Naglalakad ako papuntang building, mag-isa. Si Liam kasi may kinukuha sa locker niya, may naiwan daw siya. Nagmememorize lang ako ng poem para sa graded recitation namin for Humanities ng may biglang humila sa akin papuntang likod ng building.
"Ano na naman ba Sheena?" naiinis kong tanong
"Binalaan na kita pero di ka nakinig. Sinagot mo pa rin siya. Kailan mo ba marerealize na niloloko ka lang ni Liam"
"Alam mo Sheena, walang kwenta ang mga sinasabi mo"
Huminga siya ng malalim bago magsalitang muli.
"Ok, alam kong hindi ka talaga maniniwala without any evidence pero -"
"Alam mo naman palang hindi ako maniniwala sayo pero bakit kailangan mo pa akong guluhin especially kami ni Liam"
"Skylet, listen to me ok? Si Liam ay manloloko. Pinaglalaruan ka lang niya, nila"
"Nila? What the heck"
"Paniwalaan mo naman sana ako. Ayokong masaktan ka Skylet, kaya ginagawa ko ito. I want you to realize na hindi talaga ikaw ang mahal niya -"
"Kung hindi ako ang mahal niya, e sino? Ikaw? Wow Sheena ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin 'yan. Watda ef Sheena! Ako na ngayon ang mahal ni Liam. Di ba ikaw naman ang nagtapon sa kaniya dahil ginagamit mo lang siya sa kalandian mo -"
Napahawak ako sa pisngi ko. Namanhid 'ata, wala akong maramdaman.
"I'm sorry Skylet. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero di ako titigil hanggang sa marealize mo na pinaglalaruan ka lang niya. Maniwala ka naman sana. Makipagbreak ka na sa kaniya dahil kapag pinatagal mo pa ang relasyon mo sa kaniya mas lalo ka lang masasaktan... "
Pinahid niya ang mga luhang kumakawala sa kaniyang mga mata. Nakaramdam tuloy ako ng guilt.
"... please believe me" pagmamakaawa niya at umalis na
Gusto ko sanang magsorry sa kaniya pero nangibabaw ang inis ko sa sinabi niyang ibreak ko na daw si Liam. Nababaliw na ba talaga siya. And how dare is she? She slapped me! Feeling ko tuloy mukhang kamatis ang kabila kong pisngi. Shemay!
![](https://img.wattpad.com/cover/109950238-288-k402038.jpg)
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................