Saturday!
Laro ngayon ni Joshua sa liga. Manunuod kami ni Ali. Sinundo ko siya, mga 12:30 kasi 1pm ang start ng laro pero magtotwo o'clock na kami na nakarating sa basketball court ng barangay namin. Alam niyo bang 3rd quarter na ang naabutan namin. At tambak pa sila. Tsk. Ano ba yan!
Nanuod lang kami hanggang sa matapos ang laro at hanggang sa matalo sila. Tsk. Sayang! Di bale 1st game pa lang naman nila. Bawi na lang sila next time. Maybe this is not the lucky day for them. Better luck next time sa kanila.
After ng game, napagpasyahan namin ni Ali na puntahan sina Tere at Rica para magmeryenda kami sa tambayan naming bakery shop. Si Jay-ar pa nga 'yong naghatid sa amin kasi nakita siya ni Ali na nakatricycle kaya ayon no choice ako kundi sumakay na sa tricycle niya kasi medyo malayo ang bahay nila Tere at Rica.
Nang masundo namin sila, dali-dali kaming pumunta sa bakery shop para makapagmeryenda.
"Oy guys, ano ngayon?" tanong ni Ali
"Saturday, march 18" sagot ko
"Ah... pupunta si Liam sa carnaval mamaya"
"Hmm?" pagtataka ko
"Sinabi niya sa amin no'ng pumunta kami sa bahay niyo"
"Ba't di ko alam?" tanong ko
"Ewan ko. Ang akala ko sinabi niya sayo" sagot ni Ali
"Wala siyang sinasabi sa akin"
"Basta pupunta raw siya. Tara punta tayo sa carnaval mamaya" pag aaya ni Ali
"Ewan ko lang" sagot naman ni Rica
"I'm not sure din kung makakapunta ako kasi tinatamad ako " saad ko
"Di ako pwede, wala akong kasama" saad ni Tere
"Di ba every saturday ka pumupunta sa carnaval?" tanong ni Ali sa akin
"Oo kapag iiwanan sa bahay yung mga pinsan kong si Kelay. Dinadala namin siya doon. Pero baka di iiwanan sa amin ngayon si Kelay, wala pa kasi siya bago ako umalis ng bahay kanina" nakasimangot kong sagot
Namiss ko tuloy si Kelay. Siya yung bunso naming pinsan. Ang cute cute nung batang 'yon. Mukhang manika. Every saturday ng umaga iniiwan siya ni Tita Charm sa amin kasi laging may out of town o di kaya'y out of country si Tita every weekends. Sunday ng gabi siya sinusundo minsan nama'y one week bago siya sunduin depende sa schedule ni Tita.
"Pero... pupunta siya" saad ni Ali
"Ewan ko lang kung makakapunta ako" sagot ko
Pagkatapos naming magmeryenda, nagsi-uwian na kami. Lakas ng tama namin ni Ali kasi nagmeryenda lang kami tapos.... uwian na agad. Kawawa naman 'yong dalawa. Malayo pa naman ang bahay nila.
***
Unfortunately, di iniwanan ni Tita Charm si Kelay sa amin dahil na-cancel raw ang supposedly meeting niya sa Batangas. Kaya tahimik ngayon sa bahay at panigurado di kami makakapunta sa carnaval. Hmpft."Skylet, sama ka?" tanong ni Mama
"Saan Ma?"
"Sa carnaval"
Naalala ko tuloy 'yong sinabi ni Ali na pupunta raw si Liam sa carnaval ngayon. Parang gusto ko tuloy pumunta kaso tinatamad naman ako.
"Sige Ma, sasama po ako. Wait lang magshashower lang muna ako"
"Sige dalian mo"
Dali-dali akong pumunta sa banyo para makapagshower na. Saktong pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili, tinawag na ako ni Mama.
Pagdating namin sa carnaval agad na hinanap ng akong mga mata si Liam. Ewan ko kung bakit siya agad ang gustong makita ng aking mga mata.
"Ate, alam mo bang maganda ako?"
"Oo" diretso kong sagot sa aking kapatid na si Angel
"Sabi na e, di ka nakikinig sa akin"
"Huh? ano bang sinasabi mo?"
"Wala, just forget it. May hinahanap ka ba at parang lutang ka ngayon ate"
"Wala"
"Wew?"
"Oo nga"
"Ok fine pero lutang ka ngayon"
"Don't mind me"
Naglakad lakad lang kami ni Angel. Humiwalay kasi kami kila Mama at Papa. Parang buong carnaval nalibot na namin pero di ko pa rin siya makita. Nang di ko talaga siya makita, huminto na ako sa paghahanap sa kaniya. Siguro nga di siya pupunta, siguro busy siya, siguro............
"Si ano 'yon haa" saad ni Angel at itinuro ang isang lalaki
Ay tae! Nandito nga siya at kasama niya pa ang kaptid niyang si Warren. Tae! Bakit parang nahihiya ako? Jusme! Napansin niya 'ata kami kaya ngayon ay papalapit na sila sa amin. Di ko alam kung anong gagawin ko. Hmpft.
"Hi" bati niya sa akin at nginitian niya ako
"Hallow" bati ko rin at sinuklian ko siya ng ngiti
Tumambay kami sa isang dart station. Sa tuwing napapatingin kami sa isa't isa e, bigla na lang kaming napapangiting dalawa.
"Kanina pa kayo dito?" tanong ko sa kaniya
"Di naman. Kakarating lang rin namin"
"Ay, kayong dalawa lang?"
"Oo"
"Ang daya mo, di mo sinabi sa akin na pupunta ka rito"
"Sinabi ko kaya sayo no'ng pumunta kami sa bahay niyo"
"Wala ka kayang sinabi. Kanina ko lang nalaman na pupunta ka dito, sinabi sa akin ni Ali" sagot ko
Nagkwentuhan lang kaming tatlo ng kapatid niya. Busy kasi si Angel sa kakatext. Tawa dito, tawa doon ang ginagawa lang namin. Joker kasi si Warren, ang lakas kung bumanat. Pati si Ali napag-usapan namin, dahil si Ali crush niya si Warren.
Nakangiti akong umuwi ng bahay. Paano ba naman kasi, di naman talaga siya pumupunta sa carnaval tapos ngayon pumunta siya. Parang siya 'yong tipo ng tao na di lang marunong sa salita pati na rin sa gawa.
YOU ARE READING
Biro
Teen FictionManiniwala ka ba sa kaniya kung sabihin niya sayo ang katagang "Mahal Kita" sa pabirong paraan? Mahuhulog ka ba sa kaniya? Sasaluhin ka ba niya? Ito ang kwentong nagsasabing hindi lahat ng BIRO ay .....................