Natapos ang bakasyon na sobrang saya. Masaya dahil laging dumadalaw si Liam sa bahay every 6pm to 8pm. And I'm so happy rin dahil graduating na ako. Grade 12 na ako ngayon kaya ma-e-experience ko na ang college life next year. Yes!
Sinundo ako ni Liam sa bahay kaya sabay kaming pumasok. Nakita ko naman ang mga best friends ko na hinihintay ako kanina sa school gate. Aba! hindi pa sila pumasok, hinintay talaga nila ako. Gusto raw kasi nila na sabay kami pumasok sa school. Mga loka-loka talaga ang mga ito pero ang sweet nila.
"Liam, kumusta naman ang panliligaw?" tanong ni Tere
"Ok lang naman, masaya" sagot niya at ngumiti sa akin
"Ayiiiee.... di ka ba naiinip sa best friend namin na pakipot" - Rica
"Oy grabe ka Rica" saad ko
Natawa lang naman si Liam. Nahiya tuloy ako. Anyway, naglalakad kami sa corridor papuntang classroom namin dahil magkakaklase kaming lima. Kwentuhan lang kami habang naglalakad ng hindi ko inaasahan na madaanan namin si Kana na masakit kung tumingin sa akin. Ibinaling ko na lang sa daan ang tingin ko para maiwasan ang masakit niyang tingin.
Nakarating kami sa classroom na nagtatawanan ng mapansin namin si Joshua na nakaupo. Complete uniform ang lolo niyo hahaha.
"Oh Joshua, himala 'ata at nagcomplete uniform ka" sarcastic na tugon ni Rica
"Syempre first day of school e"
"Hahaha panigurado bukas pormado ka na naman" natatawang tugon ni Ali
"Oy isang linggo pa muna nuh"
"Hahaha pa-impress rin sa teacher nuh" - Tere
"Oo naman pero maiba tayo, kumusta na kayo?" tanong ni Joshua sa amin ni Liam
"Ok naman, masaya pa rin" sagot ni Liam at ngumiti na naman sa akin
Ayan na naman 'yong mga ngiti niya. Jusme! Kinikilig na naman ako. Enebe Hahaha
"Skylet, sinagot mo na ba?"
"Huh? ah... eh hehehe hindi pa" nahihiya kong sagot
"Ano ba 'yan pre, ang tagal mo namang- Aray! Ba't mo ko binatukan? Inaano ba kita?" reklamo ni Joshua
"Ang daldal mo kasi" sagot ni Rica
"Oy tama na 'yan, padating na si Ma'am" saway ni Tere
Umupo na kami. Katabi ko sa right side si Liam at nasa left side naman ang mga best friends ko. Nasa likod kami dahil mas comfortable daw sila Joshua at Liam. Palibhasa tamad silang makinig sa mga lecture.
***
Lunch time na kaya nandito kami sa cafeteria. Kaming apat lang ng mga best friends ko. Nagpaalam kasi si Liam na sasama raw siya kay Joshua kaya hindi namin siya kasama ngayon."Oy girls, buti wala ngayon si Kana" - Ali
"Oo nga. Napansin ko lang haa, simula ng mapalapit ka kay Liam di ka na ginugulo ng bruhang iyon" - Rica
"Yeah" tipid kong sagot
"Speaking of Kana, alam niyo ba kanina nadaanan natin siya at masakit ang tingin niya kay Skylet" singit ni Tere
"Inggit lang 'yon" - Ali
"Pero ito pa, aba nginitian niya si Liam" dagdag ni Tere
"Tsk. Inggitera nga" - Rica
"Hayaan niyo na siya. Kumain na lang tayo" pag iiba ko
"Natauhan siguro na mali ang mga ginagawa niyang pagtapon sayo ng kung anu-ano sa tuwing nandito tayo sa cafeteria" saad ni Tere
"Si Kana, matatauhan? Ay jusme! Himala kung ganun" saad ni Rica
Natawa naman kaming tatlo sa kaniya. Ang bitter niya talaga kapag topic namin si Kana.
Kumain n lang kami at nagkwentuhan habang hinihintay namin ang susunod na klase. After lunch break dumiretso kami sa next class namin. Nadatnan namin si Joshua kasama si Flav. Bakit di nila kasama si Liam? Nasaan siya?
"Joshua, si Liam" tanong ko
"Bakit miss mo na siya? Di ba kasama mo niyo siya"
"Huh?" pagtataka naming apat
""Di ah, sabi niya sasama raw siya sayo" sagot ko
"Di ko pa siya nakikita simula lunch break"
"E kung di mo siya kasama, nasaan siya?"
"Akala ko nga kasama niyo siyang naglalunch kaya di ko na siya inaya kanina"
"Hindi e" sagot ni Ali
"Baka naman may pinuntahan lang" saad ni Tere
"Oh di kaya umuwi kasi nagkaemergency" saad ni Rica
Kung may emergency sa kanila, bakit hindi niya tinext man lang para alam ko at di ako mag-aalala. Umupo na ako at kinuha ang phone ko para sana tawagan si Liam ng dumating siya. Nang makita niya ako, ngumiti siya at lumapit.
"Ahmmm.. sorry! Tinawagan kasi ako ni Ate. Pinauwi niya ako " saad niya
"Ah... ganun ba? Ok lang"
"Sorry talaga. Di kita natagawan kanina sorry"
"Ano ka ba ok lang 'yon" saad ko at ngumiti
Habang nag-uusap kami ni Liam, pumasok si Kana kasama ang dalawa niyang alipores. Napatingin ako sa kaniya at ayon na naman 'yong masakit niyang tingin, 'yong tipong gusto niya akong patayin sa mga tingin niya. Ano bang problema niya? Tsk.
Pagkatapos ng last subject namin sa wakas uwian na rin. Grabe ang first day of school namin, naglecture ba naman sila agad sa mga subject namin. Pinagsulat pa kami ng mahaba haba sa Philosophy of Man.
Nakakapagod ang araw na ito. Hinatid naman ako ni Liam sa bahay at umuwi rin agad. May aasikasuhin siya
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................