Chapter 23:

2 0 0
                                    

Hatid sundo ako ni Liam. Never siyang nalate o di kaya'y naging absent sa paghaitd at pagsundo sa akin. Ilang araw na rin matapos ko siyang sagutin at hanggang ngayon saobrang saya ko pa rin.

Kung ano 'yong ginagawa namin noon ganun pa rin naman ngayon. Di ko siya sinasakal dahil hindi naman ako possessive na girlfriend tulad ng iba. Alam kong di magloloko si Liam, amy tiwala ako sa kaniya. Kaya kapag niyaya siya nila Joshua, pumapayag ako. Ganun rin naman siya sa akin. Kahit na over protective na siya, he knows what is his limit sa pagiging protective. We trust each other. And lagi naman kaming magkasama if di siya niyaya ni Joshua.

Right now, I'm with my best friends here in cafeteria. Nakatambay dahil may event (Buwan ng Wika), ayaw kasi naming manuod sa gym kaya tumambay na lang kami dito. Wala si Liam dahil props men siya sa isang palabas sa program.

"Skylet, how do you feel?" - Rica

"Huh?"

" Na may boyfriend" saad niya at inirapan ako

"Tsk. Ofcourse inlababo hahaha"

"Ramdam nga namin. Selos na nga kami kay Liam e" - Ali

"Girls, mas mahal ko kayo pero mas mahal ko si Liam hahaha - Aray" saad ko at napahawak sa batok ko

"Gaga" - Rica

"Char lang" saad ko at nagpeace sign

"Alam niyo, ang saya ko. Sobrang saya. Sana nga wala ng katapusan ito"

"Tsk. Walang forever 'teh" - Tere

"Ay ang bitter" saad naming tatlo

"Batukan ko kayo, gusto niyo?" - Tere

Natahimik naman kami at kumain na lang. Sa totoo lang hindi lang saya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano i-explain pero.......... ayon nga inlab na inlab talaga ako kay Liam.

Sobrang sweet niya, nagkakalanggam na nga e, sa sobrang maasukal niya. Pagdating niyang bahay nila, pagkatapos niya akong ihatid tatawag siya at magkwekwentuhan na kami buong magdamag.

Every time na tatawag siya, kahit tulog na ako di niya pa rin papatayin 'yong tawag niya hanggang sa makatulog na siya at malowbat ang phone niya.

***
"Skylet, sensya ka na haa... kung di kita nasamahan buong magdamag kanina"

Ito kami naglalakad pauwi. Holding hands while walking ang dating namin. Hehehe kinikilig ako.

"Ok lang 'yon, kasama ko naman sina Ali"

"Sorry talaga. Nagtext ako sayo kanina, natanggap mo ba?"

"Ah wala akong natanggap e, ano bang tinext mo?"

"Tinext ko na magliligpit kami ng mga props na ginamit namin kanina kaya matatagalan ako"

"Ganun ba? Ok lang 'yon, naiintindihan ko wag mong alalahanin 'yon. Lagi naman tayong magkasama kaya wala 'yon"

"Kahit na, gusto ko lagi akong nasa tabi mo"

Napangiti naman ako.

"Ikaw talaga, lagi ka namang nasa tabi ko"

"Oo nga kaya pati sa puso mo, napadpad ako" banat niya sabay kindat

"Hahaha antae! Corny!"

"Corny daw, e namumula ka nga dyan" pang aasar niya

Bigla naman ako napayuko. Nakakahiya, nagblablush na pala ako.

"Nahiya ka pa" saad niya at inakbayan ako

Ene be kenekeleg tuloy ako! Hahaha watda!

Pagdating namin sa tapat ng bahay, hinalikan niya ako sa noo.

"I love you Skylet"

"I love you too" sagot ko

"Sige, alis na ako" paalam niya

" Di ka ba papasok sandali sa bahay?"

"Hindi na, next time na lang. May pinapabili kasi si Mama sa akin"

"Ba't di mo sinabi? Edi sana sinamahan na kita"

"Ano ka ba, ayaw kong pinapagod ka kaya ok lang. Ako na"

"Oo na, sige bye! Ingat" saad ko and I kiss him sa cheeks lang

"Yeah! Thanks, bye!" paalam niya

BiroWhere stories live. Discover now