniya. Lutang lang ako kahapon buong magdamag. Wala akong ganang kumain at kumausap kahapon kaya hinayaan na lang ako ng mga kaibigan at parents ko.

         Habang nag-aayos ng aking sarili, may natanggap akong text mula kay Liam. Napangiti naman ako. Dali-dali ko itong binasa.

From: Liam

Sorry sa kahapon, di kita nasundo may emergency kasi at kaya di rin kita masusundo ngayon.

          Nalungkot naman ako, akala ko masusundo niya na ako at makikita ko na siya, 'yon pala hindi. Nagtype na lang ako ng message for him.

To: Liam

Good morning Liam 😊 ok lang 'yon 😊 papasok ka ba ngayon?

Sent.

          Naghintay ako ng reply niya pero walang reply na nanggaling sa kaniya. Siguro nga busy siya ngayon. Sana kung ano mang emergency 'yon, maging maayos naman na sana. Natutuwa ako dahil tinext niya na ako kahit di na siya nagreply sa text ko sa kaniya. Masaya na ako dahil nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya absent.

          Pagkatapos kong mag-ayos, nagpaalam na ako kila Mama't Papa na papasok na ako.

          Pagkarating ko sa room, nandoon na ang mga best friends ko pati na rin si Joshua.

"Oy" - Rica

"Yep?"

"Ok na kayo ni Liam?" tanong niya

"Oo naman, ba't mo naman natanong?"

"Ah... wala lang akala ko kasi may LQ kayo"

"Di ah-"

"Nag-aaway kayo ni Liam?" singit ni Joshua

"Hindi, ok naman kami" sagot ko

"Akala ko nag-aaway kayo. Nasaan nga pala siya?"

"Hindi ko alam pero sabi niya may emergency daw kahapon kaya hindi siya nakapasok, hindi ko nga alam kung papasok siya ngayon kasi di na siya nagreply sa text ko"

"Ba't parang malungkot ka 'ata" - Ali

"Wala lang naman"

"Papasok 'yon, baka nga lang malate" nakangiting tugon ni Tere

          Nginitian ko na lang sila. Pakiramdam ko kasi may kulang sa akin. Feeling ko di buo ang araw ko kapag hindi ko siya kasama o nakikita. Di rin ako makangiti ng tunay kaya fake smile lang ang kaya kong ibigay muna sa ngayon.

          Exactly 7:30 dumating ang teacher namin pero si Liam wala pa. Ito na naman 'yong kaba at pag-aalala na nararamdaman ko. Lutang na naman ako. May sariling mundo na sobrang lungkot.

          Napatingin ako kay Ali ng sundutin niya ako sa tagiliran.

"Tawag ka ni Ma'am. Lutang ka na naman"

"Ah... hehehe"

          Lumapit na lang ako kay Ma'am Carlos at tinanong kung bakit niya ako tinawag. Hanggang kay Ma'am fake smile pa rin ang naipapakita ko.

"Skylet, pwede mo bang ilagay ito sa Principal Office? Kailangan na nila ito ngayon" utos ni Ma'am

"Ah sure po Ma'am" sagot ko at ngumiti muli ng peke

          Dahil sa lutang ako di ko namalayan na dinadala na pala ako ng aking mga paa sa soccer field. Sobrang lutang na talaga ako kaya hinayaan ko na lang ang aking sarili na dumaan dito kahit mainit atleast mas mabilis akong makakarating sa Office.

          Habang naglalakad ako, may natanaw akong lalaki. Lalaking alam kong naging dahilan kung bakit nakangiti na ako ngayon ng tunay. Hindi na peke kundi tunay na ngiti.

          Kahit malayo pa siya ay alam ko ng siya iyon. Kilalang kilala ko siya kaya di ako nagkakamali. Gusto ko siyang tawagin pero parang may nakabara sa lalamunan ko. Anong nangyayari sa akin?

          Papalapit na siya sa direksyon ko. Ilang hakbang na lamang ang layo namin sa isa't isa. Ayan na papalapit na kami sa............................

          Nafreeze ako sa kinatatayuan ko. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Bakit... bakit parang di niya ako nakita o napansin man lang. Ni hi o hello wala akong narinig mula sa kaniya. Ano 'yon, naging invisible ba ako. Naging hangin. Ganun ba? Antae naman!

          Hindi ko namalayan ang mga butil ng tubig na umaagos sa aking pisngi. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Pinahid ko na ng pinahid ang mga luhang kumakawala sa aking mga mata.

          Dali-dali akong pumunta sa Office upang ilagay ang ini-utos sa akin ni Ma'am Carlos. Nagmadali rin akong bumalik sa room kahit alam kong halata na ako'y umiyak. Wala akong pakialam kung mapansin nila ang mga mata ko basta ang gusto ko ngayon ay makita at makausap si Liam. Ngunit pagdating ko... wala siya.

"Nasaan siya?" bulong ko

          Imposibleng nagkamali lang ako kanina pero siya talaga ang nakita ko dahil hindi naman ako ngingiti ng malapad at tunay kung hindi siya 'yon. Sigurado akong siya 'yon pero nasaan na siya?

          Dali-dali akong lumapit kina Ali upang tanungin kung nakita ba nila si Liam.

"Ali, nakita niyo ba si Liam?"

"Huh? Hindi - sandali umiyak ka ba?" tanong ni Ali

          Napatingin naman sa akin sina Rica, Tere at Joshua kaya yumuko ako.

"Ha... haha... hindi nuh. Di niyo ba talaga siya napansin?"

"Hindi, bakit?" tanong ni Rica

"Ah... wala naman ha... haha" pilit kong tawa

           Alam kong napansin na nila ang pangingilid ng mga luha ko kaya nagpaalam muna ako sa kanila pati na rin kay Ma'am na mag-c-cr ako.

          Tinatawag ako nila Ali pero di ko na sila pinansin. Dumiretso ako sa cr at doon ibinuhos ang mga luhang kanina pang gustong kumawala.

           Bakit ganun? Di niya lang ako pinansin pero grabe na ang epekto nito sa akin. Sobrang sakit.

BiroWhere stories live. Discover now